Chapter 44
Nakatulala lamang si Elenor sa balkonahe habang iniisip pa rin ang nangyari sa kanilang dalawa kan ina ni Barguso. Hindi niya alam kung bakit hindi siya komontra sa paghalik nitong muli sa kanya. Hindi na niyan ito nasampal muli dahil sa pagbabanta nito. Kung sasampalin niya ulit ang lalaki ay hahalikan na naman siya nito ulit. Sa takot hindi niya ito sinampal na siyang ikinangisi pa lalo ni Barguso. Naiinis siya sa tuwing nakikita ang pagmumukha nito. Hindi niya alam kung bakit, umiinit talaga ang ulo niya kapag makita ang mukha ng lalaki. Pakiramdam niya kumukulo ang dugo niya dahil doon.
“Kainis talaga ang lalaking iyon! Sarap gawing daga, e. kung hindi lang siya malaking pakinabang sa akin matagal ko nang ginawa iyon,” bulong niya sa sarili habang nakasimangot ang kanyang mukha.
Iniisip niya kung ano na ang nangyayari sa Witches Island nang mga oras na iyon. Hinahanap na ba siya ng kanyang mga kalahi kung nasaan siya? Ano na naman kaya ang gagawin ng kanilang empress sa pagkakataong iyon?
Pero sisiguraduhin niyang hindi muna siya mahuhuli ng mga ito. Gagawin niya muna ang matagal na niyang pinaplano simula pa noon.
Biglang napaatras si Elenor nang bigla na lamang may isang malaking dragon ang nagpakita sa kanyang harapan sa balkonahe ng kanyang silid. Hindi siya pwedeng magkamali na iyon si Barguso. He is a huge dragon with red eyes and black-red skin. Si Barguso ang naiibang dragon sa lahat, halos kasi na mga kulay ng mga kalahi na dragon nito ay kulay itim at saka brown. While Barguso has ablack-red color of the skin.
Huminga siya nang malalim saka napairap sa dragon na matamang nakatingion sa kanya habang lumilipad sa ere. Ano kaya ang ginagawa ng asawa niya rito? “An o na naman ang kailangan mo sa akin, ha?” tanong niya.
Sumagot ito sa pamamagitan ng isip. Mabuti na olamang at nakakonekta ito sa kanya kaya’t naririnig niya ang sagot n. “Sumama ka sa akin. May pupuntahan tayo sa City nfg Dragon. May balak ang mga tauhan ko na magdiwang ng piyesta ng apoy. Nalalapit na kasi at kailangan tayong dalawa roon bilang hari at reyna.”
“Hindi ba pwedeng hindi na ako sumama? Wala naman akong aolam diyan, mauupo lang ako roon saka makikinig sa boring na usapan,” kontra niya habang nakataas ang kilay. Isa pa galit siya sa lalaking dragon na ito. Hindi niya matanggap at makalimutan ang ginawa nito sa kanya. Galit siya, kaya hindi siya sasama rito. Pero baka masira naman ang imahe niya sa mga dragon na kampon nito at hindi na siya igalang. Mukhang wala na yata siyang pagpipilian pa.
“oh, sige. Hintayin mo ako diyan. Magbibihis lang ako.”
Tinalikuran niya ang dragon saka pumasok sa kanyang silid. Mabilis siyang bumihis saka sinuot ang kanyang cloak. Nakalimutan niyang isara ang bintana. Natanaw niyang nakatingin mula roon si Barguso. Nanlaki ang kanyang mga mata habang umuusok ang kanyang ilong. Ang walanghiya at sinilipan siya?!
Galit na galit siyang tumungo sa balkonahe at pinalo ito ng kanyang hawak na magic broom. “Walanghiya ka! Naninilip ka pa sa akin!” akusa niya habang nanlilisik ang mga mata. Mas lalo pang nadagdagan nang galit at inis niyang nararamdaman dito dahil sa nangyari kanina.
Umiwas si Barguso sa hampas niya. “Hindi ako naninilip. Hindi ko naman nakita, saka isa pa. kung nakita ko man. Hindi ka naman kaakit-akit. Sumakay ka na, nang makaalis na tayo.”
Kahit naiinis si Elenor, hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. May oras din na nakahintay sa lalaking ito. Sinisigurado niya iyon. Maghintay lang ito. Gagawin niya ang lahat para lamang makaganti. Sarap nito balatan nang buhay sa isip-isip niya. Wala nang nagawa pa si Elewnor kundi ang sumakay sa likod ni Barguso. Mabilis naman lumipad ang dragon papunta sa city ng isla nito. Kung anoman ang pag-uusapan ng mga ito mamaya, ay wala na siyang paki-alam. Makikinig na lamang siya o kaya ay ang magbalik-tanaw sa nakaraan.
**
Past. . .
Napasigaw ang lahat pagkasabog ng apoy sa limang ahas. Hindi maklagalaw sa kinatatayuan niya si Randal at ang mga kaibigan nang makita nila si Elenor na nakahigang wala nang malay. Abo na lamang ang natira sa limang ahas na may pitong ulo. Nilapitan ni Randal ang walang malay na si Elenor. Tinapik niya ang pisngi nito para magising ang bagbae pero hindi ito natinag.
“Elenor! Elenor! Gumising ka! Elenor!” tawag niya sa pangalan nito pero hindi man lang ni gumalaw ang babae.
Lumapit na rin ang mga kasama niya para gisingin din si Elenor. Pero wala man lang nangyari nang mga oras na iyon. Tiningnan ni Randal ang pulso ng babae, pumipitik pa naman ito. Ibig sabihin buhay pa ang kasama nila, kailangan lang nila itong bantayan kung anoman.
“Kailangan niya munang magpahinga. Mukhang nawalan siya ng malay sa lakas at dami ng kanyang kapangyarihan na ginamit. Maghanap kayo ng pwede niyang mapagpahingahan ngayon.”
Agad na kumilos ang ilan niyangmga kasama para maghanap ng pagpapahingahan ni Elenor. Sa pangatlong pagkakataon, niligtas ulit sila ng babae.
“Sino ka ba talaga, Elenor? Anong klase kang witch? Bakit ka naiiba sa amin? Bakit sobrang lakas at alam mo sa lahat ng bagay? Isa ka ngabang witch o may iba ka pang pagkatao?” bulong ni Randal sa babae habang pinakatitigan ito nang mabuti.
Wala na siyang sinayang na oras, agad niyang kinarga ang babae sa pamamagitan ng bridal carry style. Laylay ang mga kamay ni Elenor, wala talagang malay. Kung bakig ba kasi isinakripisyo ulit nito ang sarili para mapatay ang mga ahas na iyon? Kung anoman ang gustong mapatunayan ni Elenor sa kanilang lahat, nagtagumpay ito. Hanggang-hanga na sila sa kagalingan at lakas na taglay nito.
Kung anoman ang pilit na tinatago sa kanila ng babae, hihintayin na lamang nila ang araw na ito na mismo ang magsabi sa kanila at magtapat. Hindi muna nila ito pipilitin, at baka maging lamat pa iyon ng kanilang pagsasama.