Chapter 30

1045 Words
Patibayan ng tingin ang namayani sa silid na iyon. Walang balak na sumuko, wala ring balak na magpatalo. Alam ni Elenor na wala na siyang magagawa. “Ako na ang bahala sa kasintahan mo, Bald. Ikaw naman Elenor. Pumunta ka tower mamaya kapag ipapatawag kita ulit. Kailangan mong kaharapin ang kaparusahan sa pagbibigay ng sumpa sa babaeng ito.” Walang salitang umalis si Elenor sa tree house na iyon at bumalik sa ladies condominium. Matapos ang pangyayaring iyon kinulong niya ang sarili sa loob ng silid. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang bagay na kanyang pinaka-iiwasan. Ngayon, ang inaalala niya ay kung anong kaparusahan ang ibibigay sa kanya ng Empress. Alam niyang ito ang naglagay ng sumpa kay Dela. Hindj siya pwedeng magkamali sa kanyang narinig na ritwal nitong isinagawa kanina. Hindi siya tanga para mapansin iyon. Mamaya na lamang niya kokomprotahin ang matanda oras na ipatawag siya nito. Hindi niya papalampasin ang matanda sa kababalaghan na ginawa nito. That is not right. She deserve an explanation. She deserve to know what is the truth behind of it. Hindi niya hahayaan na mangyari muli ang nangyari sa kanyang mga magulang. Isinagawang muli ni Elenor ang kanyang naudlot kanina sa paggawa ng isang mahika. Ginawa na niya ang pangalawang proseso para sa susunod naman. Hindi madali ang paggawa ng magic potion. Alam niyang mahirap iyon at kailangan pang gumugol ngi lang araw, kung hindi papalarin aabot ng lingoo, hanggang samaging buwan at maging isang taon. Kapag matapos na niya ang proseso kailangan niya pa iyong pag-aralan sa mga bagay na maaring makaapekto gamit ang magic potion na kanyang ginawa. Kapag hindi tumalab at hindi sa inaasahan niyang tataglayin nitong lakas, ay tinatago niya ang napapakinabangan at muli na naman siyang uulit. Ganoon palagi ang eksena noong nasa mundo pa lang siya ng mga tao. Hindi alam ni Elenor na ganoon pala kahirap ang gumawa ng magic potion. Kaya nga hanggang-hanga siya sa mga magulang sa kahusayan ng mga ito sa paggawa no'n. Natatandaan niya pa ang mga araw nakasama niya ang mga ito. Tinuturuan siya ng kanyang mga magulamg sa paggawa ng hangin sa paligid. Isa dapat sa tinataglay niya ay ang Earth element. Kailangan niya iyong napagtagumpayan sabi ng kanyang mama at papa. Pero mahaba pang panahon ang kanyang gugugulin matagumpayan lang iyon. alam niyang wala pa siya sa kalagitnaan,kaya hindi siya pwedeng sumuko. Inihain niya ang kanyang ginawang magic potion saka iyon inilagay sa isang botilya. Mamaya niya iyon pag-aaralan kung naging tama ba ang paghalo at pagluto niya rito. Sa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-aayos sa mga ginamit na kasangkapan nang makarinig siyang takot sa tatlong bantay na sumundo rin sa kanya kanina. Iyon na ang kanyang inaasahan na sinabi ng Empress kanina. Hindi niya alam kung ano ang kaparusahan na sinasabi nito pero sana ay hindi iyon mahirap. Sana nga ay kayanjn niya kung ano man ang kasamaan na binabalak ng matandang iyon. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit. Nang masigurong nasa tamang lagayan na ang mga iyon ay agad siyang tumungo sa pintuan at binuksan ang pinto. Winala na rin niya ang barrier dahil nasa loob naman siya. Kapag wala na lang siya ay saka na lamang niya lalagyan. Bumungad muli sa kanya ang tatlong babae na sugo ng Empress. Hindi na ang mga ito nakangiti kundi ang seryoso nang tingin ng mga ito. Hindi niya masisisi ang tatlong babae sa pakikitungo nito sa kanya. Alam niyang may nagawa siyang kasalanan kay Dela. Pero hindj na niya alam ang tungkol sa sumpa. Kung anoman ang sinabi ng Empress dito tungkol sa sumpa ay wala na siyang pakiaalam pa. Ipagtatanggol niya ang kanyang sarili sa abot ng kanyang makakaya. “Ipinatatawag muli kayo ng Empress,” anunsyo ng mga ito sa kanyang harapan. Agad na tumango si Elenor. Walang pakundanagan na lumabas ng kanyang silid at ini-lock ang pinto. Pagkatapos no'n handa na siyang harapin ang Empress habang may oras pa. Mabilis silang nakarating sa tower kung saan ang Empress. Pagkarating doon agad siyang iniwan ng tatlo. Hinarap matanda, matapos na umalis na ang mga sugo nito. “Elenor, alam kong hindi ikaw ang may gawa ng sumpa na iyon. Pero kinakailangan ko lang iyong gawin para sa mabilis na pagpapatawag ko sa iyo. Madali lang naman ang mga bagay. Hindi naman iyon big deal para sa iyo.” Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang suot na cloak at magic broom. Hindj nita ito inaasahan. Kung ano man ang nais ng Empress sa kanya ag dapat na nitong sabihin. “Ano ang gusto mong mangyari?” tanong niya sa matanda, wala siyang emosyon na ipinapakita rito. Hindi niya gusto ang ginawa nito sa kanya. Ang pinakaayaw niya sa lahatay ang paaminin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. “Isa kang Empress, tanda. Hindi mo ito gawain, tinuturuan mo ng masama ang iyong mga nasasakupan. Alam mo ba iyon?” sunod niyang tanong dito. Mukhang nakuha niya ang galit nito. Kaya't hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-usok ng ilong. Naalala niya si Bald. Paniwalang-paniwala na ang lalaki na siya ang gumawa ng kasalanan tungkol sa sumpa. “Wala kang karapatan na husgahan ako, Elenor. Hindi mo alam kung ano ang rason kung bakit ko iyon ginawa.” Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi nito. Wala siyang pakialam sa rason nito. Ang gusto niya lang ay ang akuin nito ang paglagay ng sumpa kay Dela. Ang gusto niya sabihin nito na wala siyang kinalaman doon kay Bald at sa mga magic broom. “Huwag kang mag-aalala. Gumising na si Dela. Ipinaliwanag ko na sa kanila ang lahat." “Pero ako pa rin ang kanilang sinisisi. Ako pa rin ang kanilang alam na may gawa ng sumpa na iyon. Hindi iyon makatarungan, Empress. Hindi ako magagalit sa iyo, kapag inamin mo ang kasalanan mo." Tumahimik ito sa kanyang sinabi. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Hindi siya nagpatinag. Hindi siya unang nagbitiw ng tingin. Ang Empress ang unang sumuko. Malungkot ang mga mata nito nang tumingin muli sa kanya. “Pasensya ka na. Pero paninindigan ko ang aking desisyong ginawa. Ito ay makabubuti sa iyo at sa lahat." “Sa akin?! Bakit?! Ano ang mabuti sa ginawa mo ha? Ano ang gusto mong mangyari?! Sabihin mo sa akin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD