Chapter 39

1069 Words
Napatigagal si Randal nang mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan si Elenor. Paano niyang idi-distract ang isang higanteng Gorilya na ngayon ay hinahanap na sila? At saan nagkaroon ng lakas ng loob at oras si Elenor na pumikit at itaas ang mga kamay nito sa ere na tila ba pumapana? s**t! Nababaliw na ba ang kasama niya? Nasa bingut na sila ng kamatayan, nagawa pa nitong magganoon sa mga oras na iyon? Napahinga siya nang malalim, pinili niyang huwag na munang pansinin si Elenor, at hayaan ito sa ginagawa. Kung anoman ang nais nitong gawin ay susuportahan na lang niya ang babae. Mas lalong nagwala ang higanteng Gorilya nang hindi sila nito makita. Mabuti na ang ganoon, nang wala silang problema ni Elenor. Kung makita man sila niti, gagawin niya ang utos ng babae. Paano niya gagawin ang pagdi-distract dito? “Nakalimutan ko na ang proseso. . ." biglang bulong ni Elenor sa kanyang tabi. Kumunot ang noo ni Randal. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito at ano ang ibig sabihin. “Anong ibig mong sabihin?" taka niyang tanong. Huminga ito nang malalim. Hindi alam kung ano ang sinasabi ng babae. Ano ba ang nakalimutan nitong proseso? “Ang paggawa ng pana, ano ba Randal?” inis na sagot naman sa kanya ni Elenor. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok. Hindi niya talaga maitindihan kung ano talaga ang pinupunto nito. “Hindi ko alam kung ano ang proseso. Subukan mo uli. Ako ang bahala sa pangit na gorilyang ito.” Tumango si Elenor at muling pumikit. Sinubukan niya ulit na mag-concentrate sa paggawa ng pana. Pero nabigo na naman si Elenor. Frustrated na siya sa mga oras na iyon, pero hindi siya susuko. Kailangan niyang makagawa agad ng pana, kung hindi ay papatayin sila ng gorilya na iyon. Huminga nang malalim si Randal. Ramdam na ramdam na niya ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Nakita na sila ng malaking Gorilya. Ubos na ang kanilang oras. Tinapik niya si Elenor sa kanyang tabi, pero hindi ito umimik. Mukhang kailangan na nga niyang abalahin at kunin ang atensyon ng malaking Gorilya. Kung hindi ay malalagot silang dalawa ni Elenor. “Hoy! Nandito ako!” tawag niya sa higanteng Gorilya. Mabilis na tumakbo si Randal nang habulin siya bigla nito. Kitang-kita niya sa hindi kalayuan ang mga nagising na mga kasama. Hinahabol din ng mga ito ang higanteng Gorilya. Kung anu-ano ang mga pinagbabato ng mga ito para maagaw din ang atensyon. Ngunit napatigil sila nang may isang maliwanag na ilaw ang bumalot sa buong paligid. Kita nila si Elenor na lumiliwanag habang may isang napakagandang pana na hawak. Nakaamba na ito papunta sa puso ng higanteng Gorilya. Hindi sila makakilos sa nasaksihan. Ganoon ang kanilang pagkamangha sa kakayahang taglay ni Elenor. Sa tanan na buhay nilang pag-aaral sa Witches Academy, hindi nila makuha-kuha ang proseso sa paggawa ng isang pana sa pamamagitan ng kanilang mahika. Ngunit ngayon, ay nagawa ni Elenor na baguhan lamang. “Hoy, Gorilya! Ako ang harapin mo!” sigaw ni Elenor habang nakatutok ang pana sa higanteng Gorilya. Hindi makikitaan ng takot ang mukha ng babae, matapang ito habang nakaharap sa kalaban. Hinintay niya na bumaling sa kanya ang higante. Umatungal ito nang malakas. Hinampas nito ang malaking kamay sa kinatatayuan ni Elenor. Mabuti't agad siyang nakailag at lumukso sa kabilang banda. “Elenor!” rinig niyang sigaw ng mga kasama. Muli siyang tumayo saka iniumang ang pana sa higanteng Gorilya. Malakas niyang pinakawalan ang palaso papunta sa dibdib nito. Tumagos ito hanggang sa likuran sa sobrang lakas. Unti-unting natumba ang higanteng Gorilya sa malawak na kapatagan na iyon. Pagkatumba nito ay siyang unti-unti ring pagkabura ng buong katawan. Ganoon na lamang ang hiyawan ng magkakaibigan dahil sa pagkabagsak at pagkatalo sa higahteng Gorilya. Lumapit agad si Randal sa kinatatayuan ni Elenor. Hindi pa rin makapaniwala si Randal sa nakita. Maging ang iba nilang mga kasama at nakanganga habang nakatingin sa natirang abo ng higanteng Gorilya. “Paano mo iyon nagawa?" tanong ni Randal kay Elenor nang makabalik na siya sa reyalidad. Mukhang natangay kasi yata ang isip niya sa pangyayaring iyon. Huminga nang malalim si Elenor. Maging siya ay hindi rin alam kung paano niya nagawa ang isang pana. Umiling siya bilang tugon kay Randal. “Hindi ko rin alam kung paano. Basta nag-focus lang ako sa pag-iisip na gumagawa ng sariling pana sa pamamagitan ng sarili kong mahika.” Lumapit ang mga kaibigan ni Randal. Hindi makapaniwala na nakikita nila ng mga oras na iyon si Elenor. Buhay pa ang babae, na akala nila ay patay na! Sino ba naman ang hindi magugulat? “Buhay ka? Elenor?!” sigaw na tanong ni Asora, sabay yakap sa babae. Niyakap nila siya nang isa't isa. Habang hindi nawawala ang mga ngiti sa kanilang labi. Hindi maintindihan ni Elenor kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. Naguguluhan siya sa mga nakikita, hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa kasiyahan na nakapaskil sa mga mukha ng kasama na makita siyang buhay, o ang hindi? “Paano kang nakaligtas mula sa pagsabog ng nilalang na ‘yon?” tanong sa kanya ni Adoe. “Hindi ko rin alam kung paano. Basta paggising ko buhay pa ako. Maski ako ay naguguluhan din," pagtatapat niya. Ganoon din ang sinagot niya kanina kay Randal. Kaya't dapat ganoon din ang isagot niya sa mga ito. Tumango-tango ang mga kasama. “Kung ganoon, masaya kami na buhay ka pa, Elenor. Hindi na natin isipin kung paano iyon nangyari. Ang mahalaga kasama ka ulit namin sa misyon na ito," ani naman ni Damien. “Oo nga, Elenor. Masaya kami na makasama kang muli,” segunda naman ni Hilbert. “Tama na iyan. Bumalik na tayo sa pwesto natin at hintayin ang umaga. Kailangan na rin ng pahinga ni Elenor mula sa matinding labanan na naganap kanina,” suway naman ni Randal, sabay tabi nito sa kanya at hawak sa kanyang braso. “Tama, mahaba-habang lalakbayin ang magaganap bukas." Nagpatiuna na ang mga ito sa paglalakad. Nasa hulihan sina Randal at Elenor. Alam na ni Elenor kung ano ang pakay sa kanya ni Randal ng mga oras na iyon. “Elenor, pwede mo bang ituro sa amin kung paano mo nagawa ang bagay na iyon?” Napangiti siya sa lalaki. “Sige, bukas nang umaga. Tuturuan ko kayo kung paano.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD