Chapter 50

1425 Words
Chapter 50 Napamulat ng mga mata si Elenor nang marinig niya ang boses ni Adfoe na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Sumalubong sa kanya ang seryosong mukha ng babae, naupo ito sa kanyang tabi. Nawala ang pana nito na gawa sa kapangyarihan. Pinilit ni Elenor na maging maayos mula sa kanyang pagkaka-upo. Kailangan niyang maging komportable sa kanyang kina-uupuan, lalo na at si Adoe. Si Adoe na hanggang sa mga oras na iyon ay nababasa niyang hindi pa rin ito nagtitiwala sa kanya nang lubusan. Maliban sa mga iba nitng kasamahan na buo na ang tiwala na ibinibigay sa kanya. Ito lang yata ang mahirap na kunin ang loob, kagaya sa kanya. Hindi niya rin kasi halos maibigay ang buo niyang tiwala sa mga kasama, kahit ilang beses na niyang iligtas ang mga ito at ang turuan na gumawa ng isang pana sa pamamagitan ng kapangyarihan. Para kasi kay Elenor, hindi dapat ipagkait sa mga kaibigan ang mga natutunan niyang kapangyarihan. Ngunit liban sa mga iilang natutunan niya na para sa kanya lamang at hindi na pwedeng malaman pa ng iba. Ganooon naman talaga sa kanilang mundo, hindi alam kung sino ang mapagkakatiwalaan at kung sino ang hindi. Kailangan niya pa ring mag-ingat kahit na ganoon. Kailangan niya pa ring maging mailap sa mga bagay-bagay. “Salamat nga pala sa pagligtas mo sa amin sa pangatlong pagkakataon. Pero sana sa susunod hayaan mo naman kaming tulungan ka. Huwag mo naman sanang suluhin ang lahat, lalo na at gusto rin naming may maiambag sa misyon na ito,” biglang sabi ni Adoe sa kanyang tabi. Hindi naman mawaweala iyon sa kaalaman ni Elenor. Alam naman niya na ganoon ang magiging reaksyon ng mga ito sa mga ginwa niya, kahit na anong gawin niyang kabutihan, tanging masasama pa rin na side ang magiging resulta. Tulad na lamang ng sinabi ni Adoe sa kanya bago lamng. Kahit na wala naman siyang intensyon na ganoon, ay ganoon pa rin ang naging isipin ng babae. Huminga siya nang malalim. Iniisip kung ano ang tamang salita na gagamitin para sa isasagot kay Adoe. Hindi niya alam kung ano ang tamang salita na babanggitin. Natatakot siyang mnahusgahan ng babae, lalo na at may pagdududa pa rin ito sa kanya. Halos mahagip niya a g kanyang mga mata ang pagpasada sa kanya ng ti8ngin ni Adoe. Mukhang wala na yata siyang pagpipilian nang mga oras na iyon kundi ang sagutin ito. “pasensya na kayo, nasanay na kasi akong iligtas ang sarili ko mula sa kapahamaka, at ang mga kasama ko. Hindi ko lang mapigilan na hayaan na lamang kayo at madamay pa sa misyon. Alam kong obligasyon ko kayong protektahan dahil ako ang inilagay na leader ng Empress. Mas mabuti na ako ang mapahamak kaysa kayo. Hindi ko lubos maisip ang may angyari sa inyong masama. Pasensya na kayo sa aking pag-uugali na ganoon.” Huminga siya nang malalim saka napapikit. Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na bagay ang pumating sa kanyang dibdib nang mga oras na iyon. Hindi niya malaman kung tama ba ang kanyang mga sinabi na iyon para mapaniwala si Adoe? o, ang makonsensya siya dahil puro halos lamang kasinungalingan iyong lahat? “Hindi mo naman kinakailangan na iligtas kami palagi. Kailangan din namin ng isang leader na tuturuan kami at pagkakatiwalaan sa sarili naming kakayahan. Kahit na mahina lamang kami, alam naming makatutulong naman kami sa iyo at hindi ka namin babalewalain.” Para siyang sinampal nang ilang beses sa sonabing iyon sa kanya ni Adoe. Hindi naman niya naisip na ganoon na pala ang epekto ng mga ginawa niya. Sa halip na p[rotektyahan niya ang mga ito mula sa kamatayan at pananib, mas naipaparamdam niya rin sa mga ito ang kawalan niya ng tiwala sa mga kakayahan ng bawat isa. Mas napapababa niya ang confidence at tiwala ng mga ito sa sarili. Ganoon na ba si9ya kasama bilang isang wleader ng grupong iyon sa misyon? “Pasensya na kayo. At salamat daghil kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko mallaaman na ganyan pala ang nagiging epekto ng mga [inanggagawa kong iyon. Hayaan niyo sa susunod na pagkakataon, hahayaan ko na kayng tulungan ako at magka-isa tayo sa bawat hakbang na gagawin.” Ngumiti si Adoe sa kanyang sinabi na iyon. Lumiwanag ang mukha nito habang nagniningning ang mga mata. Hindi halos makapaniwala ito sa narinig mula sa kanya. Maging si Elenor ay hindi alam kung paano niya nasabi ang bagay na iyon. Olalong=-lalo na at wala siyang tiwala sa mga ito, waola siyang tiwala sa mga kakayahan ng bawat isa ng mga ito. At aya niyang magkaroon ng koneksyon na malalim sa grupong ito ni Randal. Ngunit kung anoman ang kahihinatnan ng desisyon niyang iyon ay hindi sana makaapekto sa kanyang mga plani, at maging sa kanyang pagkatao. Mas mainam na ang kunin ang mga loob nila Randal nang sa gayung paraan ay mapalapit siya sa kanyang misyon at matagal nang pinaplano. “Maraming salamat kung ganoon, Elenor. Aasahan namin iyan.” Hintayin na lang natin na byumalik sina Randal at Hilbert. Kumuha lang sila ng makakain natin, at ng pagkain para sa iyo. Nang sa ganoon ay tuluyan ka nang lumakas at gumaling.” Ani ni Adoe saka tapik sa kanmyang balikat. Wala na siyang magawa pa kundi ang hintayin ang pagkain na sinasabi ni Adoe. Sana nga ay gumaling na siya sa pagkakataon g iyon, p[ara naman wala nang masayang na araw at pagkakataon na makuha nila ang magical tree. Iyon lamang ang hiling ni Elenor, nang makabalik na sila sa Verdona at maipagpatuloy na niya ang naudlot na plano. Ang paghahanap sa kanyang mga magulang at ang pagtuklas ng lihim ng kanilang Empress. Hindi naman siya bulag na hindi mapansin ang pagpapadala nito sa kanya sa mundong ito para humanap ng magical tree. Alam naman iyon ni Elenor, hindi siya mangmang para hindi iyon mapansin. Pero kahit anopa man ang kalalabasan ng pagpasok niya sa misyong ito, at kung totioo nga ang magical tree. Maaring may rason din na ibinigay sa kanya ang buwan kung bakit siya naririto. Mas madali nga siguro kapag siya ang makakuha ng magical tree. Maari niya itong gamitin opara mahanap ang kanyang mga magulang at maaman ang nakaraan.   ** Isang araw ang nakalipas at gumaling na si Elenor dahil sa kanyang pagtulog at pagkaion ng mga masustansyang gulay at prutas. Iyon ang pinakhihintay niyang pagkakataon, para muling bumalik sa VErdona at ang muling bumalik sa kanilang misyon. Madali silang naglakbay muli nang maramdaman na niyang malakas na ang kanyang pangangatawan at nang bumalik na ang kanyang kapangyarihan. Hindi inaasahan ni Elenor na ganoon pala siya kahalaga sa mga kasama. Hindi niya inaasahan na aalagaan siya ng mga ito at pahahalagahan. “Masaya ako na magaling ka na, Elenor,” biglang sambit ni Randal sa kanyang tabi nang bigla na lamang itong sumulpot. Naglalakad na sila nang mga oras na iyon para muling bumalik sa misyon. Nalalapit bna sila sa gitna ng kagubatan ng Doco. Tulad nang nakagawian dati, nasa unahan si Damien habang ito auturo ng daan papunta sa gitna ng Doco. Ayon sa lalaki ay malapit na silang makarating doon. Mabuti na lamang at hindi sila nakaharap ng anomang panganib sa pagkakatao9ng iyon. Hindi alam ni Elenor kung pinaglalaruan ba sila ng tadhana, o sadyang umaayon lang sa kanya ang pagkatataon? Dahil hindi man lang siya nakararamdam ng anomang mqalakas at mapanganib na enerhiya. Sana nga ay ganoon, hanggang sa makabalik na sila sa Verdona. Ang problema lang nila ay hindi nila alam kung saan ang daan papunta sa Verdona at kung ano ang gagamiting portal. Pero hindi iyon problema para kay Elenor dahil alam niya ang bagay na iyon. “Oo nga, e. maraming salamat sa inying lahat at hindi niyo ako pinabayaan. Pero pasensya na kayo at hindi ko man lang kayo binigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili niyo sa pakikipagl;aban at sa misyon na ito. Sinolo ko ang lahat sa kagustuhan na mailigtas kayo, iyon pala napababa ko ang confidence niyo sa sarili,” hingi niyang paumanhin sa lalaki. Kumunot ang noo ni Elenor. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan? Si Adoe ba?” tanong nito, mukhang alam nga ng lahat ang tungkol sa saloobin ni Adoe. “Pasensya ka na sa kanya. Hayaan mo at kakausapin ko siya nang hindi ka na niya pagsalitaan ng mga masasama.” Umiling siya para pigilan ang lalaki. “’Huwag na, Randal. Tama naman siya. Isa pa ayaw ko nang gulo. Hayaan mo na lang siya, huwag mo na siyang ka-usapin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD