Chapter 49
Lumapit si Randal sa mga kasama na abala sa pag-eensayo. Gusto niya lang ibalita sa mga ito na gising na si Elenor. Una sa kanyang nakapansin sa paglapi ay si Hilbert, nagagawa na nitong gumawa ng sariling pana sa pamamagitan ng sariling kapangyarihan maging si Asora na noon ay hindi nito magawa. Napangiti siya sa kasipagan at determisnasyon ng kanyang grupo, hindi niya inaasahan na ganito kaseryoso ang mga ito sa ganitong sitwasyon. Hindi siya nagsisisi na makarating at magkaroon ng ganitong mga kaibigan. Hindi na lang isang miyembro ang tingin niya sa mga ito, kundi isa nang pamilya. Hindi niya inaasahan na ganito siya malalapit sa mga kasama. Kung noon, mailap pa ang kanilang pagsasama, ngayon ay parang magkapatid na sila at konektado sa isa’t isa. Hindi niya mapigilan ang hindi humanga sa mga tinataglay na kapangyarihan ng mga ito.
Ang bawat isa sa kanila ay may gustong patunayan; may gustong mapagtagumpayan at marating. Hindi na makapaghintay pa si Randal na masaksihan ang lahat nang iyon sa lalong madaling panahon. Alam niyang mahirap at risky ang unang misyon na ibinigay na ito sa kanila ng Empress, pero alam niyang mas mapanganib pa ang susunod na misyon na kan ilang kahaharapin. Iyon ay kung mapatunayan nila sa Empress na hindi sila mahina. Kailangan nilang maging malakas, nang hindi naman sila matawag na mga weak ng ibang grupo sa Witches Academy.
Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit sila ang pinili ng Empress at hindi ang mga kagrupo ni elenor mula sa magical broom. Iyon ang iniisip pa niya simula noon .
“Gising na si Elenor. Kailangan ko lang ng kasama para kumuha ng mga prutas na makakain niya,” ani niya sa mga ito dahilan para mapatigil ang lahat sa pag-eensayo.
“Kumusta na ang kalagayan niya?” tanong sa kanya ni Asora, maging ito ay nakagagawa na ng pana sa sariling kapangyarihan. Malayo na nga ang narating na kakayahan ng kanyang mga kasama. Sana ay magsunud-sunod iyon hanggang sa makabalik na sila sa Verdonal.
“Ayos na siya. Ngunit hindi siya makatayo dahil nanghihina pa rin ang buong katawan niya at mga buto. Kailangan niya pa ng sapat na oras para makapagpahinga at maibalik ang kanyang lakas,” sagot naman ni Randal sa tanong nito.
Ngumiti ang laat sa balita niyang iyon. Masaya ang mga ito na gising na si Elenor, matapos ng dalawang araw nito na walang malay. Kung ganoon, kailangan nga lang ng babae ng sapat na oras para maibaliik ang lakas at kapangyarihan nito sa katawan. Biglang tumaas ng kamay si Hilbert. Mukhang ito ang sasama sa kanya nang mga oras bna iyon para kumuha ng mga makakain ni Elenor.
Bumaling si Randal kay adoe, ito ang gusto niyang magb antay muna kay Elenor habang namamahinga ang babae sa ilalim ng puno. “Adoe, ikaw na muna nag magmasid kay Elenor habang naghahanap kami ng pagkain at hindi pa bumabalik. Maasahan ba kita?”
Tumango naman ang huli bilang sang-ayon nito sa kanyang kagustuhang iyon. “Sige, maasahan mo, Randal.”
Ngumiti siya sa babae. “Maraming salamat, Adoe. Oras na rin para maka-usap mo siya para mawala na rin ang pagdududa mo sa kanya.”
Tinapik na ni Randal si Hilbert sa balikat para yayain na itong umalis para makahanap na sila ng makakain ni Elenor. Habang naglalakad sila ni Hilbert ay biglang nagsalita ang kanyang kasama, patungkol sa pagdududa at kanyang ginawa kanina. “Alam mo pala na may pagdududa si Adoe kay Elenor? Mabuti nga iyon nang magkaroon sila ng oras na makapag-usap.”
Tumango si Randal sa sinabing iyon ng kasama. “Ang gusto ko lang ay matanggap na ng ating grupo si Elenor. Ilang beses na rin niyang pinatunayan na since3re siyang makasama natin sa misyon na ito. Ilang beses na rin niya tayong iniligtas mula sa kapahamakan. Pero hindi ko pa rin maiwasana na mag-isip kung ano ba talaga ang intensyon niya kung bakit niya ginawa ang lahat nang bagay na iyon. Sana ay sa tamang oras masabi niya sa atin kung ano an g kanyang dahilan.”
“pero hindi ka ba nagtataka sa kakayahang mayroon si Elenor? Sobrang lakas niya kumpara sa atin, saka saan niya natutunan ang lahat ng iyon? Maski nga tayo hindi alam ang paggawa ng apoy gamit ang sarili nating kapangyarihan. Maliban na lamang kung gagamit tayo ng spell o ng ritwal.”
Hindi lang pala si Randal ang nakapansin ng bagay na iyon, kundi maging ang mga kasamahan niya rin. Maging siya ay nagtataka rin sa tinataglay na kapangyarihang iyon ni Elenor. Napag-usapan na rin nila ang tungkol sa bagay na iyon, noong isang araw matapos sunugin ni9 Elenor ang mga ahas. Hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin alam ni Randal ang kasagutan, naguguluhan pa rin sila sa lahat na nangyari. Kung anoman ang dahilan ni Elenor at kung sino ba talaga ito, sana ay sabihin na ng babae sa kanila.
“Hintayin na lamang natin siya na sabihin sa atin ang lahat. Mahirap na ang pangunahan natin siya. Hayaan na muna natin siya sa kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawang lahat. Maging ako ay naguguluhan din, pero sana ay matanggap pa rin natin si Elenor, kahit na ganoon siya kalakas at kailap. Hindi naman niya ipinagkait sa atin ang mga natutunan niya.”
Kumibit-balikat si Hilbert sa sinabi niyang iyon. “Kung sabagy may punto ka diyan, bro. hintayin na nga natin ang oras na hayaang mag-share sa atin si Elenor. Alam kong may malalim siyang dahilan, kung bakit niya natutunan ang mga ganoong klaseng kapangyarihan. Sana nga ay hindi natin siya maging kalaban sa huli.”
Kumunot ang noo ni Randal sa narinig na iyon mula kay Hilbert. “Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo, ha, Hilbert?”
Napakamot ito sa batok, ngumiti nang bahagya sa kanya. “hindi naisip ko lang na sana hindi natin siya makalalaban sa huli, dahil nasa magical broom group siya nakasali. Sana ituring niya pa rin tayong kaibigan, matapos ang misyon na ito.”
“Sana nga, Hilbert. Sana nga ituring niya pa rin tayong kaibigan. Pero kung anoman ang kalalabasan matapos ang misyon na ito. Tanggapin na lamang natin kung ano ang resulta, ang mahalaga ay ni minsan nakasama natin ang isan Elenor.”
Napatawa siya saka inakbayan ang kasama. “”Masyado nang seryoso nag pinag-uusapan nating dalawa. Maghanap na lamang tayo ng mga makakain natin at ni Elenor.”