Chapter 73
Nakarating sila ELenor at Barguso sa isang resto, agad siyang ibinaba ng lalaki sa isang bakanteng upuan. Nagtitinginan ang mga kumakain sa loob dahil sa kanilang pagdating, habang nagba-bow sa kanilang dalawa bilang paggalang at pagbibigay-pugay. Hindi alam ni Elenor kung ano ang gagawin nang mga oras na iyon, alam niyang nahihiya siya dahil sa akto nilang dalawa ng asawa, pero mukhang balewala lamang iyon kay Barguso. Hindi nito pinapansin ang tingin na ipinupukol sa kanya. Alam niya na malaki ang atensyon na umaagaw sa kanila, lalo na at marami ang kumakain sa loob ng resto.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong sa kanya ni Barguso nang masiguro0 na nito na maiupo siya sa upuan.
Tumango bilang tugon si Elenor sa kanyang asawa. Akala niya ay hindi na siya makakain kanina, ito at nandito na nga sila. Matitikman na rin niya ang pagkain na ipinagyayabang ni Barguso sa kanya kanina. hindi na siya makapaghintay na matikman iyon, masarap man iyon o hindi. Sigurado siyang nagsasabi nang totoo si Barguso, ikitang-kita niya sa mga mata nito ang totoo. Hindi tulad ng mga tao na nasa kanyang paligid noon, na oawang kasinungalingan at pagpapanggap ang ipinapakita sa kanya.
“Salamat, Barguso. Hindi ko aakalain na ganito ka pala kaalaga sa asawa mo,” biro niya sabay ngiti. Napangiti rin sa kanya ang lalaki habang kumakamot ito sa likuran ng leeg, mukhang nahihiya sa kanyang sinabi. Hindi niya aakalain na mahiyain din pala itong lalaki.
“Dito ka lang muna, pupunta lang ako roon sa nagluluto para personal na umorder ng kakainin natin dalawa. Matitikman mno na rin ang specialty ng resto na ito,” ani ng lalaki, sabay tayo nito sa upuan.
Sunod-tingin na lamang ang ginawa niya sa likuran ng lalaki nang umalis na ito at maiwan siyang mag-isa sa mesa. Nakatingin pa rin sa kanila ang mga nilalang na kumakain doon. Mukhang binabantayan nga nang lahat ang kanilang kilos, kung toto nga silang mag-asawa. Mukhang kailangan na nga niyang maki-cooperate kay Barguso sa sitwasyo9n na iyon. Kapag hindi, ay sigurado siyang malalagay sa panganib nag kanilang reklasyon at status sa buong dragon city na dalawa.
Kapag mangyari rin iyon ay malalagay sa panganib ang kanyang plano. Kailanagan niyang maging ma-inagt para magtagumpay. Hindi siya papayag na masisira lamang ang lahat at mapupunta sa wala ang mga painaghirapan niya. Malayo na ang kanyang narating.
Makaraan ang ilang sandali bumalik na si BArgsuo habang malapad ang ngiti sa mga labi. Hinalikan siya nito s apisngi na tila ba miss na miss siya nito. Alam niya parte iyin ng show nila sa mga nilalang na dragong naroon, pero hindi niya alam kung bakit may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. Hindi alam ni Elenor kung saan siya nalulungkot at kinakabahan nang mga iras na iyon, pero kailangan niyang makisama kay Barguso.
“Uminom ka muna ng tubig. Hihintayin na lamang natin ang pagkain, niluluto pa nila,” alok sa kanya ng asawa.
Tumango si Elenor saka kinuha ang tubig na binibigay nito na nasa baso. Ininom niya agad iyon, na nagbabaka sakali na mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Kanina pa iyon t***k nang t***k nang malakas.
“Salamat. Ikaw uminom ka na ba?” tanong at pasasalamat niya rito. Bilang tugon ay tumango naman si abrguso sa kanya.
Naging tahimik muli silang dalawa. Nagpapakiramdaman kung ano ang susunod na sasabighin at gagawin, hanggang sa dumating na nga ang irder ng kanyang asawa. Bumati pa muna ang naghatid ng kanilang pagkain sa kanilang dalawa, bago sila nito iwan.
Nanlaki ang mga mata niya habang nagnningning ito pagkakita sa pagkain na inihain sa ibabaw ng mesa. Unang tingin pa lang niya sa pagkain ay natakam na siya, mas lalo siyang nagutom at takam na takam na siyang tikman iyon. Punong-puno iyon ng sari-saring mga gulay at prutas, pinaghalo-halo na iyon at may kakaibang karne na mapula-pula. Bigla siyang napatingin kay Barguso na aliw na aliw na nakatingin sa kanya.
“Anong klaseng karne ito?” tanong niya sa lalaki,.
Napangiti ito saka tumawa nang marahan, bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya saka bumulong bilang tugon sa kanyang tanong. “iyan ang pinaka specialty sa pagkain namin. Iyan ang puno na bumubunga ng prutas na kasing hawig ng karne. Tinatawag nila iyang dragon tree. Kaya tikman mo na habang mainit-init.”
Kahit na hindi siya sure sa sinabing iyon ni Barguso ay nagtiwala pa rin siya sa lalaki. Takam na talkam siyang muli na bumaling sa harapan niya. Sumalubong muli sa kanya ang pagkain. Hindi na niya napigilan ang sarili na kumuha rito nang kaunti at tumikim. Iyona ng pinakahihintay niya.
Unti-unti niyang tinikman nag karne, hanggang sa unang kagat at sa kanyang paglunok. Ganoon na lamang an tuwa niya dahil sa sobrang sarap niyon.
“So? Ano sa tingin mo?” tanong sa kanya nang lalaki habang nakangiti at nakatingin sa kanya nang mataman.
Ngiting-ngiti siyang bumaling sa lalaki sabay thumbs up niya rityo. Hindi siya makapagsalita dahil puno ang bunganga niya ng pagkain. Noon lamang siya nakatikim nang ganoon kasarap na pagkain. Para siyang nakalutang sa ulap habang pinapaliguan siya ng mga strawberries at ng iba’t ibang mga klase pa ng prutas. Tama nga si Barguso na iyon ang specialty nilang pagkain dahil sa kakaibang lasa nito. Tama nga na nakalimutan niya bigla ang kanyang pangalan.
“Nakalimutan mo ba ang pangalan mo?” tanong muli sa kanya ng lalaki nang maubos na niyang lunukin ang kanyang nginunguya kanina.
“Super! Grabe ang sarap pala nito! Tama ka nga, super thank you!” masaya niyang wika sabay yakap sa lalaki sa sobrang galak. Nahalikan niya pa ito sa pisngi nang mga oras na iyon.
Agad niyang binitiwan si Barguso dahil sa kanyang ginawa, hindi niya iyon sinasadya at hindi niya aakalain na magagawa niya. Sa sobrang saya niya sigiro kaya niya nahalikan at nayakap ang lalaki. Pero wala naman siyang pagsisisi sa kanyang ginawa kanina. Napahinga siya nang malalim, sana ay hindi bigyan iyon nang malisya ng kanyang asawa mamaya. Sana hindi siya nito aasarin mamaya.