Chapter 5

1010 Words
Chapter 5 Bumaba ako sa aking magic broom nang marinig ang sinabi ng lalaki. Hinahamon talaga nila siguro akong labanan sila. Ngumisi ako sabay tayo sa kanilang harapan. “Hindi ba ninyo babawiin ang inyong panghahamon?’ “Wala na kaming magagawa kung ayaw mong sumama sa amin. Kaya’t mapipilitan kaming labanan ka para lang madala sa aming pinuno.” Agad kumunot ang aking noo sa narinig. Nabanggit niya ang kanilang pinuno. Ang pinuno ng mga dragon. Kung ganoon, ano ang kailangan sa akin ng kanilang pinuno sa pagkakataong iyon? Maaaring hihingi na naman ng blacvk magic para matalo ang kanilang mga kalaban. Kung ganoon, maaari kong gamitin ang pagkakataong ito para malaman kung sino ang kumuha ng aking mga ginawang mahika. Huminga ako nang malalim, saka pumikit nang mariin. “Binabawi ko na ang aking sinabi kanina. Bakit kasi hindi ninyo agad sinabi na ag pinuno ninyo ang may kagustuhan akong makita? Kundi sana, sumama agad ako sa inyo at hindi na nagdalawang-isip pa.” Nagkatinginan silang tatlo, bago bumalingb sa akin at tumango. Ibig-sabihin, payag na sila. Hindi pa nagtagal ng ilang sandali at nag-anyong dragon na silang tatolo. Hindi ko agad nakayanan ang sobra nilang laki kaya’t wari bang namangha pa ako. Hindi ko dapat pala maliitin ang kapangyarihan nila sa mga oras na iyon. Baka mamaya, matagpuan ko na lamang ang aking sarili na maging abo na lang nang tuluyan. Sila kasing mga dragon ang panagalawa sa akapangyarihan na nilalang sa mundo ng Verdona, bukod sa kami ang nangunguba na mga witch. “Sumunod ka na lamang sa amin,” ani nang malaki at malalim na boses. Hindi ko aakalain na maging ang boses nila ay mag-iiba sa pagpapalit ng anyo. Tumango ako saka sumakay na sa aking magic broom. Nang magsimula na silang lumipad ay humanda na rin ako para sumunod. Lumipad kami nang pagkalayo-layo sa kalangitan hanggang sa marating namin ang isang kulay dilaw na portal, hanggang sa hinigop kami ng isang malakas na enerhiya papasok na sa kabilang mundo--- sa mundo ng Verdona. Agad akong gumamit ng mahika na pagpapalit anyo bilang isa ring dragon, nang sa ganoong paraan, hindi ako makilala ng iba na naroon sa Verdona. Iniwala ko na rin ang aking awra para hindi agad ako makilala. Well, I am sure, safe aman ako kapag makarating na kami sa Dragon island. At malaya na akong gamitin ang aking itim na kapangyarihan. Mabilis kaming umikot-ikot hanggang sa makarating na kami ng ilang sandali sa dragin island. Agadn kaming tumuntong sa kaptagan ng kaharian ng mga dragon. May mga ilan pang dragon na nagliliparan sa himpapawid. Ang ilan ay nasa anyong tao na nakaabang sa labas at malayang nagmamasid sa paligid. Napatingin pa sa akin ang ilan na mga naroon, mukhang namangha opa yata sila sa kulay n aking balat. Kulay violet kasi ang anyo ko bilang sang dragon, indikasyon na isa akong witch. Pumalit ng anyo ang tatlong lalaki na sumundo sa akin. Kaya naman agad akong nagpalit ng anyo. Tumikhim pa ako para mawala anfg mgab tingin n nasa paligid na nakatuon sa akin. Ang awkward naan kasi ng binibigay nilang tingin. Tumungo kamni sa alaking pinto ng kaharian. Mataas ang kaharian. Malawak ito na pinapaligiran ang pader ng mga baolat ng dragon, maging ang disenyo nito ay hango sa magic scales ng dargon. Maging ang disenyo nityo at ang pagkakatayo ng kanilang kaharian ay hango rin sa kanilang angkan. Kulay ginto ang buong kaharian, kaya naman kung sino ang tumongin dito ay masisilaw. Pwera na lamang sa kanila at sa akin. Agad binuksan ng dalawang gwardya ang tarangkahan upang bumukas ang malakin at mataasn na pinto para kami ay makapasok. Agad na bumungad sa akin ang malawak na bulwagan ng kaharian. May disenyo sa sahig ng isang malaking dragon atna bumubuga ng apoy. Kulay ginto ulit iyon. Mabuti na lamang at iim ang sa loob ng kaharian at kulay lupa. Kung hindi ay baka malula na ako sa kanilang kulay na ginamit. “Hindi ba kayo nalulula sa kulay ng kaharian ninyo? Ang sakit jkatya sa mata,” turan ko habang papakayat na kami sa itaas. Wala naman akong ibang makita sa loob kuindi ang mga dragon na disenyo mula sa pader, mga flo0wer vase, at sa carpet ng sahig at hagdan na inaapakan namin. Maging ang ilaw at cahndelier sa itaas ay gawa rin sa disenyong dragon. Kung ganito lang din ang makikita ko sa paggising at pag-uwi araw-araw, hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba at bakanapalitan ko na ang mga disenyo. Hindi ako pinansin ng tatlo at patuloy pa rin sila sa kanilang paghakbang sa hagdan paitaas. Nakasunod lang naman ako sa kanilang hulihan, habang nag-o-obserba sa maaaring gawin nila sa akin dito. Mahirap nang hindi ko iyon maiwasan. Matapos kami sa tatlong ikot, nagawa naman naming makarating sa isang malaki at mataas na pinto. Ang pinto ni8la ay hindi basta-basta gawa sa kahoy lang . kundi gawa iyon sa kanilang mkahika na ginawamg bakal. “Is your leader is here?” curiopus ko ulit na tanong sa tatlo. Pero hindi ulit sila sumagot sa ajkin, at nanatili na namang tahimik. Kapag ako manggigil dito at hindi ko matyansa ang inis sa pang-iignora nila sa akin. Baka gawin ko silang isang maliit na daga. Pero hahabaan ko ang aking pasensya, I needed them. If this is the only way to be successful about my plan, then I will grab it. This is the right way to move forward. At hindi ko iyon sasayangin. Mabilis na binuksan ng dalawang gwardya ang tarangkahan at binuksan ang malaking pinto. Hindi ko inaasahan na sa mga oras na iyon ay magbabago ang kapalartan ko bilang isang witch sa witches island. Sa mga oras na iyon, gusto kong umatras at bawiin ang mga sinabi ko sa tatlong lalaki na sumundo sa akin. Gusto kong tumakas, para hindi na muling gumulo ang mundo ko. Pero alam kong huli na sa mga oras na iyon, dahil tinanggap ko na ang magiging kapalaran ko. Ngunit hindi ko alam kung saan— kung hanggang saan magtatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD