Chapter 29

1034 Words
Pagkarating agad nila sa lugar kung saan naroroon si Dela ay agad silang pumasok sa isang malaking tree house. Hindi alam ni Elenor na may ganoon pa lang hideout sa loob ng Witches Academy. At akala niya nag-e-exist lang iyon sa mundo ng mga tao, iyon pala maging dito rin. Huminga nang malalim si Elenor habang nakatingin sa kanya ang mga kasama ni Bald sa loob. Rinig na rinig niya na pinag-uusapan siya ng mga ito. Napa-irap siya sa kawalan. Kung mag-usap naman ang mga ito parang walang bukas, saka akala ng mga ito wala siya roon. ang lakas-lakas pa naman. Mukhang sinasadya talagang iparinig sa kanya ang lahat. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito na walang magawa sa buhay. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakasunod at nakabuntot sa hulihan nv matanda nilang empress at ni Bald. Tumungo sila sa isang pintuan. Malaki naman kasi ang tree house. Mistula iying isang bahay na sa laki at lapad. Hindi nga aakalain ni Elenor na makakaya niyong kumapit sa isang punong kahoy. Malaki naman kasi ang puno kaya siguro nito nakaya. Idagdag pa kung ilan karami ang nasa loob. Pumasok sila sa isang silid. Sumalubong sa kanila ang natutulog na si Dela. Tama nga si Bald at hanggang ngayon wala pa rin itong malay. Hindi naman niya kasalanan ang lahat, kasalanan iyin ni Dela dahil hindi siya nito pinatahimik at binigyan ng peace habang kumakain. Idagdag pa na gutom na gutom siya sa mga oras na iyon. Nanatili lamang siya sa isang sulok. Pinagmasdan niya ang empress sa susunod na gagawin nito. Napatingin sa kanya si Bald, ang sama pa rin ng titig nito sa kanya. Pinagtaasan nga niya ng kilay saka pinandilatan ng mga mata. Kanina pa itong galit na galit, hindi man lang nakapagsuntok sa kanyang mukha. Pero bago mangyari iyon ito muna ang susuntukin niya sa noo. Umiling ito saka bumaling na sa empress. Pinakiramdaman niyo ang noo ni Dela. Nakapikit ang matanda nang mariin. Hindi alam ni Elenor na mag ganoong katangian ang empress. Siguro nga alam nito ang lahat na mga kapangyarihang tinataglay ng mg witches. Kaya siguro ito naging isang empress. Nakakahanga iyon para sa kanya, pero hindi pa rin nawawala ang kanyang duda sa matanda tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. May kung anong puting ilaw ang lumabas sa noo ni Dela. Dinakip iyon ng empress saka may sinabi itong isang ritwal na nasa latin. Hindi iyon maintindihan ng lahat, maliban kay Elenor. Naiiintindihan niya ang wikang latin dahil iyon madalas ang kanyang ginagamit sa tuwing gagawa siya ng kanyang mga poison magic. Kung ganoon, hindj maiiwasan na alam ng empress ang tungkol sa itim na librong walang pamagat. Kailangan niya iyong ingatan at itago. Hindi iyon pwedeng mapunta sa empress. Hanggang maaari ay poprotektahan niya ito mula sa mga masasamang kamay, kabilang na roon ang matanda. Matapos ang ilang minuto, dumilat ang matanda saka napatingin sa kanya nang diretso. Tumaas ang kilay ni Elenor. Ano na naman ba ang kinalaman niya sa puting ilaw. “May inilagay ka bang sumpa sa babaeng ito, Elenor?" tanong ng matanda sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Ang kanilang nanlilisik na mga mata ni Bald at mas lalo pang nadagdagan matapos marinig nito ang sinabi ng Empress. Kumunot ang noo ni Elenor dahil doon. Isang sumpa? May nilagay siyang isang sumpa? Sa pagkakatanda niya wala siyang kahit na anong ginawa, tinapon niya lang sa pader ang babae. Pagkatapos no'n ay nawalan na ito ng malay. Wala naman siyang nilagay na sumpa sa babae. “Wala akong nilagay na kahit anong sumpa sa kanya. Sa pagkakaalala ko lang, tinapon ko lang siya sa pader. Pagkatapos no'n nawalan na siya ng malay. Ni hindi ko nga alam kung paano ang maglagay ng isang sumpa," paliwanag niya, habang inosente na nakatingin sa dalawa. Sa totoo naman, marunong siyang maglagay ng sumpa sa isang witches at iba pang nilalanh. Sinabi niya lang na hindi para pagtakpan ang kanyang kakayahan. Pero hindi naman talaga siya ang naglagay ng isang sumpa kay Dela. “Bakit may sumpa siya kung hindi mo siya nilagyan ng sumpa? Kaya hindi siya agad nagising mula sa pagkawala ng kanyang malay. She is curse to sleep until the full moon will come." Lumapit sa kanya si Bald saka siya nito hinawakan nang mahigpit sa kanyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Pero wala man lang siyang maramdaman na kahit anong sakit. Balewala na sa kanya ang sakit. Walang mas sasakit pa sa pagkawala ng dalawang tao sa kanyang buhay. Iyon ang pinakamasakit na bagay na nangyari sa kanya. Walang emosyon niyang tiningala si Bald. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kanya nang sukdulan. wala rin siyang pakialam kung sinadya ng Empress na sabihin at pagbintangan siya sa isang sumpa na hindi naman niya ginawa. “Wala akong ginawa sa kasintahan mo. Inaamin ko na ako ang humagis sa kanya sa pader. Pero ang sumpa na sinasabi ng matandang iyan, wala na akong kinalaman diyan.” Nanlilisik pa rin ang mga mata ni Bald. Hindi ito nakikinig sa kanyang paliwanag. Wala na roong magagawa pa si Elenor. Alam niyang ikagagalit iyon ng lalaki. Pero kahit na kailan, hindi niya aaminin ang kasalanang hindi niya ginawa. “Walang solusyon sa sumpang ito. Hihintayin natin ang full moon," anunsyo ng Empress na may seryoso pa ring mukha. Suspetsyani Elenor sa mga oras na iyon namay kinalaman ito. Matagal ang pagtibgin nito kay Dela. Bumulong pa ito ng latin kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa pagkakaintindi niyon. Kumuyom ang kamay ni Elenor sa galit. Hindj niya alam kung ano ang intensyon ng empress sa kanya. Kung ano ba talaga ang ikinagagalit nito sa kanya kung bakit ito nito ginagawa. “Sa susunod pa na taon muli ang full moon dito sa ating mundo. Hindi ko kaya na hintayin ang anim na buwan. Kailangan ko nang magising si Dela ng oras na ito!" Damang-dama ni Elenor ang galit ni Bald. Pero kahit ano ang galit na maramdaman nito sa kanya, wala siyang magagawa. Hindi niya iyon gampanin. Wala siyang gagawin laban sa babae. Ang tanging empress lamang ang may kakayahan na gawin iyon, dahil ito ang naglagay ng sumpa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD