Chapter 10
Barguso’s point of view
Mabilis natapos ang seremonya ng aming kasal ni Elenor. Madali ang lahat, dahil walang naging hadlang. At iyon naman talaga ang usapan, pagkatapos na maanunsyo sa lahat ng aking mga ankan na ikinasal na kami ni Elenor at isa nang ganap nang mag-asawa ay siyang pagtatapos ng kasalan.
Dumiretso ang lahat sa bulwagan. Nakaupo kami sa harap ng lahat habang walang tigil sa pagbati at pagngiti sa aking mga nasasakupan na dumalo. Napatingin ako kay Elenor nang bigla siyang magsalita. “Ganito ba talaga kapag ikasal? Hindi ko alam na kailangan pa lang makipagplastiakan sa kanila.”
Bumuntonghininga ako sa aking narinig mula sa kanya. Kung anu-ano ang sinasabi ng babaeng ito. Kung bakit hindi na lamang siya makipagsabayan sa amin at mamaya na lamang kaming mag-usap na dalawa kapag tapos na ang seremonya.
“Mamaya na lang tayo mag-usap tungkol diyan, Elenor. Baka may makarinig sa iyo at kung ano na ang maging balita sa lahat kinabukasan,” suway ko sa kanya habang nakangiti pa rin sa aming mga bisita.
Mukhang ito rin ang ginawa namin kanina habang kinakasal—nagbubulungan at nagpapanggap na ngumingiti kahit na labag sa aming loob ang nagaganap sa mga oras na ito.
Biglang nagpatugtog ang mga musikero sa amibng tabi. Lumapit ang isa kong sugo saka kami niyaya ni Elenor na su8mayaw sa gitna ng bulwagan. Ito pala an g nakalimutan kong isa sa parte ng seremonya pagkatapos na ikasal. Kailangan kong isayaw sa gitna ng bulwagan ang aking asawa.
“Makisama ka sa akin, please. Huwag mo akong ipahaiya,” bulohng ko kay Elenor habang inaaalalayan na siya papunta sa gitna.
Nag-ingay ang lahat na nasa loob. Naghiyawan sila na wari bang kanil kaming binabati at pinapalakpakan sa tuwa. Hindi ko gusto na lukuhin ang aking mga nasasakupan sa likod ng nagaganap na ito. Pero wala na akong magagawa pa kundi ang sumuot sa ganitong klase ng sitwasyon. Gipit na ako at wala nqang pagkakapitan pa. Tanging ito lamang ang solusyon para muling bumalik anfg lahat sa dati. Kalimutan ko na ang pagiging tapat sa kanila at ang sarili ko naman ang aking ililigtas mula sa kahihiyan.
Ilang taon na akong nakaratay at hindi makakilos dahil sa hindi ko mapangalanan na karamdaman. Its been a decade since the day that I was able to defeat my enemy. Hanggang isang araw na lanang at natagapuan ko ana lamang ang sarili kong unti-unting nanghina at nakaramdam ng isang matinding karamdaman na hindi alam kung saan nagmula.
Iyon ang simula ng araw na nahiyab ako sa aking mga angkan. Hindi ko man lang sila mapapunoan nang maayos. I w3as once a useless king of their clan. But this time I will promise to them that I will fullfil my lackness on them. Oras na para ako naman ang buawi sa kanila at sila ay aking muling iangat mula sa kahihiyan na ako ang may gawa.
Tama nga si Ugor, magmula nang bago ganappin ang kasal hanggang sa matapos ang seremonya. Unti-unting bumalik ang aking lakas at nawala ang aking karamdaman. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabnata at hindi na kailan man tumanda. I was rolling the Dragon island a decades, and I will never let my kingdom go in darkness. Pinaghirapan itong tayuin at pangalagaan ng mga magulang ko, hinding-hindi ko dapat sayangin na mapunta lamnang iyon sa wala.
Kung anoman ag balak ni Elenor na magpakasa sa akin, hinding-hindi ko hahayaang na siya ay magtagumpay. Kahit na ano ang mangyari, kahit na ikamatay ko pa iyon. Hindi ko ito bibitiwan, hindi ko bibitiwan ang dragon isaland.
“Kanina pa malalim ang iniisp mo, mahal kong asawa. Ano ang pinagkakaabalahan ng utak mo at wala ka sa focus?” biglang tanong ni Elenor haban maolawak ang ngiti na nakatingin sa akin.
Kasalukuyan na kaming sumasayaw na dalawa sa gitna ng bulwagan. Mabuti na lamang at sapat ang lakas ng musika para hindi marinig ng lahat ang aming pinag-uusapan.
“Iniisip ko kung hanggang saan ang at6ing opagpapabnggap na dalawa. Hindi ko makayanan na tumagal ito habang-buhay. Paano kung may mahal oka pa lang ibna at may gusto kang maksama at hindi ako iyon, iiwan mo na lang ba ako?” palusot ko sa kanya.
Kahit naman palusot iyon ay naisip ko naman ang bagay na iyon kanina habang kami ay ikinakasal. Paano nga kung dumating ang araw na may matagpuan na siyang lalaking mahal niya at gusto niyang pakasalan? Ako? Kung ganoon din ang mangyari sa akin? Paano kung may babae naman akong gustong maksama habang-buhay? Paano na rin?
Kailangan ba naming maghiwalay? O, ang isintabi na lamang ang gustuhin na iyon para sa kasunduan naming dalawa? Napakakom[plikado naman ng aming sitwasyion na ito.
Kung bakit ba kasi ito ang tanging solusyon sa karamdaman at kalagayan ko? Hindi ko naman gusto na hindi maging masaya si Elenor, hindi naman niya obligasyon ang maikasal sa akin para muling manumbalik ang aking lakas sa dati. Pero heto at tinulungan niya pa rin ako, kahit na alam niyang malalagaya sa panganib ang kasiyahan at lkalayaan niya bilang isang witch ng witches island.
“Nagsisisi ka na ba na maikasal sa akin? Ang pagtulong ko sa iyo? Wala na akong magagawa kung dumating man ang araw na iyon, Barguso. Naitakda na akong ikasal sa iyo, kasal na tayo sa mga oras na ito. Hindi naman pwedeng bawiin mo na lang iyon at ang ibalita sa lahat ng iyong angkan na hindi nqaman pala tayo serysoo sa ganitong bagay. Mas nakahihiya iyon,” ani niya habang nakatingin sa akin nang mataman.
Tumango-tango na lamang ako bilang p-agtanggap sa kanyang sagot na i9yonm. Wala na rin akong magagawa pa. kundi ang p[anindigan na lamang kung ano ang aking nagawa sa mga oras na ito.
Mabilis na natapos ang seremonya at nag-siuwi na rin ang mga dumalo sa bulwagan. Ang aking tatlong sugo na lamang ang natira, si Ugor at kaming dalawa ni Elenor. Hindi ko malaman kung ano na ang gagawin pagkatapos. This is akward. I know, mag-asawa na kami ni Elenor, pero nakakailan pa rin gayung di ko alam kung ano ang magiging approach ko sa kanya.
Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko mamaya sa kanya. Hindi ko alam kung gagawin ba namin ang kailangan na gawin bilang mag-asawa. Gayng kakakilala lang naming dalawa. Hindi pa namin mahal ang isa’t isa.
Bumuntonghininga ako, para maagaw ang atensyon nilang lima. Wala kasing nagsasalita. Pareho silang tahimik lahat. Kung hindi ako magsasalita, walang mangyayari pagkatapos nito.
“kayong tatlo, bumalik na kayo sa tungkulin ninyo. Ikaw naman Ugor, umuwi ka na sa asawa mo. May pag-uusapan lamang kami ng aking asawa.”
Nakatingin silang lima sa akin nang mataman. Napailing na lamang ako. Alam ko na ang kanilang ini-isip. Mas masakit tumingin sa akin si Elenor.
“Sige, mag-iingat kayong dalawa. Maraming nakabantay sa paligid, kung totoo ba talaga kayong ikinasal na dalawa.” Ang huling habilin ni Ugor, bago siya naglahong parang bola sa ere.
Agad naman nagpaalam ang tatlo kong sugo sa akin, bago sila lumisan sa bulwagan. Naiwan naman kaming dalawa ni Elenor habang nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na sasabihin. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na hakbang pagkatapos nito.
“Ano na ang plano mo?” biglang tanong sa akin ni Elenor habang nakatingin sa akin nang seryoso.
Kumibit-vbalikat ako. “Hindin ko alam, wala akong plano. Tumungo na lamang tayo sa ating silid at mamahinga. Kailangan nating matulog sa iisang silid, kung ayaw mong mabuking tayo ng ating mga kasama sa kaharian na hindi tayo magkasama ngayong gabi,” paliwanag ko sa kanya, habang balisa.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaba ko sa dibdib. Pinagpapawisan ako nang malagkit habang hinihimas ko ang likuran ng aking batok.
“Hindi pa naman gabi, mahal kong asawa. Marami pa tayong oras na magkakilala dalawa. Gusto pa kitang makilala, Barguso. Alam kong bumalik na ang lakas mo sa dati. Gusto kong makita amng pagiging anyo mo bilang isang dragon.”
Napatitig ako sa kanya. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa kanya., tama ba ang aking narinig na gusto niya akong makilala? Na gusto niya akong makita na nasa anyong dragon? Paano kung hindi niya magustuhan ang anyo ko na sa Dragon/ matatanggap niya pa rin ba ako?
Ipinilig ko ang aking ulo saka humugot nang malalim na hininga. “Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari? Hindi ka ba magsisisi pagkatapos na makita mo ako sa anyong iyon?”
Ngumiti siya saka tumango. Hindi ko inaasahan na ganityo pala kabait ang isang mangkukulam. Ang alam ko noong una, masungit si Elenor saka ang seryoso. Iyon pala mali ako sa aking akala.
“Seryoso ako sa sinasabi at gusto kong mangyari, Barguso. Naghihintay ako, naghihintay ako na makilala ka nang lubusan. Asawa na kita, ayaw ko namang sabihin ng mga angkan mo na mag-asawa tayo pero walang alam sa kwento ng isa’t isa. Mula sa kung ano ang gsutong p[agkain hanggang sa pananamit at pag-uugali. Sa ganoong paraan, hindi nila tayo mabubuking sa lihim natin na kasunduan.”
Tumqango ako saka ngumiti nang pilit. Malakas na rin naman ako. Kaya ko naman na sigurong mag-anyong dragon sa mga oras na ito.
“hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-anyong dragon, Elenor.n matagal-tagal na rin noong huli kong pag-iibang anyo. Baka hindi ko na kayang gawin iyon,” pagtatapat ko sa kanya.
Tinapik niya ako sa aking balikat saka ako pinisil doon. Wari bang pinaparating niya na magagawa ko ang kinatgatakutan ko sa mga oras na iyon. Na dapat hindi ako matakot dahil makakaya ko iyong gawin.
Humugot ako ng hangin mula sa aking dibdib saka pinalakas ang aking pakiramdam. Wala naman sigurong mawawala kung muli kong susubukan na mag-anyo muli bilang isang dragon. Hinawakan ko ang kamay ni Elenorl. Bago ang lahat gusto ko munang siguraduhin na hindi niya ako iiwan, na tutupad siya sa kanyang pangako sa akin, kahit na makita niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso.
“Elenor, gusto kong mangako ka sa akin, na kahit ano mang mangyari ay ikaw pa rin ang magiging asawa ko sa habang-buhay. Na kahit makakita ka pa ng lalaking magpapatibok ng puso mo, hindi mo pa rin ako iiwan, dahil iyon din ang aking agagwin, tutuparin ko kung nano ang itinakda sa ating dalawa.”
Sincere ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata, habang hawak-hawak nang marahan ang kanyang kamay.
“Pinapangako ko, Barguso. Hindi ko hahayaang iyon na mangyari. Makakaasa ka sa akin. Kailangan mo ring tuparin ang pangako mo sa akin,” sagot niya habang nakangiti nang malapad.
Kung ganoon, wala na akong magiging problema. Ngumiti din ako saka tumangok, hinawakan ang kanyang ikamay saka hinila palabas ng
bulwagan.