Chapter 74
Nakauwi na sila sa palasyo na hanggang sa mga oras na iyon wala pa ring kibo si Elenor. Hindi niya alam kung bakit nahihiya siya kay Barguso, wala ring imik ang lalaki sa kanya. Hindi naman siya nito inasar na akala niya ay gagawin ng lalaki. Napahinga siya nang malalim nang tuluyan na siyang makapasok ng kanyang silid. Doon niya ibinuhos nag hiya sa kanyang sarili. Ano na lamang ang sasabihin sa kanya ni Barguso dahil sa kanyang ginawa? Ano na lamang ang iisipin nito tungkol sa kanya? Pero wala naman iyong problema. Sasabihin na lamang niya na ginawa niya lang iyon dahil parte iyon ng kanilang palabas, pero kahit iisipin pa lamang niya para na siyang nilalamon ng lupa.
Napahiga siya sa kanyang kama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Inuusuig siya ng kanyang konsensya. Marahil nga ay nadala siya sa kinain na pagkain kanina. Kung bakit ba naman kasi sobrang sarap non at nakalimutan na niya ang nagawang kagagahan.
“Ahh!” sigaw niya sa ilalim ng unan, habang umiinit nag kanyag pisngi.
Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang ginawa niyang pagyakap kay Barguso kanina. Kung bakit naman kasi ganoon ang reaksyon ng lalaki kanina? Kung bakit ito natulala at wala man lang sinabi sa kanya na ikawawala ng kanyang hiya? Mas lalo tuloy siyang kinakabahan. Ano na ang mangyayari sa kanya nang mga oras na iyon?
Tumayo siya saka agad na nagbihis. Para kapag matapos na siya ay may oras pa siyang magpahinga. Saka isa pa, may balak siyang baguhin sa buong palasyo. Babaguhin niya ang mga lumang desenyo para kahit papaano ay may masabi naman sa kanya si Barguso na may paki-alam siya sa kaharian. Isa pa, tungkulin naman niyang pangalagaan ang buong kaharian bilang isang reyna na ng mga dragon.
Ang paniniwala kasi nilang mga nilalang, kapag isang reyna ng kaharian, kailangan nitong pagandahin ang buong palasyo, taon-taon. Mula sa mga bagong desenyo, kagamitan sa loob at kung anong makabubuting materyales ang gagamitin para pamalit sa mga ginamit na muwebles. Alam ni ZElenor na isa iyong malaking gampanin at trabaho sa kanya, pero iyon ag pinili niyang kapalaran. Hindi naman niya hahayaan na may masabi sa kanya ang mga dragon na wala man lang siyang kwentang reyna.
Mamaya pala ay sisimulan na niya ang kanyang pagpaplano kung ano ang babaguhin sa buong palasyo. Pero bago muna iyon, kailanagn niya munang libutin ang kabuuan nito. Matapos siyang magbihis agad niyang tiningnan ang kanyang hindi na namamagang paa, kaunti na lamang ang nararamdaman niyang kirot doon. Hindi tulad kanina na hindi na siya makalakad nang maayos. Mabuti na lamang at tinulungan siya ni Barguso. Ginamot pa ng lalaki ang kanyang paa, kaya nalalakad na niya iyon, kung hindi ay baka hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya nakalalakad.
Ayaw pa naman niyang sabihin ng mga nilalang na mga dragon na isa siyang lampang reyna. Nakasisira naman iyon bilang imahe niya sa mamamayan. Mabuti na lamang at pinalabas ni Barguso na nilalambing siya nito para hindi mahalata. Kung ganoon ay tinulungan lang talaga siya ng lalaki bilang palabas nila na tunay talaga silang nagmamahalan at hindi sila nagpakasal dahil lamang sa propesiya?
Parang may kung anong kumirot sa puso ni Elenor nang mga oras na iyon. Bigla siyang nawalan ng gana at nalupaypay sa pagkakahiga. Nasasaktan siya sa tuwing iisipin na ganoon lamang ang intensyon sa kanya ng lalaking haring dragon. Hindi niya matanggap, parang may inaasahan pa siya na sobra pa roon. Napahinga siya nang malalim saka bumangon mula sa pagkakahiga.
Tumungo siya sa kanyang kabinet. Sinigurado niya munang sirado ang mga bintana saka ang pinto. Nang masigurado na naisara na niya ang lahat at na lock, ay agad niya kinuha ang isang kahon na nilagyan niya ng seal. Na kahit anong mangyari, walang sinoman ang makapagbubukas no’n. iyon ang pinaka-iingatan niyang bagay sa loob ng ilang dekadang taon. Nasa loob no’n ang itim na librong walang pamagat at ang magical tree. Ang magical tree ay may kakayahan na baguhin nag lahat na mga pangyayari, kaya nitong walain ang mga ala-ala ng mga nilalang na gustuhin niyang walain ang mga isipin. Kaya ng magical tree na burahin ang masakit na nakaraan, at ang lahat nang iyon ay nabasa niya sa mahiwagang itim na librong walang pamagat.
Kaya naman pala, gustong-gusto iyong kunin ng kanilang empress dati dahil sa kakayahan ng punong iyon. Kaya ntong gawin at tuparin ang lahat sa pamamagitan ng mga dahon nito. Kahit anong kahilingan ay tinutupad, at nagbibigay rin ito nang kapangyarihan na hindi matalo-talo ninoman. Ngunit may kasamaan ding dulot ang magical tree na iyon, kaya nitong wasakin ang buong sanlibutan kapag pumanig ito sa kadiliman. Kaya naman kinakailangan niya iyong itago at ilayo sa kanilang empress, para hindi matuloy ang masama nitong balak.
Dahil kapag oras na mangyari iyon, baka tuluyan nang mawala ang lahat na nilalang sa sanlibutan; magiging katapusan na nilang lahat. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Gusto niyang pangalagaan ang mundong Verdona, ayaw niyang mapunta iyon sa masaman kaaway, kaya naman pinag-aaralan niya kung paano niya maaangkin ang buong kapangyarihan na tinataglay ng magical tree. Dahil oras na ma-absorb na niya iyon, ay magiging maayos nag lahat. Isa sa rason kung bakit niya tinanggap ang pagpapakasal kay Barguso upang mapangalaagaan niya at mailayo sa witches islanda ang magical tree. Iyon lamang ang tanging susi para hindi siya matunton ng kanyang mga kalaban.
Alam ni Elenor na pinahahanap na siya ng Empress, na nalaman na ang lahat ng kanyang lihim. Hindi man lang kasi ito tinablan ng kapangyarihan ng magical tree. Simula noong makalaban niya ang tatalong sugo. Nakalimutan na iyon ng mga kasama niya, niloko rin siya ni Randal, para sa kapangyarihan din na inaasam nito. Kaya ngayon hindi niya ulit iyon hahayaang mangyari. Hanggang maaari ay mananatili na lamang na nakatago ang kanyang lihim.
Kailangan niya ulit na magkaroon ng oras para tuluyang ma-absorb ang kapangyarihan ng magical tree. Kaunting step na lang at magtatagumpay na siya. At isasagawa niya iyon mamayang gabi. Ilang oras na lamang ang kanyang hihintayin, at sana, ang hiling niya’y mapagtagumpayan niya ang lahat.