Chapter 43

1070 Words
Chapter 43 Palaki nang palaki ang apoy sa katawan ni Elenor nang mga oras na iyon, habang palakas naman nang palakas ang hangin na ginagawa ng kanyang mga kasama. At si Randal ay abala sa pagdistract sa mga ahas. Nang handa na si Elenor, ginamit niya ang kakaunting lakas para pumaikot-ikot sa hangin na gawa ng mga kasama. Umalis na ang mga ito at hinayaan si Elenor na gawin ang huling pagkakataon para sa kanilang mga kalaban. “Rabndal!” sigaw niya sa lalaki para tawagin ito at sabihing umalis na ito sa kinarortoonan ng kanilang mga kalaban, habang dala niya ang malaking ipo-ipo ng apoy. Nang masiguro ni Elenor na wala na sa kinaroroonan ng mga kalaban si Randal, agad siyang tumungo sa mga ahas para sunugin ang mga ito. Pinalibutan niya nang isa’t isa para masigurong magiging abo ang mga ito. Hindi naman siya nagkamali at nagtagumpay siya sa kanyang plano. Ngunit, unti-unti siyang napapikit sa pagkawala ng kanyang kapangyarihan. Iyon na marahil ang katapusan niya. Hindi na niya kaya, pagod na pagod na siya’t mahina. Naubos niya halos ang kanyang kapangyarihan, ngunit sana nagtagumpay siya sa gianawa. “Elenor!” sigaw ng mga kasama, bago siya tuluyang mawalan ng malay. ** Present. . . Naantala ang pagbabalik-tanaw ni Elenor sa nakaraan nang marinig niya ang mga yabag ng sapatos ni Barguso. Kasunod nito ang katulong na nagpaalam sa kanya kanina. Ngumiti agad ito pagkakita sa kanya, mukhang amazed na amazed sa ayos niya. Tinaasan niya ng kilay nag asawa. Hanggang sa mga oras na iyon, hindi niya pa rin matanggap na may asawa na talaga siyang isang dragon. Imagine, ang isang dragon at ang isang witch ay naging mag-asawa dahil sa kasunduan? Sana nga ay hindi siya magsisi sa huli, at sana magawa niya ang mga plano sa tulong ni Barguso. Lumapit sa kanya ang lalaki saka hinalikan siya nito nang madali sa kanyang labi. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa ginawang iyon ng lalaki. Akma na sana niya itong sasampalin, nang mapagtanto niyang maraming mga katulong ang nakatingin sa kanya. Kahit hiyang-hiya siya, umakto na lamang siyang kinikilig habang nakangiti nang pilit. Pero sa likuran ng ngiti niyang iyon, sinusunog na niya sa apoy si Barguso. Ang kapal talaga ng mukha ng dragon na itong halikan siya! Hindi naman iyon ang first kiss niya, dahil may naging kasintahan naman siya na n iloko lang pala siya at ginamit. Pagkatapos no’n wala na siyang ibang naging kasintahan, at maging naging kahalikan. Tapos itong dragon na aito, hinalikan na lamang siya nang basta-basta? Wala naman iyon sa usapan at kasunduan nila, a? “Ang ganda talaga ng asawa ko. Mas maganda pa sa araw na kakaahon lang sa silangan,” bati nito sa kanya habang nakangiti nang pilyo. Kating-kati siyang tsukin ang mukha nito ng kutsilyo para mabura ag ngisi nito sa mga labi. Pero hindi niya magawa, kailangan niyang magtimpi para sa kahihinaztnan ng palno niya. Isa pa, kailangan niya si Barguso para maisakatuparan niya ang matagal nang plano. Ayaw niya iyong masira, kaya’t kung maaari, magtitimpi siya at sumunod sa agos ng laro na gusto ni abrguso pero mag-iingat pa rin siya at mawging alerto. Ayaw niyang mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan, na nagtiwala siya nang lubusan at niloko lang pala siya. Ayaw niya ulit iyong maranasazn, ayaw niya ulit na maramdaman ang labis na kirot at sakit na iyon sa kanyang dibdib. “Maiiwan niyo na kami,” utos ni Barguso sa mga katulong na naroon. Dumuko muna nag mga ito bago sila iniwan na dalawa sa hapag-kainan. Sakto at malapit siya kay abrguso. Nakaupo siya sa bandang kanan nito. Hindi niya talaga matanggap na hinalikan siya ng lalaki. Kaya naman sa sobrang inis, inapakan niya ang kanang paa nito. Ganoon na lamang ang sigaw ni abrguso nang pagkalakas-lakas dahilan para magpasukan muli ang mga katulong para makita kung ano ang nangtyari at bakit sumigaw ang hari. Ngumiti si Elenor habang nakayuko. Hindi niya mapigilan ang sariling matawa sa reaksyon na iyon ng kanyang asawa. Agad niyang ikinumpas ang kamay. “Ayos lang ang mahal na hari. Nakagat ko lang ang kanyang labi,” ani niya habang pinipigilan nag mapangiti. Sa pagkakataong iyon si Barguso naman ang napalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Mabuti na lamang at ualis na ang mga katulong bago siya pinanlisikan ng mga mata ng lalaki. “What? Hindi ba at ganoon naman?” pang-aasar niya pa rito. “Gumaganti ka ba dahil sa ginawa kong paghalik sa iyo kanina?” tanong nitong pabalik sa kanya. Bakit pa kasi nito tinanong kung alam naman pala nito na iyon ang dahilan niya? “So? Wala namang usapan na halikan mo ako! Kaya bakit mo iyon ginawa, ha?” galit niyang tanong dito na ikinangisi naman ng huli. “Hindi ba at mag-asawa tayong dalawa? Kaya normal lang sa atin na maghalikan sa harap nila. You are mine now,Elenor. Wala ka nang takas pa.” Napakuyom ang kanyang kamay dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Ang kapal naman talaga ng mukha nito. Ang taas ng tiwala sa sarili na nagustuhan niya nag halik na iyon. “Hindi ko gusto ang ginawa mo. Kaya sa susunod huwag mo na ulit iyon ulitin!” “E, kung ayaw ko?” hamon nito sa kanya. Nakataas pa ang dalawang kilay habang hindi pa ri9n mawala-wala ang ngisi sa mga labi. “gagawin kitang daga! Tutuhanin ko na talaga nag pagbabanta ko sa iyo!” sagot niya habang nanlilisik ang mga mata. “Hindi mo magagawa iyan, Elenor. I know that you need me. And I need you too. We need each other. Kaya hindi mo magagamit ang blackmail na iyan.” Tumayo ito saka lumapit sa kanyang kinaroroonan. Inilapit nito ang mukha sa kanya saka siya mabilis na hinalikan sa kanyang labi. Ganoon na lamang ang kanyang pagsinghap sa ginawang iyon ni Barguso. Ngising-ngisi ito habang nakatitig sa kanya nang mataman. Agad niya itong sinampal sa inis na kanyang nararmdaman. Pero hinalikan ulit siya nitio, pero sa pagkakataong iyon may diin na. sinampal niya ulit ang lalaki, ngunit hindi man lang ito natinag. Hinawakan nito ang kanyang batok saka siya ulit hinalikan nang marahas at may diin. Matagal nitong pinaglaruan ang kanyang mga labi na nagustuhan din ni Elenor. Hindi niya alam kung bakit siya nadala sa halik na iyon ni Barguso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD