Chapter 11

2067 Words
Chapter 11 Hindi makapaniwala si Elenor sa approach na iyon sa kanya ni Barguso. Ramdam na ramdam niya ang respeto nito sa kanya. Hinawakan ni Barguso ang kanyang kamay habang papalabas ng bulwagan. Hindi mapigilan ni Elenor ang kabahan sa maaaring mangyari mamaya, oras na magpalit ng anyo ang kanyang asawa. Wala nang mga panauhin sa labas. Hindi alam ni Elenor kung an o ang gagawin sa mga oras na iyon. Gusto niyang sabihin ang lahat nang plano niya kay Barguso pero hindi niya magawa. Kailangan niya ang kapangyarihan nito at ang lakas para isakatuparamn niya ang matagal na niyang binabalk. Kaya nga siya, puamayag para maging asawa nito para roon. Para mabawi niya ang mga magic poison na ginawa niya at ang kanyang apprentice na si Alesa. Gusto niya ring malaman kung sino ang sa likod ng lahat ng iyon, at kung sino ang gusto siyang patayin at siraan. Kumuyom ang kanyang kamay at pilit na pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalat ni Barguso ang tunay niyang plano. Ayaw ni Elenor na maounta na lamang sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghiapan. Hindi siya makapapayag doon. Kailangan niyang maging ma-ingat sa bawat hakbang na kanyang gagawin. Mabilis lumipas ang segundo, unti-unting binabalot ng pulang mahika si Barguso. Indikasyon iyon na nagpapalit ito ng anyo sa dragon. Hindi maapuhap ni Elenor ang kanyang sasabihin. Nawawala ang anyong tao nito at pumapalit sa isang malaking dragon. Ganoon na lamang ang pagsinghap ni Elenor nang umungol nang malakas si Barguso. “B-barguso. . .” usal niya sa kawalan nang tuluyan na itong maging anyong dragon. Kakaiba ito sa lahat ng dragon na naroroon. Kumikinang ang balat nito saka kulay puti ang tinataglay ni Bqrguso. Hindi mapigilan ni Elenor ang humanga sa anyong kagandanhang taglay ng kanyang asawa. Yumuko ito sa kanyang harapan para siya ay halikan sa kanyang noo. Ganoon na lamang ang singhap ni Elenor. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Hinawakan niya sa ulo si Barguso saka siya mabilis na sumakay sa likod nito. Kapag nasa ganoong anyo si Barguso hindi ito nagsasalita. Tanging sa pamamagitan lamang ng kanilang isip. At namamangha si Elenor sa mga oras na iyon sapagkat nakakonekta ang isip nila ni Barguso. Kung ganoon kailangan niyang iwasan ang mag-isip ng mga bagay-bagay at ng tungkol sa kanyang tunay na plano. Mabilis na lumipad sa himpapawid si Barguso habang tangay-tangay siya nito. Napasigaw pa siya sa biolis nglipad nito,na hindi niya inaashan. Kakaiba pa rin pala na naikasakay siya sa isan dragon kaysa sa kanyang magic broom. “Masaya ako at nasisiyahan ka Elenor. Alam kong nakakahanga,pero huwag mo naman masyaong ipahalata,” wika ni Barguso sa kanyang isipan na hindi naman niya maiwasang hindi marinig dahil nakakonektado ang kanilang isipan sa isa’t isa. Napatawa siya sa sinabi nito saka siya humalakhak pagkataopos. Hindi niya talaga maintindihan ang isipan a at ugali ni Barguso, may pagkamayabang din pala’ ang isang ito. Baka isang araw hindi niya makayanan ang kahanginan nito. “Ewan ko sa iyo, Barguso. Ang yabang mo. Dalhin m mo na olang ako sa pinakamagandang lugar dito sa inyong isla, o kaya sa ipinagmamalaki mong lugar na kayo lanmang ang mayron.” Bumilis pa ang lipad ni Barguso saka ito tumaas at paibabab sa paglipad. Hanggang salumusot sila sa tubig. Agad naman nahugot ni Elenor ang kanyang h9ninga at naglagay ngmahika na makakahinga siya sa ilalaim ng tubiog. Nakalimutan niyang dragon ng apoy at tubig pala si Barguso. Dalawa pa lang kapangyarihan ang taglay nito. Kaya hindi nagkamali si Elenor na tanggapinang alok nito sa kanya na kanyang maging asawa. Dahil balang-araw ay mapapakinabangan niya ang kapangyarihan ng lalaking ito. At iyon ang hindi niya ipaalam kay Barguso. Mabilis silang sumisid sa ilalim ng tubig. Maraming mga iba’t ibang isda at mga corral reefs ang sumalubong kay Elenor. Mga malalakai ang mga ito at ang gaganda. Sa ganoong oras lamang siya unang makakita ng mga ganoong klaseng hayop. Hindi niya inaasahan na ganito pala kaganda ang mga likha sa ilalim ng tubig. Akala niya’y wala nang ikakaganda pa ang mundo, kundi nagkamali siya. Mayroon pa pala na dapat siyang saksihan at makital. Sa mga oras na iyon, binagal;an ni Barguso ang paglangioy para mapagmasdan niya ang buong paligid at niallang ng tubig nang maayos. At aaminin niya sa sarili na ang mga tanawin na iyo ay hindi nakakasawang tignan. Nakakaakit sa mga mata at wari bang tinatawag siya ng mga ito. Napangiti siya. Hindi niya mapigilan ang pagsabog ng kagalakamn sa kanyang puso. That is the moment what she longed for. How she miss to feel free and at peace again. Hindi niya maiwasang magsaboy ng kanyang mahika sa ilalim ng dagat na nagdala pa ng kagandan sa mga tanawin at iba’t ibang nilalang na mga naroon. Lumaki ang mga corral reefs, dumami ang mga maliliit na isda at maging ang mga malalaki ay mas lalong lumaki. Mas nagliwanag sa iallim ng kartagatan. Dahil sa kanyang ginawa nagdiwang sa sobrang kagalakan ang bu8ong dagat. Maging si Barguso ay hindi naopigilan ang kagalakan at ang pasasalamat sa kanya. Pagkatapos ng tagpomng iyon, biglang tumigil sila ni Abrguso sa isang hindi kalakihang mini kingdom sa ilalim g tubig. May dragon doon na naka-estatwa at naging bato na sa katandaan. Bumaba siya kay Abrguso at pinagmasdan ang malaking dragon na iyon. Bigklang nagsalita sa kanyang isipan si Barguso, nang mabasa siguro nito kung ano ang tumatakbo sa isip niya nang mga oras na iyon. “Siya ang aking ina. Ang aking ama ay nasa kabilang parte ng karafgatang ito. Sioya ang nagbabantay na nangangalaga rito sa timog at kanlurang bahagi. Gusto kong ipakilala ka sa kanya. Alam kong naririto lang ang diwa niya sa paligid. Kaya’t aklam kong nakikinig siya sa atin at nagmamasid sa mga oras na ito.” Napatingin si Elenor kay Barguso. Hindi niya alam kung bakit nakararamdam siya nang awa sa lalaki. Kung ganoon ay waola na pala itong mga magulang tulad niya. Ramdam niya ang lungkot na nararamdaman nito dahil naranasan din niya ang mawalan at iwan sa mundona mag-isa. Alam ni Elenor ang pakiramkdam na wala kang masandigan at mapagsabihan ng mga bagay-bagay at ng mga kaganapan sa iyong buhay, dahil wala ka namang mapagsabihan. Nag-iisa ka na lamang sa mundok, at kailangan mong tumayo sa sariling paa para lang mabuhay ang sarili at hindi nakasangga sa ibang nilalang. Kaya naman nabuhay si Elenor na mag-saat maturedna sa buhay. Hindi na niya kailangan pang magmakaawa, at ang humingi ng atensyon ng iba para siya ay may masandigan. “Anoang pangalan niya?” tanong niya kay Barguso. Kahit manlang sa pangalan ay may alam siya sa ina nito. Kahit hindi na sa gawa, dahil hindi naman niya iyon nasaksihan.sigurado si Elenor na matagl nang nabubuhay sa mundo si Barguso. At siya ay nahuhuli lang dahil mag-iisang libo pa lang siya sa mundo ng Verdona. “Ara, she is Ara. Si papa naman ay si Gusto.” Sagot naman sa kanya ni BArguso na ikinangiti niya. “Naging mabuti silang pinuno ng Dragon Island. Kita mo naman ang tagumpay ngayon ng inyong isla. At ikaw, tingnan mo at napalaki ka nang maayos ng mga magulang mo,” ani niya habang nakangiti nang malapad. Tahimik lamang sa kanyang tabi si Barguso at hindi ito nagsasalita. Hinahayaan siya nitong pagmasdan niya ang ina nitong si Ara. Base sa pakiramdam ni Elenor sa mga oras na iyon, ay malalim ang iniisiop ng lalaki. Iniisip nito ang kadakilaan at ang mga nagawang mabubuti ng mga magulang sa mundo ng Verdona sa lupain ng mga dragon. Nagbigay pugay muna silang dal;awa ni Barguso sa estatwa ng Reynang Ara, bago sila lumisan na dalawa at pumunta naman sa kung saang parte ng karagatan. Hindi mapigilan ni Elenor na lakbayin din ang alaala noong kasama niya pa ang mga magulang. Tandang-tanda niya pa ang masayang alaala kasama ang mga ito sa harden ng witches island. Iyon din ang rason kubng bakit bigola na lamang nawala ang mga ito na parang bola. Naiwan siyang mag-isa na naglalaro kasama ang kanyang magic broom. Malinaw na malinaw pa sa isipan niya ang tagpong iyon, na hinding-hindi niya kailanman makakalimutan. That was so vivid in her memory. “Anak, Ele, kapag mawala kami ng papa mo. Ikaw na ang bahala sa bahay natin at sa mga gibnawa naming magic poison, ha? Naityro na rin naman namin sa iyo ang mga dapat na gawin at ang mga hindi dapat na gawin, kapag gagawa ng isang mahika. Alam mo na rin kung paano gamitin ang iyong makapangyarihang black magic. Hindi ka dapat matakot, kapag mag-isa ka na lang, anak.” Napatingin ang batang si Elenor sa kanyang ina nang mga oras na iyon. Sa edad na siyam ay naiintindihan na rin niya ang lahat. Iyion nga lang kaunti lang iyon, at marami pa siyang dapat na tuklasin at malaman. Hindi niya rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ina sa mga oras na iyon. Pero nakaramdam siya ng lungkot at pagkabahala. Nag-aalala siya sa kung ano ang posibilidad na mangyari sa dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Hinawakan ng kanyang ama ang kanang kamay saka iyon pinisil. Ginawaran siya nito ng isang maerahan na halik sa noo, saka ito ngumiti nang malapad sa kanya. Malungkot ang mga mata nito na hindi man lang umabot sa kung ano dapat ang emosyon sa mukha. Binalot ng taklot ang muinting puso ni Elenor ng mga oras na iyon. Ramdam na ramdam niya ang lqabis na kaba at ang masamang mahika na nababalot sa kanyang paligid. Alam niya sa munting isip, na may gusto iyong ipahiwatig sa kanya at ipakahulugan. Ngunit hindi niya inaasahan ang masamang mangyayari nang araw na iyon. “Pakatandaan mo ang mga habilin ng aming ina sa iyo, Elenor. Maiintindihan mo rin balang-araw kung bakit kinailangan naming lumisan at iwan kang mag-isa. Maging matatag ka Elenor, at sundin mo ang payo namin sa iyo. Dalhin mo iyan sa iyong isip at puso. You need to be a kin d witch in this witches island. Dahil iyon ang magpo-protekta sa iyo mula sa kung anong nababadyang panganib at mula sa kadiliman,” ani g kanyang ama sabay nito yakap sa kanya nang mahigpit. Napapikit sa labis na lungkot at takot si Elenor. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Natagpuan na lamang niya ang sariling umiiyak habang unti-unting nabubura sa kanyang harapan ang kanyang dalawang mga magulang. Akala niya’y lumisan lamang ang mga ito at may pinuntahan. Isa kasi sa kapangyarihan ng mga ito ay ang maglaho sa kanyang harapan oras na biglaan na may pupuntahan ang mga ito. At mukhang ginamit na nga ng mga magulang niya ang kapangyarihang iyon. Wala nang magawa si Elenor kundi ang makipaglaro sa kanyang magic broom at ilipad-ilipad siya nito sa himpapawid. Dumaan ang mga araw na hindi pa rin bumabalik ang kanyang dalawang magulang. Wala rin siyang balita sa mga ito. Hindi niya alam kung saan nagpunta. Hindi ri9n siya makaalis sa kanilang bahay dahil may barrier na nilagay ang dalawa sa paligd ng harden. Sinigurado ng mag-asawa na nasa ligtas siyang kalagayan habang wal;a ang mga ito. At ang paghihintay ng mga araw ay naging linggo, ang linggo ay naging buwan at ang buwan ay naging taon, hanggang sa lumaki na siya ay hindi pa rin bumabalik ang mga ito. Sinubukan niya rin noong magtanong sa kanilang pinuno pero maging ito ay hindi alam kung saan ang kanyang mga magulang at kung ano ang nangyari at bakit hindi ang mga ito na muling nakabalik. Ganoon ang klase ng pag-iisa ang naramdaman ni Elenor. Labis siyang nangulila sa buhay,. Tanging magic broom at pointed hat lamang ang kanyang kasama at ang mga mahika na likha pa ng kanyang mga magulang. Ginugol ni Elenor ang sarili na magbasa ng mga black magic books at mga magic books ng mga dragon, ekemental spirits, witches books at kung ano pa. ito ay nakatutulong sa kanya na mas madagdagan pa ang kanyang kaalaman sa mga nilalang na naninirahan sa mundo ng Verdora. At iyon ay napakinabangan niya sa mga araw na nagdaan. Nagawa niyang wal;ain ang barrier sa kanilanfg harden kaya’t nagawa niyang pumasok sa witches town hall at ang makisalamuha sa kapwa niya rin mga mangkukulam. Pero nagsisimula pa lamang ang lalakbayin niya para tuluyang mapagtagumpayan ang pagiging real black witch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD