Chapter 46

1049 Words
Chapter 46 Nagising si Elenor mula sa mahimbing na pagkakatulog. Naalala niya ang nangyari kanina na dinala siya ni Barguso sa isang meeting. Naalala niya rin n a hindi siya nakinig at natulugan na lamang niya ang boring na pag-uusap ng lahat. Hindi alam ni Elenor kung nasaan siya naroon, pero mukhang nasa engrandeng silid siya nakahiga. Bumangon siya saka madaling tumungo sa bintana. Tinanaw niya ang labas para malaman kung nasaan na siya. Nasa bayan pa pala siya ng Dragon Island. Kumunot ang kanyang noo nang makita na nagkakasiyahan ang mga mamayan sa ibaba. Mukhang naghahanda na ang mga ito sa nalalapit na fiesta. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon, napahinga siya nang `1malalim. Mukhang kinakailangan niyang bumawi sa mga mamayan ng Dragon Island dahil sa pagtulog niya kanina. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino iyon. Malakas ang kutob niyang si Barguso ang kumakatok mula sa labas. Huminga siya nang malalim bago tinungo ang malaking pinto para pagbuksan ang lalaki. Pero ganoon na lamang ang dismaya niya nang sumalubong sa kanya ang isang katulong na may dalang damit. “Mahal na reyna, kinakailangan niyo raw po itong suotin sabi ng mahal na hari para sa pagsasaluhan mamaya na piging. Bibihisan po namin kayo at aayusan,” ani ng katulong na siyang may hawak na damit. Napatingin siya sa likuran nito, may lima pa ngang kasama ito. Mukhang wala na siyang magagawa sa mga oras na iyon. Pinapasok niya ang mga ito at hinayaan niyang ayusan siya. Mabilis na lumipas ang oras, natapos na siyang paliguan ng mga ito. Ayusan ang mukha at ang kanyang buhok. Binihisan na rin siya ng isang itim na damit. May mga diamond pa iyon na disenyo sa bawat laylayanm, at maging sa kanyang dibdib. “Napakaganda niyo po, mahal na reyna. Sigurado pong mas mahuhulog ang loob ng mahal na hari sa inyo,” bati sa kanya ng isa. Ngumiti si Elenor bilang tugon dito. “Maraming salamat sa inyo.” Matapos ang lahat ay lumabas na sila ng silid. Hinatid siya ng isa sa kinaroroonan ng hari. Nasa bulwagan ito at nagmamando sa mga nag-aayos. Sa City hall pala silang lahat kung saan gaganapin ang piyesta. Pero dalawang araw pa bago ang pagdiriwang na iyon? Bakit abalang-abala na ang lahat sa paghahanda? Natanaw siya ni Barguso na pababa ng hagdan maging ng ilang mga panauhin na naroroon. Hindi alam ni Elenor kung mahihiya ba siya sa tinging ipinukol sa kanya o ang masiyahan dahil sa ayos niya at nakikitang paghanga sa mga mata ng lahat? Maliban na lamang sa tingin ni Barguso na hindi niya mabasa kung ano iyon. Mahirap talaga basahin ang emosyon ng lalaking dragon, maraming lihim at mailap. Hindi niya tuloy alam kung humahanga ba ito sa kanya ngayon o nasusuklam? “mahal na reyna. . .” tawag sa kanya ng lahat sabay yuko ng mga ito. Tumango siya saka ngumiti sa kanila. Nang makalapit siya kay Barguso ay agad ito umiwas ng tingin sa kanya. “Anong ginagawa ninyo?” tanong na lamang niya sa lalaki. Mukhang wala yata ito sa mood. Baka magalit pa kung asarin niya. “Nag-aayos, kita mo naman di ba?” pilosopong sagot nito sa kanya. Inirapan niya ang lalaki saka siya naglibot-libot sa paligid. “Anong maitutulong ko?” tanong niya ulit nang mapansin niyang nakasunod sa kanya ang lalaki sa likuran. Kung may maitutulong siya ay hindi siya magdadalawaang isip na tumulong. Gagamitin niya lang ang kanyang mahika ay tapos na ang lahat. Pero mukhang ayaw iyon ng kanyang asawa, mas gusto pa nitong maghirap kaysa sa magmadali. Will, mas importante ang effort kaysa sa madaliang gawain. “Wala kang maitutulong. Halika sumama ka sa akin. May ipapakita ako sa iyo,” anyaya sa kanya ni Barguso. Kumunot ang kanyang noo. Saan naman siya nito dadalhin? At ano ang ipapakita nito sa kaya? “huh? Hindi ba at pinapapunta mo ako rito? Bakit mo pa ako pinabihisan nang maganda?” Ngumisi ito, saka napakamot sa batok. “Gusto lang kitang ipasyal sa buonmg city hall. And I will tell you a story that will make your heart melt.” Hindi na komontra pa si Elenor nang hilahin siya ni Barguso palabas ng hall. Hinawakan nito ang kanyang kamay nang mahigpit. Sumalubong sa kanya ang mga nagkalat na bulaklak sa paligid. Sinabuyan ang mga daan at mga kagamitan sa paligid, may nakasabit ding mga binderitas sa itaas at mga bulaklak na palamuti. Napamangha si Elenor sa nakita. Sa tamnang buhay niya ninais niya ring tumira sa ganoong makulay na mundo, pero hindi pwedce sapagkat isa siyang witch. Pero sa pagkakataong iyon naisakutaparan na nga dahil sa asawa niyang si Barguso na isnag dragon. “Ito ang piyesta ng buwan ng mga dragon. Alam mo na maraming dumnarayo rito mula sa ibang lahi na nakatira rito sa Verdona. Kaya sa araw na iyon, ipapakilala kita sa lahat na ikaw ay aking asawa.” Napatigil si Elenor sa sinabing iyon ni Brguso. Kung mangyari iyon, baka mag-aklas ng geyra ang kanyang mga lahi. “hindi pwede. Baka malaman ng mga kalahi ko at magalit sila sa akin. Baka mag-aklas sila ng labanan kapag magkataon. Hindi nararap-at na magpakasal ang mga witches sa isang dragon, alam mo iyan. Iyan ang pinakaayaw ng aming Empress. Kaya nga nagtatago ako rito para hindi nila malaman, at pumunta ako rito nang lihim para sa kaligtasan at kapayapaan,” tanggi at pigil niya sa balak na gawin ni Barguso. “Huwag kang mag-alala. Walang geyra at labanan na magaganap. Pinaghandaan ko na ang lahat na ito. Tradisyon namin sa tuwing piyesta ng mga Dragon na ipakilala ang asawa ng hari kapag may reyna na siya. Kaya’t hindi ko iyon babaliin.” Umiling-iling si Elenor. Hindi iyon pwedeng mangyari, kapag mangyari iyon baka ano ang gawin ng kanilang Empress. Masisira ang plano niya at mapupunta sa wala ang lahat nang pinaghirapan niya. “Hindi ako papayag. Kung iyan ang gusto mong mangyari, wala kan g reyn a na maipakikilala sa lahat.” Banta niya kay Barguso habang determinado sa ipinaglalaban niya. Hindi naman sa kanya mahalaga na ipakilala sa piyesta ng mga dragon. Mas importante sa kanya na maisakatuparan ang mga plano niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD