Chapter 76 Napangiti si Barguso nang makita nag reaksyon ng kanyang mukha. Aliw na aliw iton habang pinagmamasdan siya nang mataman. Hindi alam ni Elenor kung ano ang ire-react sa sitwasyong iyon. Pakiramdam niya ay nasusukol siya ng lalaki, pero binalewala na lamang niya iyong lahat. Hindi niya ito pinansin at lumisan na siya ng living room. Sumunod pa rin pala ito sa kanya.maraming mga nagkalat na katulong sa paligid, kaya nag-iingat siya sa mga ikinikilos, lalo na kapag kasama niya si Barguso. Baka mamaya ay magkamali siya ay maging dahilan pa ng mga usapin sa lipunan. “Narinig mo ba ang sinabi ko, Elenor?” tanong muli sa kanya ni Barguso, habang nakasabay na ito sa kanyang paglalakad. Huminga siya nang malalim saka tumango. Hindi naman niya kailangan n a maging sunud-sunuran sa si

