Chapter 9
Barguso’s point of view
Hindi ako makakilos habang nakatingin sa kisame. Naiwan kaming dalawa ni Elenor sa aking silid habang nag-iisip nang malalim. Alam kong wala na kaming kawala sa kapalaran na aming tinahak. Alam ko rin na magagalit ang kanang angkan sa aming mga dragon, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa mga oras na iyon ay gumaling na ako at muling manumbalik ang aking lakas.
Si Elenor ang makatutulong para ako ay bumalik sa dati. Sa tulong niya’y lalakas ang aming angkan at kami ang kikilalaning pinajkamalakas na lahi sa mundo ng Verdona. Kailangan ko siya para maisakatuparan iyon. At iyon ang hindi ko ipapaalam sa kanya kung ano ang aking tunay na pakay. Baka malaman niya’y bawiin ang kanyang ipinangako sa akin na maging asawa siya at tutulungan akon habang-buhay.
“Hindi ako makiapaniwala na may asawa na ako pagkatapos ng ilang araw. Tanging iisa lamang na lalaki ang aking minahal. Ang hindi ko matanggap ikakasal ako sa lalaking hindi ko naan iniibig,’ bigla niyang turan habang nakatingin sa kawalan.
Humugot ako ng malalim na hininga. Kung alam niya rin na pareho lamang kami ng nararamdaman. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya, isa iyong kahihiyan para sa akin bilang isang hari ng aming angkan. Hindi dapat ako maging emosyonal pagdating sa ganitong sitwasyon, dahil tungkulin ko ang paglingkod sa aking angkan.
“I am from the dragon island, can you be my wife?” I asked her suddenly that makes her lqaughed hard.
I know it was quick proposal bujt I needed it to be normal as I can. Hindi naman pwedeng hindi ko siya yayain magpakasal, at6 magpapakasal na lamabng kami na hindi ako nakapag-propose sa kanya. Ang weird naman no’n. saka wala namang nakatatawa sa sinabi ko.
Pumikit ako nang mariin, saka hinahabaan ang aking pasensya. Hindi ako pwedeng magalit, dahil kailangan ko siya. Kailangan kong kontrolin ang aking galit, kung ayaw kong mabulilyaso ang aking mga plano.
“Wala namang nakatatawa sa sinabi ko, Elenor.”
Tumango-tango siya saka pinigilan ang pagtawa. “Alam ko. Pero natatawa lamng ako na naisip mo pang magpropose sa akin sa mga oras na ito. Ang formal mo naman mahal na haring Barguso.”
Huminga ako nang malalim saka bumuga pagkatapos. “I know, but I still respect you as a woman. Kahit naman na hindi natin kialla ang isa’t isa. Karapat-dapat ka pa ring alukin ng kasal in a right way,” sagot ko naman para maliwanagan siya.
It’s true, I value my beliefs and her too. Kailangan naman talagang magpropose ako sa kanay nang tama. Hindi lang basta-basta na pumayag siya ay iyon na ‘yon. Napatingin ako sa kanya nang mapansin ko siyang natahimik at hindi na nakapagsalita.
“Okay, okay, I will be your wife. But can you propose like a humqan? Iyong tinatanong ng lalaki ang mga baabe ng ‘will you marry me?’, ganoon.”
Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya at ibig sabihin, pero susundin ko na lang iyon. Wala naman mawawala sa akin kung itatanong ko sa kanya. Isa pa, ayon kanina sa napag-usapan namin, nasa mundo siya ng mga tao nanirahan ng matagal. Kaya naman naiiintindihan ko kung bakit ganoon ang mga paniniwala niya at naiiba ito sa mga paniniwala ko.
Tumikhim ako at umubo para mawala ang nakabaerang laway sa lalamunan ko. Alam kong iyon lang ang itatanong ko sa kanya, pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Namamawis ang noo ko at ang bigat ng aking hininga. This is my first time to ask a woman to marry me, and I don’t think that’s a good idea.
Tama ba iyon? Hindi ba iyon weird?
“Elenor, will you marry me?” I asked her, with a serious look.
Seryoso rin ang mukha niyang nakatingin siya sa akin. Mukhang nanibago yata siya sa tanong kong iyon na siya naman ang may sabi na itanong ko iyon sa kanya,. Nahintay pa ako nang sandali, bago siya naka-recover sa kanyang narinig na tanong mula sa akin.
“Y-yes, I will marry you, Barguso,” sagot niya na siyang nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Alam kong nakapapanibago ang ganoong eksena sa akin, at hindi ko naman alam na ang mga ganoong bagay dahil gawain iyon ng mga tao. Pero iba ang dating sa akin na hindi ko maipaliwanag. Nakakakaba at nakapanghihina ang sagot sa akin ni Elenor. Hindi ko rin alam kung saan galing ang saya na aking nararamdaman sa mga oras na iyon.
Ganoon marahil kalakas ang tanong at sagot pagdating sa mundo ng mga tao. Kung bakit ba kasi wala akong alam sa mga bagay na iyon?
--
Dumaan ang isang araw at naiparating na sa buong dragon island ang pagpapakasal namin ni Elenor. At inaasahan na naing dalawa nqa makararating iyon sa kanyang mga angkan—sa Witches island.
Napag-usapan na namin ang bagay na iyon, na kapag oras na dumating at magalit ang kanyang mga kasama at ang kanilang pinuno ay magkakaroon ng labanjan sa mundo ng Verdona.
Hindi ko alam kung bakit ityion ang naisipang paraan ni Elenor. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang determinasyon niya namaikasal sa akin at labanan ang kanyang buong angkan.
Alam kong may pinaplano siyang hindi maganda, at alam kong iyon ay gagawin niya oras na maikasal kaing dalawa. Pero wala na akong magagawa kung iyon ang kagustuihan niya. Gawin niya ang plano niya, at gagawin ko naman ang akin. Ang mahalaga ay magamit ko ang lakas niya para hindi ako manghina at manumbalik na ang kalagayahn ko sa dati.
“May kutob ka bang pupunta ang mga kasama mo rito sa dragon island? Hindi naman maiwasan na akarating sa buong mundo ng Verdona ang pagpapakasal nating dalawa,’ tanopng ko habang sa kalagitnaan kami ng aming seremonya sa pagpapakasal.
Nagkalat ang lahat na mga dragon sa bulwagan. Sa ibaba ng kahaian, samantalang kami ni Elenor ay nasa itaas ng malawak at matayog na hagdan. Tanaw na tanaw namin mula rito sa itaas ang libong mga dragon na nanonood sa aming pag-iisang dibdib.
Nakasuot ako ng aking damit pang-hari at si Elenor naman ay nakasaya nang magara. Kulay violet nga lang iyon at may disenyong itim. Dala-dala niya pa rin ang kanyang magic broom, at poited hat. Hindi naman talaga iyon mawawala sa kanya kahit saan siya magpunta kasama-kasama niya pa rin iyon.
“Hindi ang mga iyon pupunta rito. Nagopatulong ako kay Ugor kanina na lagayan ng barrier ang buong isla ng mga dragon. Kaya kampante akong hindi sila mangugulo sa akin.”
“Nakaya mong lagyan ng barrier ang buong isla? Hindi ka nanghina pagkatapos iyong gawin? Sakqa isa ka lang na witch, hindi ka naman isang elemento na maaring gawin iyon,” kontra ko habang nakangiti nang peke sa mga dragopn na nanonoood sa ibaba.
Nagbubulungan lamang kaming dalawa ni Elenor para hindi rin marinig ng mga kasama namin dito sa itaas ang aming pinag-uusapan.
“Akong bahala sa k
anila."