Chapter 31

1094 Words
Nanatiling tahimik ang Empress sa tanong na iyon ni Elenor. Wala na siyang magagawa kung hindi nito sasabihin ang dahilan ng pagsisinungaling nito. Hindi niya alam kung saan niya ikabubuti ang paggawa nito ng kwento tungkol sa kanya. Hindi niya maintindihan ang lahat. Para siyang mababaliw sa kakaisip kung ano ang lahat at kung saan kokonekta iyon. “Ito ay para sa iyo, Elenor. Pinoprotektahan lang kita mula sa mga kalaban natin na masasama. Hindi ko alam kung sino sila, pero ang alam ko nasa paligid lang sila at handang sumalakay kahit na anomang oras. Ikaw ang kanilang pakay. Kaya hindi ko pinapahalata na ikaw iyon. Kaya kita pinapunta rito para maibigay ko sa iyo ang proteksyon na kailangan mo. Dahil nasa mundo ka ng mga tao, wala kang laban.” Nanatili siyang nakinig sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung ano ang ibig iparating nito. Hindi niya maintindihan ang lahat. Hindi na nakapagsalita pa si Elenor ng mga oras na iyon. She doesn’t know what to do next. She is out of her control. Alam niyang mas sasabog pa ang kanyang emosyon kapag makinig pa siya sa Empress. Kaya siya na lamang ang iiwas sa mga hindi dapat na mangyari. Siya na mismo ang iiwas sa maaaring gulo na kanyang magawa. Oras na mapuno siya ng galit at inis sa dibdib. “Aalis na ako. Wala na akong dapat na patunayan sa iyo. Alam naman natin nag totoo. Wala kang intensyon na masama sa akin. Iyon na lamang ang paniniwalaan ko kung iyon ang gusto mong mangyari. Pero kapag oras na pinakialaman mo ako sa gagawin ko. Hinding-hindi ko na iyon papalagpasin.” Akma na sana siyang tatalikod para lumabas na ng tower na iyon. Bigla na lamang siyang tinawag nitong muli. “Elenor. May isa akong ipapagawa sa iyo. Makakasama mo ang grupong hat sa other world. Hanapin ninyo ang magical tree. Itong punong ito ang makatatalo sa Arador.” Nilingon niya ang matanda. Sinusukat niya ang tingin na ipinukol nito. Hindi niya gusto ang narinig. Hindi niya tinanggap ang pagparito para maging isang utusan lamang. “Paano kung hindi ko tatanggapin ang iuutos mo?” “Mapapahamak ang mga grupo ni Randal. Kung wala kang puso na tulad ko. Susundin mo ang nais kong ipagawa sa iyo.” Kumuyom ang kamay ni Elenor sa sobrang galit. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang katawan at ang pag-usok ng kanyang ilong. Taas-baba rin ang kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Hindi niya napigilan ang emosyon na namayani sa kanyang dibdib. Hindi niya nagustuhan ang pagb abanta nito sa kanya. Mas lalo lamang pinatunayan ng Empress ang kanyang supetsya rito. “Hindi ko nagustuhan ang pagdamay mo sa kanila. Huwag mo na silang gagamitin laban sa akin. Wala akong pakialam sa kanila. Gagawin ko na ang gusto mo.” Nakita niya itong ngumisi nang malapad. “kung ganoon, gusto mong ikaw lang mag-isa ang pupunta sa other world?” Mas humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang kamay. “Sabihin mo na lang sa akin kung anong araw at kung saan ko matatagpuan ang magic tree na sinasabi mo.” “Bueno, kung iyan ang gusto mo.” Hindi na nakinig si Elenor ng mga oras na iyon. Humakbang na siya palabas ng silid na iyon. Hindi na siya nakinig sa mga sasabihin pa nito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa mga narinig mula rito. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kanyang kakayanin. Tumungo siya sa kanyang silid at nahiga sa kama. Hindi niya inisip ang mga susunod na mangyayari. Mas mabuti na lang siguro na magbasa siya ng itim na libro na walang pamagat. Baka may makitga siya roon tungkol sa magical tree na sinasabi ng Empress. Mamayang gabi, pupunta siya sa patay na gubat para puntahan sina Deco at Mosa. Kukumustahin niya ang mga ito kung ayos na ba ang nangyari sa loob ng kagubatan. Tatanungin niya rin ang mga ito kung tungkol saan ang magical tree na sinasabi ng Empress. Mabilis dumating ang gabi. Wala pa ring nahanap na kasagutan si Elenor tungkol sa magical tree na sinasabi ng Empress. Wala na siyang nagawa kundi ang tumungo sa patay na kagubatan. Alam niya sina Deco at Mosa lamang ang makatutulong sa kanya, tungkol sa bagay na iyon. Pero wala siyang gagawin kundi ang mag-ingat sa paglabas ng condominuim. Kung hindi ay baka makita siya ng mga nasa paligid na nakabantay. Alam ni Elenor na may mga matang nakamasid sa kanya sa paligid. Iyon ang kanyang pinaka-iingatan na mangyari, ang mahuli siya at isumbong sa Empress. Siguradong mananagot na siya sa pagkakataong iyon. Nagmasid siya sa paligid. Sinisigurado na walang kahit na sinong nakasunod sa kanya. Agad siyang sumakay sa kanyang magic broom at tinungo ang patay na gubat. Walang kahit na sinong nakakalat na witches sa buong tower. Ibig sabihin nasa loob na ng mga condominium ang lahat. Pwera na lamang sa kanya na sa labas pa at papunta na sa patay na gubat. Kailangan nang maka-usap agad ni Elenor sina Deco at Mosa. Bago siya pumunta sa ibang mundo na alam niyang doon siya papatayin ng mga kalaban. Hindi niya iyon hahayaang mangyari. Napahinga nang malalim si Elenor nang ligtas siyang nakapasok sa patay na gubat. Hindi niya inaasahan na welcome siya agad pagkapasok sa gubat. Tinawag niyaang pangalan ni Deco at Mosa. Ilang minuto lamang ang lumipas, lumabas na ang dalawa sa kanyang harapan. Napangiti ang dalawa pagkakita sa kanya. Agad siyang niyakap ni Mosa habang si Deco naman ay binigyan siya ng isang pungpong ng bulaklak. Napansin niya ang paligid na unti-unti nang tinutubuan ng mga bulaklak at tinutubuan ng mga dahon ang sanga. “Masaya kami at binista mo kami ngayon. Ilang araw ka na rin naming hinihintay sa iyong pagbabalik," ani Mosa habang nakangiti pa rin nang malapad. “Pasensya na kayo. Maraming nangyari sa labas. Totoo ngaang suspetsya ninyo at ang sinabi na masama ang Empress.” Kumunot ang noo ni Deco sa sinabi niya. “Ano po ang ibig mong sabihin?" “Pinagbintangan niya ako kanina na ako ang naglagay ng sumpa kay Dela. Ginawa niya lang daw iyon para protektahan ako mula sa mga kalaban. At gusto niya akong pumunta sa kabilang mundo para kunin ang magical tree. Alam niyo ba ang bagay na iyon?" Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi niyang iyon. Hindi iyon nakaligtas kay Elenor. Alam niyang hindi maganda ang nasabi niya. “Ang magical tree. . . ito ang magwawasak sa lahat ng nilalang pwera sa kung sino ang may hawak nito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD