Chapter 45

1069 Words
Agad na nilatag ni Randal si Elenor sa lilim ng isang puno na hinanap nina Asora at Adoe. Nilagyan nila iyon ng dahon para siyang magsilbing higaan ng babaeng kasama. Nang masiguro na nilang nailagay nang maayos ang babae, agad silang naupo lahat para bantayan ito. Unang nagsalita si Asora habang nakamasid sa na walang malay na si Elenor. “Hindi ba kayo nagulat sa taglay na kapangyarihan kanina ni Elenor? Hindi iyon basta-basta kapangyarihan ng isang tulad natin. Kaya naman nating kontrolin ang ganoong mahika sa pamamagitan ng cards or magic potion, pero siya, hindi e. Natural lang na lumabas sa katawan niya ang apoy." Tumango si Adoe sa sinabing iyon ni Asora. Maging siya ay napansin din iyon kanina, hindi lang kanina kundi noong nakagawa si Elenor ng sariling pana sa pamamagitan ng kapangyarihan nito. “Ganoon din ang napansin ko. Hindi ko lang malaman kung tama ba ang suspitsya kong may kakayahan siya bilang isang mage.” Napatingin ang lahat kay Adoe. Kung nagkataon, mukhang may dugo ngang mage si Elenor. Pero paano naman ang pagiging witch nito? Hindi pwedeng magsama ang isang mage na dugo at ang witch. Maaring ikamatay ito o kaya naman ay ang matunaw ang taong nagtataglay ng dalawang kapangyarihan. Maliban na lamang kapag ang witch at ang dragon na magsama. O kaya ang mage at ang dragon, compatible sa isa't isa. Pero kapag ang mage at witch, mukhang malabo iyon. “Pero imposible, dapat hindi pa buhay si Elenor kapag may dugo siyang mage. Isa siyang witch,maaring kapangyarihan nga niya iyon at marami na siyang natutunan na mga seal, spell at mga magic potion,” kontra naman ni Randal. “Kung ganoon nga, saan niya natutunan ang mga iyon? Bakit pa siya pumasok sa witches academy kung marami na siyang alam?" tanong naman ni Damien. “Maaring may dahilan siya, kung bakit siya pumasok sa witches academy,” sagot naman ni Hilbert. Tumango-tango silang lahat. Tumayo si Randal habang malalim ang iniisip. “Kung maari, itago niyo na lamang muna ang mga napansin ninyong bagay na iyan kay Elenor. Hayaan natin siyang mismong magsabi sa atin at magtapat. Sa ngayon, isipin natin kung paano natin matutumbasan ang kabutihan niya." “Sana nga, Randal. Sana nga sabihin sa atin ni Elenor ang tunay niyang pagkatao. Kung hindi, baka ako na lang ang mismong magtatanong sa kanya hanggang sa sabihin niya sa atin ang totoo," sabi ni Adoe habang nakatingin nang mataman sa walang malay na si Elenor. Huminga nang malalim si Randal saka tumango. “Kung iyan ang mangyayari. Sa ngayon, magpahinga na rin muna tayo at ang makiramdam sa paligid. Dahil pagkatapos no'n, haharap na naman tayo sa isang labanan o bitag sa gubat na ito.” “Hindi ko nga alam kung paano na tayo nito. Kung hindi dahil sa pagligtas sa atin ni Elenor, baka ngayon patay na tayo,"biglang sambit ni Damien. Sumingit naman si Hilbert. “Pero ginawa rin natin ang ating makakaya para tumulong at maging ligtas para sa misyon na ito.” “Huwag na ninyong pag-usapan ang bagay na iyan. magpahinga na kayo at maaga pa tayong lahat bukas," pagsuway ni Randal sa mga ito. Kung hindi pa niya susuwayin ang mga kasama,baka mamaya mag-away-away pa ang mga ito dahil sa mga obserbasyon. Nakinig naman ang mga ito kay Randal at nagpahinga na. Siya na lamangangnatirang nakaupo habang nakamasid kay Elenor. Maging para sa kanya ay misteryoso ang dating ng babae. Hindi niya kilala kung sino ba talaga ito, at kung ano ba talaga ang taglay na kapangyarihan. pero saka na lamang niya iyon aalamin matapos ang misyon na ibinigay sa kanila ng Empress. Siguraduhin muna nilang makuha ang magical tree at ang makabalik sa mundo ng Verdona. Ipinikit na rin niya ang mga mata para magpahinga, habang nakasandig sa puno ng malaking kahoy. ** Nagising si Elenor na madilim pa rin ang paligid. Siya lamang ang nag-iisa sagitna ng kadiliman na iyon. Wala siyang ni isang makita. Ayaw niyang gumalaw, natatakot na baka mamaya mahulog siya sa walang hanggan na butas, o kaya ay may maapakan siyang anong klaseng nilalang. “Hello! May nakaririnig ba sa’kin?! Hello!” sigaw at tawag niya. Pero tanging boses niya rin ang bumabalik at sumasagot sa kanya. Kapareho ng kanyang mga salitang binanggit. Nag-echo lamang iyon. Kung ganoon, nasa maliit ngasiyang espasyo. maaring nasa loob siya ng isang kweba, o kung anoman. Nasaan na angmga kasama niya? Bakit hindi ang mga ito sumasagot sa tawag niya? Buhay pa ba ang mga ito o patay na? Ngunit sinubukan niyang muli. Ayaw niyang sumuko, baka nakatulugan lang ang mga ito at hindi siya narinig. Parang aatakehin siya sa puso nang mga oras na iyon. Hindi niya matanggap na nag-iisa lang siya sa gitna ng dilim habang walang kasama. Tanging programmer lamang ng computer ang nagsasalita. Nalaman niya iyon sa mundo ng mga tao. “Hello! May---” napatigil sa pagsigaw si Elenor nang bigla na lamang may nagsalita. Hindi niya alam kung mabubuhayan ba siya ng loob o ang maqulang sa sunod na sinabi nito? “Sa wakas at na rito ka,Elenor. Masaya akong nagtagumpay ka sa lahat nang pagsubok," sabi ng isang tinig. Hindi maintindihan ni Elenor kung kaninong boses iyon. “Sino ka? Bakit ako narito? Anong kailangan mo sa akin?” “sandali! Hindi naman ito puro tanong lang. Isa-isahin nating sagutin iyan tanong mo. Masyado kang praning," pgil sa kanya mg boses. Hindi maintindihan ni Elenor kung boses ba iyon ng isang lalaki o ng isang babae. “Sino ako, hindi ko pwedeng sabihin. Pwero nabubuhay ako sa dilim. Narito ka dahil sa ginamit mo ang lahat ng kapangyarihan mo. Pasalamat ka at buhay ka pa, kung hindi. Baka hindi ka pa naririto at tuluyan ka nang nilamon ng kadiliman." Nanatiling nakinig si Elenor sa sinasabi ng nilalang na itong nagsasalita. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang nasa paligid lamang ito. “Kung gusto mo pang mabuhay, sundin mo ang liwanag na makikita mo mamaya. Kung ayaw mo nang mabuhay, hintayin mo lang na mawala ang liwanag na iyon at mamatay ka na. Isa pa wala akong kailangan sa iyo," dugtong pa nito. Kung ganoon, kailangan lamang sundin ni Elenor ang sasabihin nito. Kailan kaya siya makakikita ng liwanag? Susundan niya ba ito o ang hayaan ang oras na mawala rin ito? Gusto nga ba niyang bumalik muli o ang mamatay na lamang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD