Chapter 41

1073 Words
Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga magkakaibigan, habang inaaral na naman kung paano makagawa ng isang pana. Nalalapit na sila sa mundo ng Doco, at ramdam na ramdam na nila ang malakas na enerhiyang nagmumula roon. Isang masamang pakiramdam na noon lang nila naramdaman. Hindi nila alam kung magpapatuloy pa ba sila sa paglalakbay o hindi? “Malapit na tayo sa Doco. Ramdam ko na ang malakas na enerhiyang lumalapit sa atin," ani niya habang nakakuyom nang mahigpit ang kanyang dalawang kamay. “Natatakot ako. Hindi ko gusto ang enerhiyang nagmumula sa loob. Mukhang may nakaabang na panganib sa atin,” dagdag naman ni Asora habang nakakapit sa kasintahan nitong si Damien na siyang may hawak na mapa. “Huwag kayong matakot. Kailangan niyong lakasan ang inyong loob. The first thing I learned is to be brave in the fearful situation. Mas mananaig ang kasamaan kung papairalin ninyo ang takot sa inyong dibdib.” Tumango-tango ang mga kasama ni Elenor. Ibig sabihin no'n na engganyo niya ang mga itong maging matapang. Ilang milya na lamang at malapit na sila sa b****a ng Doco Island. Nababalot ng itim na usok ang buong paligid ng islang iyon. Madilim sa loob at wari bang may nakatirang mga higanteng nilalang at sonra pa sa kanilag nakita at nakalaban sa daan. “Talasan niyo ang mga mata ninyo. Hindi natin sila makita sa dilim. Lakasan niyo ang pakiramdam niyo at pakiramdaman ninyo ang kanilang presensya," bilin niya ulit, tumango-tango naman ang lahat sa kanya. Sa pagpasok nila sa loob. Kahit na nanginginigang kaniang mga tihod, pinilit nilang pasukin ang magbabago sa kanilang buhay. Ito na nga ba ang katapusan nila? ** Present. . . NAGISING si Elenor dahil sa pagaspas ng hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. Agad siyang bumangon saka nagtungo sa banyo para maligo. Mabilisan ang kanyang ginawa, agad niyang sinuog ang kanyang cloak saka lumabas ng silid. Sumalubong agad sa kanya ang maraming pagkain sa hapag. Abala ang mga katulong na naghahanda ng mga pagkain sa mahabang mesa. Mukhang may piyesta sa sobrang daming nakahandang pagkain doon. “Magandang umaga po, mahal na reyna. Maupo na po kayo at tatawagin ko ang mahal na hari. Nasa harden po siya at may kausap na panauhin. Maaring hintayin niyo po siya ng ilang sandali," paalam ng isang babaeng katulong sa kanya. Tumango siya bilang tugon. Nang makaalis na ito ay agad siyang naupo sa upuan. Pinagmasdan niya ang buong paligid ng dining room. Malapad iyon, may chandelier pa sa gitna. Royal na royal na tuloy ang pakiramdam ni Elenor nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano anv gagawin, sa bat pagpatak ng segundo sa paghihintay kay Barguso ay nang-iinit ang pwet niya. Pero kailangan niya itong hintayin para sabay silang kumain. Vaka mamaya, umalis siya at makita pa siya ng mga ibang katulong. Sabihin pa ng mga ito na wala siyang modo at kwentang asawa. Kakatapos pa lang nilang makasal, masamang impression na agad ang ibabalita sa buong isla ng dragon. Pumitik-pitik siya sa mesa, habang nagbibilang. Hindi niya alam kung gaano na katagal na oras ang lumipas. Ano kayaang ginagawa ng kanyang asawa at matagal itong pumunta sa dining room? Kanina pa iyon tinawag ng katulong, hanggang sa mga oras na iyon wala pa rin. “Ano kaya ang gagawin ko bilang reyna ng mga dragon? Should I transform as one of them?” bulong niya sa kawalan habang nag-iisip ng kanyang mga plano. Mula sa kung paano niya masasakop ang buong kaharian, hindi pala ang kaharian ni Barguso kundi ang buong Verdona. Tatalunin niya ang mga masasamang nilalang sa Arasor. Nang sa ganoon, siya na ang pinakamakapangyariyang nilalang at sinasamba ng lahat. Ngunit hindi niya iyon magagawa agad, kailangan niya nang sapat na lakas para mapagtagumpayan 'yon. Pero ang problema, baka malaman ng kanyang asawa ang pinaplano. Huminga si Elenor nang malalim. Mukhang kailangan niya ngang mag-isip sa mga oras na iyon. Naalala na naman niya ang kanyang nakaraan, sa pagpasok nila noon sa kagubatang Doco kasama ang mga nilalang noon. ** Past. . . RAMDAM ni Elenor ang takot na namamayani sa mga kaibigan o kasama. Maski hindi nagpapahalata ang mga mga ito, alam niyang pinipilit lamang ng ilan doon na maging matapang, pero kinakabahan sa mga maaring maging kalaban nila sa loob. “Hindi ko na gusto ‘tong naratamdaman ko. Ang bigat,” turan ni Adoe habang magkasalubong ang mga kilay. “Tumahimik ka nga diyan, Adoe. Pati kami sa iyo mas kinakabahan,” suway naman ni Hilbert sa kasama. Hindi na siya nakisali pa, nauna siya sa paglalakad upang mas maagapan niya kung anoman ang nagbabadyang panganib sa kanila. Napahinta siya nang malalim na mawala nang kaunti ang mabigat niyang nararamdaman. Pero hindi iyon maganda, hindi sa mga oras na iyon. “Humanda kayo! Makakasalubong natin sila," sigaw niya, sabay palabas ng kanyang palaso gamit ang sariling kapangyarihan. Madali naman naghanda ang kanyang mga kasama sa likuran. Habang ang distansya na kanilang nagagawa ay siya ring palakas nang palakas ang emerhiyang humahatak sila para pumasok pa sa loob. Nilingon niya ang mga kasama. Nag-aalala angmga ito sa maaring mangyari. Pero wala na siya roong pakialam,ang mas importante kay Elenor sa mga oras ma iyon ay huwag silang papatalo na lang basta-basta. Pumikit siya nang mariin saka dumilat muli. Iyon ang presnya niyang matagal nang sinusubayan. Malakas iyon at nanghahatak sa ibang dimesyon ng mundo na iyon. “Lakasan niyo ang loob niyo. May nagbabadyang panganib na nakaabang sa atin. Anomang oras sasalakayin nila tayo.” Lumapit sa kanya si Randal habang naglalakad sila papasok sa pinakapusod ng kagubatan. Ayon sa mapa ay iyon ang daan papunta sa magical tree. Si Damien langang nagsasabe pero siya ang nasa unahan. “Ano ang nararamdaman mo sa mga oras na ito? Alam mo bang papasok?" sunod na tanong sa kanyang lalaki. Tumango si Elenor, “Mabigat. Basta pakiramdam ko may nagbabadyang lumabas.” “Ganoon din ang nararamdaman ko. Siguro pareho tayo na may kakayahan din sa smell, touched at kung ano pa. Hindi alam ni Elenor kung ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Pero mas pinilit niyang ignorahin ang isiping iyon. “Oh, s**t! Guys!” Napatigil sa paglalakad silang lahat nang marinig ang sigaw na iyon mula kay Adoe. “Adoe! Oh s**t!"biglang sigaw nilang lahat habang sinusubayan ang nilalang na dumating . Kailangan nilang iligtas si Adoe kun hindi may mawawala na talagang miyembro sa kanialang grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD