Chapter 40

1111 Words
Umaga pa lamang naghanda na si Randal para sa pagsabak sa training na ituturo sa kanya ni Elenor. Maaga pa lamang ay nag-ensayo na siya at ang kanyang mga kaibigan. Napangiti si Elenor nang makita ang mga ito na abala na sa kanilang ginagawang ensayo. Tumayo siya mula sa kanyang kinahihigaan at pinuntahan isa-isa ang mga ito para tamain ang mga porma at kilos. Pumunta siya sa unahan para simulan na ang ensayo. “Kung gusto niyong matuto kung paano gumawa ng pana sa pamamagitan ng inyong mahika, tuturuan ko kayo." Hindi nagpahuli si Randal at desidong matuto ito. “Gustong-gusto namin iyan, Elenor. Hindi na ulit kami papayag na maging talunan." Tumango si Elenor bilang pagsang-ayon. “Kung ganoon, simulan na natin.” Pumwesto si Elenor at umupo sa damuhan. Inalala niya ang ginawang paggawa sa isang pana kagabi nang kalabanin ang higanteng iyon. “Ipikit ninyo ang inyong mga mata. Mag-focus kayo sa sentro ng inyong isip. I-imagine ninyo na kayo ay nagiipon ng inyong kapangyarihan papunta sa inyong mga kamay. Ipunin niyo ang inyong kapangyarihan sa pamamagitan ng inyong isip at pakiramdam. Unti-unti kayong bumuo ng inyong sariling pana sa pamamagitan ng inyong imahinasyon at desire. Sa pamamagitan nito nakabubuo na kayo ng pana. . .” Madali niya lang nagawa ang pana. Tiningnan niya ang mga kasama pero wala man lang ni isa sa mga ito ang nakagawa agad ng pana. Mukhang kailangan pa niya ng mahabang pasensya para mas matuto ang mga kasama. “Ulitin niyo. Mag-concentrate ulit kayo. Sundin niyo lang ang aking mga sinabi kanina. Tumango-tango ang mga it, pagkatapos niya iyong sabihin. Napahinga nang malalim si Elenor. Hindi pala madali ang pagtuturo, kailangan niya nang mahabang pasensya at pang-unawa. ** Ilang minuto pa ang lumipas, matapos ang ensayo. Sina Randal at Damien pa lamang ang nakapaglalabas ng pana sa pamamagitan ng kapangyarihan. Samantala ang iba ay hindi pa. Pinag-aaralan pa ng mga ito kung ano ang tamang pagpapalabas. Tinutulungan na rin siya ng dalawang lalaki na turuan sina Hilbert, Asora at Adoe. Tirik na tirik na ang araw nang mapagdesisyunan nilang tumigil muna at kumain habang nagpapahinga. Agad na kumuha ang mga kasamahan ng prutas at nanghuli naman si Elenor ng isda sa pamamagitan ng pagpana. “Sa wakas at may isda na rin tayong kakainin," ani Asora habang gumagawa na sila ng apoy. Napangiti ang lahat at napahiyaw nang sumunod si Randal at Damien na marami ring huling isda. “Magtitira tayo para mamaya. Baka hindi tayo makahuku dahil sa gabi na," ani naman ni Elenor sabay salang ng nahuling isda sa apoy. “Ang hirap pala no'ng pag-aaral ng pana, ano. Hindi ko makuha-kuha.” “Sus, Asora. Mag-concentrate ka lang sa ginagawa mo. Palalimin mo pa ang imahinasyon mo. For sure, makukuha mo rin ang technique,” kontra naman ni Randal, habang kinakain na nito ang isdang luto na. “Saan mo pala natutunan ang bagay na iyon, Elenor? Hindi pa kasi sa amin naituturo ang bagay na iyon sa Academy," biglang tanong ni Hilbert kay Elenor. Hindi alam ng babae kung ano ang isasagot dito. Wala siyang mahagip na palusot. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Sasabihin niya ba ang totoo o ang magisisungaling siya? Ngunit sa pagkakataong iyon, kailangan niyang huwag magtiwala sa mga ito nang lubusan. Kahit na malapit na ang mga ito sa kanya. Ang lahat ay nakaabang sa kanya g magiging sagot. Hindi lang alam ni Elenor kung ano ang sasabihin sa harap ng mga ito. Sagutin na lamang niya siguro ng kung anong maisipan niyang sagot. “Natutunan ko lang sa mga magulang ko. Isa kasi siya sa mga guro ko noong bata pa ako. Ayon, nakalimutan ko nga lang ang tamang proseso kanina. Mabuti na lamang at nakuha ko naman bago pa ako mapatay ng higanteng Gorilya na iyon," sagot niya na may kalahating kasinungalingan. Hindi naman niya sasabihin sa mga ito na natutunan niya iyon sa itim na librong walang pamagat. At totoo naman na tinuturuan siya ng kanyang mga magulang ng ganoonv klaseng pagpapalabas ng kapangyarihan dati. Hindi nga lang niya makuha-kuha ang tecnique kung paano. Mabuti na lamang at naperpekto niya kanina ang pagsasagawa at hindi siya ang namatay kundi ang higanteng Gorilya. . “Ang astig naman ng mga magulang mo, Elenor. Sana ganyan din ang mga magulang ko. Kaso hindi, e. Maaga silang namatay at iniwan lamang ako sa mga kamag-anak,” ani naman ni Damien. “Ako naman, masasama mga magulang ko. Kailangan perpekto ang mga mahika kong ginagawa o kaya dapat malakas ako. Kaya nila ako sapilitan na pinapasok sa academy, para maging malakas at madala ang kanilang pangalan," kwento naman ni Asora. Hanggang sa nagsunod-sunod na silang nag-share ng kanilang mga karanasan sa buhay. Hindi alam ni Elenor kung ano ang sasabihin. Napahinga siya nang malalim, napakaswerte pa rin pala niya kung ganoon. Hindi na niya kailangan pang sabihinang kangang karanansan. Hanggang maaari ay itago niya ang katotohanan. “Magpahinga na muna kayo. Magsisimula ulit tayo,” pagtatapos niya sa usapan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo saka napatingin sa kalayuan. Hindi maisip ni Elenor na marami pa lang mga karanasan ang kanyang mga kasama. Mas sobra pa sa kanya, kaya wala yata siyang karapatan na magalit sa mundo. “Malalim yata ang iniisip mo. . ." puna sa kanya ni Randal. Tumabi ito sa kanya at nakitingin din sa malayo. Ngumiti siya saka napailing. Tsismoso talaga ang lalaking ito. Kailangan lang naman niya ng peace of mind, pero heto at nandirito si Randal sa kanyang tabi. “Wala, iniisip ko lang kung ano ang susunod nating maging hakbang,” sagot niya rito. Inakbayan siya ni Randal, saka pinangigilan sa kanyang balikat. “Nakikita ko talaga ang kapatid ko sa iyo. Kung nabubuhay lang siya, siguro magkasundo kayong dalawa.” “Sorry, pero bakit? Nasaan ba siya?” tanong niya rito. Huminga nang malalim ang lalaki na wari bang may alaala na gumuhit ng sakit sa puso nito. “She was died when she is the mission. Sa magic broom group din kasi siya noon. Mahilig kasi siyang ipadala sa mga mission. Isang araw, hindi na siya nakabalik. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari sa kanya. Pero pinaghahawakan ko ang pakiramdam ko na bubay pa siya at makikita ko pa.” Tinapik niya ang lalaki sa balikat. “Huwag kang mag-alala. Makikita mo siya kapag buhay pa siya. Babalik ag babalik siya sa iyo." Tumango si Randal saka ngumiti. “Salamat, Elenor. Magpahinga ka na rin. Baka mapagod ka sa katuturo sa amin mamaya. Kailangan mo ng lakas at haba nang pasensya.” Ngumiti si Elenor saka sumunod sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD