Chapter 42
Naramdaman ni Elenor ang pagbilis ngb kanyang t***k ng puso. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin no’n. lumingon siya sa mga kasama, nakahanda na rin ang mga ito na makipaglaban. Nakalabas na ang kanya-kanyang pana. Napangiti si Elenor sa likod ng kanyang isipan, kahit papaano ay may silbi rin pala ang pagtuturo niya sa mga ito. Ibinaling niyang muli ang kanyang atensyon sa harapanm, hinihintay na lumapit ang malakas na enerhiyang nagmumula pa sa pinakagitna ng gubat. Bazwat segundong pumapatak ay siya ring ibayong kaba ang nagdadala sa kanila.
Pinagpapawisan nang malagkit si Elenor at maging ang mga kasama. Nanginginig ang tuhod ng ilan at ang ilan naman ay tinatapangan ang loob para makaligtas. They knew that there were no escape from this danger, from this mission. Kung hindi sila lalaban, paniguradong mamatay silang lahat. Kailangan nilang magpalakas ng loob at lumaban sa mga nilalang na naroroon.
“humanda kayong lahat. Ma;apit na sila sa pwesto ntain,” ani Elenor nang mamataan niya ng ilang mga bulto ng kalaban.
Pagkaraan ng ilang sandali dumating na ang kanilang pinakhihintay na mga kalaban. Malalaking mga ahas ang sumnalubong sa kanila na may mga pitong ulo. Napatigagal sila Elenor sa nasaksihan ng mga oras na iyon. Kasing laki ng limang ahas ang higanteng Gorilya napatay ni Elenor. May mapupula at nanlilisik na mga mata.
“s**t! Ang lalaki nila! Kaya kaya natin silang patayin at kalabanin? Pito pa ang kanilang mga ulo. Makaliligtas pa kaya tayo?” sunud-sunod na tanong ni Hilbert havbang nawawalan na ng pag-asa sa kanilang kakayahanl.
Kumuyom ang kamao ni Elenor nang mga oras na iyon. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang makarinig ng negatibong pag-iisip, hindi niya matanggap iyon sa sarili. Malakas ang epekto no’n sa kanya, kaya’t hanggang maari ay maging malakas sila azt magtiwala sa kanialng kakayahan.
“Tumakbo na at umalis ang ayaw ituloy ang misyon na ito. Matira ang gustong lumaban at sumama sa akin para makuha ang magical tree,” ani niya habang tinatalasan ang kanyang paningin sa paligid. Pinapalinbutan na sila ngayon ng limang malalaking ahad.
Oras na tumakas sila, wala silang ligtas. Kaya’t wala silang pagpipilian kundi ang makipaglaban sa mga ito. Ang tanong lamang ay kung makakaya kaya nlang pito ang mga malalaking ahas na may pitong ulo?
“Wala naman na kaming magagawa. Kapag tatakas kami, siguradong hindi naman kami makaliligtas. Kaya lalaban na lamang kami hanggang katapusan,” ani Randal na mababanaag ang katapangan sa boses nito.
Humigpit ang hawak ni Elenor sa kanyang pana. Hindi niya matanggap kung ano ang kanilang kahihinatnan sa pagkakataong iyon. Alam niyang dehado sila sa kanilang kalaban. Kung nakalilipad lang sana sila gamit ang magic broom baka may laban pa sila, pero mukhang wala na dahil hindi iyon gumagana. Huminga nang malalim si Elenor, iniisip kung ano ang magiging sunod na hakbang bago umatake sa kanila ang limang malalaking ahas.
“s**t!” Agad silang dumapa at gumulonmg nang sakmalin sila ng ahas. Ngunit sasakmalin naman sila ng isang ulo nito. Kung bibilangin ang lahat na ulo ay nasa bilang tatlumpu’t lima. Ano ang laban nila sa ganoon karami?
“Umilag lang kayo nang umilag. Huwag kayong papatalo! Pumana kayo!” sigaw niya, habang pinapana ang mga ahas isa’t isa.
Ngunit nakailang pana na siya hindi pa rin namamatay ang mga ito. Nanatili pa rin silang inaatake. Hindi na maisip ni Elenor kung ano ang makatatalo sa mga ahas na iyon. “hindi sila tinatablan ng pana! Anong gagawin natin? May naisip ba kayong paraan?”
“Apoy! Apoy ang makatatalo sa kanila!” biglang sigaw ni Hilbert.
Agad na gumulong si Elenor habang walang tigil sa pagpana sa mga kalaban. Ganoon din ang kanyang mga kasama. Hindi tumitigil ang mga ito hanggang may lakas pa at6 pagkakataon na makapuntos sa kanilang kalaban.
Kung apoy ang makatatalo sa mga ahas na ito, paano iya iyon gagawin? Paano nila gagawin ang apoy? Sa pagkakatanda niya’y nagawa na niya ang bagay na iyon sa kapatid ng kanyang kalaban noon sa grupomg magical broom. Kaya niyang abuhin ang isang hayop, bagay at iba pa. pero mauubusan siya ng lakas at hindi niya kaya ang limang higanteng ahas na may pitong ulo. Baka bago pa niya mapatay ang isa sa mga ito ay mamatay na siya at maiiwan ang mga kasama na makikipaglaban.
“Sino ang marunong gumawa sa inyo nang isang higanteng apoy na ipo-ipo?” tanong niya sa mga kasama habang umaatras sila patungo sa masukal na parte ng gubat na iyon. Hindi nila halos makita ang pigura ng ahas dahil sa dilim, tanging mga mapupulang mata lanmang ang kanilang palatandaan sa mga ito.
“Wala kaming alam! Pwero kaya naming lumikha ng hangin kung ano man ang gusto mong mangyari, Elenor!” sagot naman sa kanya ni Asora.
Kung ganoon, iyon ang kanyang hinhintay. Siya na lamang ang lilikha ng ipo-ipong apoy saka iyon ipaloob sa hangin na magagawa ng mfga kasama. “Siyak, pumalibot kayo. Bilisan niyo! Lumikha kayo ng isang malaking hangin sa gitna. May tutustahin lamng ako ngayong gabi.”
“Masusunod, Elenor!” sigaw ng lahat.
Agad na kumilos si Elenor saka inabala ang limang ahas sa pagpapana. Sana madaling magawa ng mga kasama ang hangin, nang hindi siya maubusan ng lakas. Marami na rin ang naipalabas niyang kapangyarihan simula kahapon hanggang sa mga oras na iyon. Sana magawa niyang gumawa ng apoy para matapos ang mga kalaban na ito.
Pumunta sa tabi niya si Randal, habang ang ilan naman ay abala sa paggawa ng hangin. “Tulungan na kita. Sila na ang bahala roon, huwag mo masyadong gamitin ang iyong lakas at baka humina ka.”
Tumango siya sa sinabing iyon ni Randal. Kung ganoon, may pagkakataon pa siyang mamahinga sa mga oras na iyon. Wala nang nagawa pa si Elenor nang si Randal na nag kumilos para ai-distract ang mga kalaban,. Nagtago siya sa isang malaking puno. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para ilabas ang natitira niyang kapangyarihan para lumikha ng isang malaking apoy. Isang maliit na apoy ang lumabas sa kanyang palad, hanggang sa lumaki iyon nang lumaki nang ibuhos niya paunti-unti ang kapangyarihan doon.
Pinukaw no’n ang atensyon ng mga ahs, pero nagawang agawin ni Randal ang mga ito papunta sa kanyang kinaroroonan. Nakita niya pa ang namamanghang tingin sa kanya ni Randal bago siya tuluyang pumikit at ibuhos ang natitirang lakas sa apoy na bumabalot sa kanya.