Chapter 77 Past. . . Sa paghihintay nang matagal ni Elenor, naisipan niya ang gumawa ng sariling portal ayon sa kanyang navbasa sa itim na librong walang pamagat. Kung hihinayin niya pang magising ang tatlong sugo mula sa pagkawala ng malay ay baka magawa pa siyang mga ito na talunin. Hindi niya pa alam kung paano niya gagamitin nag kanyang itim na kapangyarihan. Ang alam niya lang ay kung paano ito palalabasin at itatago. Iyon pa lamang ang kanyang natutunan, na sa ga oras na iyon ay wala pa siyang sapat na kaalaman kung paano iyon kokontrolin. Huminga nang malalim si Elenor saka ibinigay ang kanyang buong konsentrasyon sa ginagawang portal. Kapag makagawa siya ay gigisingin niya ang kanyang mga kasama. Ngunit bago niya iyon gawin, kailangan niya munang basahin ang tungkol sa magical t

