Chapter 48
Past…
Unti-unting iminulat ni Elenor ang kanyang mga mata nang umagang iyon. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, sumalubong sa kanya ang natutulog na si Randal sa kanyang tabi. Mukhang puyat na puyat ito at mahimbing ang tulog. Ipinalibot niya ang tingin sa paligid, nakita niya ang mga kasama na nag-eensayo ng kanilang mga kapangyarihan at mahika. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kirot. Parang niyanig ang kanyang mundo nang mga oras na iyon. Hindi alam ni Elenor kung ano ang nangyari sa kanya. Ang tanging naaalala lamang niya ay gumawa siya ng malaking apoy para sunugin ang limang ahas na malalaki. Iyon lamang at hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari.
Pinilit niyang kumilos, hindi dapat siya magpakahina, kailangan niyang maging malakas dahil malayo pa ang kanilang lalakbayin at marami pa silang haharapin na mga kalaban. Sa kanyang pagtayo, bigla siyang napabalik sa kanyang pagkaka-upo nang makaramdam ng pagkahilo at paghihina ng kanyang mga tuhod. Wari bang natunaw ang lazhat ng kanyang buto sa katawan, dahil malambot iyon. Hindi niya man lang maigalaw nang maayos. Huminga siya nang malalim at napapikit nang mariin. Kailangan niyang pilitin asng sarili kahit na hinang-hina siya.
Akma ulit sana siyang tatayo nang biglang may mga kamay na pumigil sa kanya. Pagkamulat niya ng mga mata ay si Randal na gising na nang mga oras na iyon. Mataman itong nakatingin sa kanya habang pigil na pigil siya. “Huwag ka munang kumilos. Masyado pang mqahina ang katawan mo. Magpalakas ka muna, saka ka ulit kumilos.”
Umiling siya bilang tugon sa lalaki. Hindi iyon pwede. Hindi maaaring maging ganoon na lamang siya, kailangan niyang kumilos kahit na papaano. “ikailangan kong kumilos, masyado nang mahaba ang araw na nasayang dahil sa nangyari sa akin. Kailangan natin agad na makuha nag magical tree nang makabalik na tayo sa Verdona.”
“makababalik naman tayo at makukuha ang magical tree nang hindi mo pinipilit ang sarili mong kumilos. Makinig ka naman sa amin kahit ngayon lang, masyado mong inaabuso ang sarili mo,” pangaral nito sa kanya habang seryosong tingin ang ipinukol sa kanya.
Napahinga nang malalim si Elenor, hindi na siya komontra pa at sinunod na lamang ang gusto ni Randal kahit na labag sa kanyang kalooban. Kahit siya ay ramdam na rin ang panghihina ng kanyang katawan. Kailangan nga niya ng lakas, nang sa ganoon ay maging handa siya ulit sa susunod na laban. Kapag pipilitin niya ang sarili, ilalagay niya lang sa kapahamakan ang sarili at ang mga kasama. Isa pa, mas maayos iyon nang magkaroon ng sapat na oras ang mga kasama na mag-ensayo. Sa ganoon, makakatulong na ito sa kanya sa susunod na labanang kanilang kahaharapin.
Tumayo si Randal mula sa kanyang pagkaka-upo. “Dito ka muna, kukuha lang ako nang makakain nating dalawa. Kailangan mong magpagaling at magpalakas.”
Hindi na niya napigilan ang lalaki nang umalis na ito sa kanyang tabi. Abot-tanaw na lamang niya ang likuran ni Randal nang mga oras na iyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib, hindi niya alam kung bakit biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya alama na malakas ang epekto na ni Randal sa kanya nang mga pagkakataong iyon. Pero kung anoman ang ibig sabihin ng damdamin niyang iyon, kailangan niyang balewalain. Hidni pwedeng may ibang gumugulo sa kanya sa kalagitnaan ng misyon. Isa pa, delikado ang damdamin na iyon.
**
Mataman na nakatingin sa malaing bolang kristal ang Empress ng Witches Island, si Madam Sari. Nakamasid din doon nag kan yang tatlong sugo na mga babae. Pinapanood nila ang nangyayari sa mundo ng Edenia at Doco, pinagmamasdan at sinusubaybayan nila ang mga araw na kinakaharap nila Elenor na makuha ang magical tree.
“Empress, ano ang plano niyong gawin namin sa pagkakataong ito?” tanong ng isa niya sa mga sugo na si dilawan. Hindi kumikibo ang tatlo habang nakatayo sa kanyang harapan.
Matamang nag-isip ang empress nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang susunod na hakbang, natutuwa siya at nakikita niya ang kakayahan ni Elenor. Hindi nga siya nagkamali na anak nga ito nang isa sa mlalakas niyang sugo noon. Ang mga magulang ni Elenor ang nagbigay karangalan sa kanilang mga witches noong dekadang taon. Isang karangalan din ngayon ang mapasakanya ang anak ng mga ito. Plano niyang palakasin pa lalo si Elenor, at ang magical tree ang tanging paraan para magtagumpay siya sa kanyang plano.
Hindi siya pwedeng magkamali at pumalpak, oras na mapasakanya ang magical tree na nakuha ni Elenor at ng mga kasama nito. Maghahari na siya sa buong Verdona. Makakaya na niyang talunin ang mga dragon, mages, witches at mga diwata. Kapag dumating ang oras na iyon, lulusubin niya ang mundo ng Arasor at aangkinin din niya ang mundong iyon. Siya na ang maghahari sa lahat, wala nang makatatalo sa kanya, wala na sa kanyang kakalaban.
“Sumunod kayo sa kung saan sila Elenor. Huwag kayong magpapahuli sa kanila at magpapakita. Oras na makuha ni Elenor ang magical tree, agawin niyo ito sa kanya. Pero hindi kayo magpapakita na kayo iyon, magpanggap kayo sa ibang katauhan. Iyon ang anging paraan para hindi nila mahalata at malaman na ako ang may kagagawan sa likuran niyong lahat.”
Yumuko ang kanyang tatlong sugo matapos niya iyong sabihin. Walan siyang inaasahan kundi ang magagaling niyang tatlong su8go na ito. Malapit nang maisakatuparan ang ninanais niya mula pa noon, pasalamat siya at isinilang ang anak na si Ezlenor. Sa tulong nito ay mapapadali ang kanyang plano na hindi niya ibinubuwis ang sariling buhay sa pagsugod sa mundo ng Edenia at Doco. Dahil may gumagawa na niyon para sa kanya.
“Masusunod, mahal na empress. Gagawin namin ang iyong utos.”
Ikinumpas niya ang kamay sa mga ito. “Humayo na kayo at gawin ang aking inutos. Bumalik kayo rito na dala ang magical tree. At ikulong si Elenor at ang kanyang mga kasama sa mundong iyon. Huwag ninyong hahayaan na makalabas sila ng buhay. Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang matagal ko nang inaasam na paghahari sa dalawang mundo.”
“Aasahan po ninyo na mangyayari ang inyong mga plano, Empress, sa allong madaling panahon.”