Chapter 72

1018 Words
Chapter 72 Nnagtitinginan ang kanilang mga dragon na dinaraanan sa kanilang direksyon dahil sa pagbuhat sa kanya ni Barguso. Tumigil ito sa isang shop na nagtitinda ng mga boots. Ibinaba siya nito sa isang upuan saka tiningnan agaad ang namumula na niyang dalawang paa. Hinlot-hilot iyon ng lalaki habang magaan na pinipiga. Hindi alam ni Elenor kung ano ang mararamdaman. Parang may kung ano na kumiliti sa kanyang dibdib at kaibuturan dahil doon. Hindi malaman ni Elenor kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. “Pasensya ka na. it was my fault, why this is happened to you. Pasensya ka na Elenor at hindi ko naisip na naka-heels ka pala. Namamaga na tuloy itong paa mo dahil kanina pa tayo lumalakad,” hinging p-aumanhin nito sa kanya. Tumango si Elenor saka ngumiti sa lalaki. Wala naman siyang galit dito, saka gusto naman talaga niya ang maglakad kanina, kaysa ilipad siya nito. Hindi naman niya makita ang buong tanawin ng dragon city kapag ganoon. “Hindi mo naman kasalanan iyon. Ako naman ang nagsabi sa iyo na maglakad na lamang tayo para mas malibot natin ang buong city. Kaya huwag ka nang humingi nang paumanhin, wala kang kasalanan.” Tumayo iyo mula sa pagkakayuko. “Dito ka lang. bibili ako ng ipapalit sa heels mo. Saka kukuha na rin ako ng gamot para diyan sa namumula mong paa.” Hindi na nakapagsalita pa si Elenor nang bigla na lamang siyang iwan ng lalaki at pumasok ito sa loob ng shop. Hindi na lamang siya komontra at sinunod na lang ang bilin sa kanya ni Barguso. isa pa nahihirapan na rin siya na maglakad, masyado nang masakirt ang paa niya. hindi niya nga rin alam kung paano niya iyon natiis kanina sa hinaba-haba ana nang kanilang nilakaran; at sa dami na rin nilang napuntahan. Nagugutom na nga siya at nanakit pa ang kanyang paa. Napapikit na lamang si Elenor sa sobrang pagod nas nararamdaman. Sa hinuha niya ay matatagaolan pa bago makabalik si Barguso. For sure na mahihirapan ito sa pagbili ng kanyang sapatos dahiol sa liit ng kanyang paa. Hindi naman siya ganoon kaliit, sadyang size six lang talaga ang paa niya. Maski nga ang boots niyang ginagamit ay pinapasadya talagang ipagawa sa mga shoe shop. Naalala niya pa noon ang mga magulang na hirap na hirap ding makahanap ng sapatos na kakasya sa kanya. Kaya naman pinasadya na lamang ng kanyang mga magulang ang pagpapagawa sa kanyang sapatos para hindi na ang mga ito mahirapan sa paghahanap. Naramdaman niya ang munting tapik sa kanyang balikat pagkaraan ng ilang sandali. Pagkamulat niya ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Barguso na nakangiti. Mukhang aliw na aliw ito habang pinagmamasdan siyang natutulog. Hindi naman siya yata nakatulog, kundi nakapikit lamang. “Ang hirap hanapin ng size ng paa mo. Kaya siguro sinadyang igawa itong heels para sa iyo. Mabuti na lamang at may nagre-repair ng boots sa loob at pinaoliitan ko itong sapatos. Hindi naman ito masisira, pero pansamantala lang daw. Kasi bago ang nilagay na pandikit at baka masira dahil gagamitin agad,” ani ng lalaki aka yumuko sa kanyang paanan. May dala itong isang bimpo at tubig sa isang maliit na tabo. Dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang paa saka dinampian nang malamig na bimpo. Binasa nito9 marahil iyon sa dalang tubig, mukhang nanuot iyon sa loob ng kanyang paa, dahilan para mawala ang sakit at hapdi na kanina niya nararamdaman. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito pagkaraan ng ilang sandali nang pagdampi nito ng basang tela sa kanyang paa. Ngumiti siya sa lalaki. “Effective. Hindi ko aakalain na magaling ka pa lang gumamot,” biro niya sa asawa. Napailing ito dahil sa sinabi niya. Natutuwa marahil sa pang-aasar4 niya o sa papuri? Kung anoman sa dalawa ay wala na siyang pakialam, basta ang importante sa kanya nang mga oras na iyon ay parang lumulutang siya sa ere. Hindi nioya alam kung baki9t at ano ang dahilan. Basta kakaiba ang pakiramdam na iyon para sa kanya. HINDi mapigilan ni BArguso ang mapangiti dahil sa kanyang arinig mula kay Elenor. Parang nagagalak ang puso niya sa tuwing naririnig ang papuri nito sa kanya. Sana nga ay totoo iyo0n at hindi kasinungalingan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit aliw na aliw siya sa mga sinasabi sa kanya ni Elenor, at sa tuwing kasama niya ang babae. Il;ang araw na rin ang nakalilipas simula nang matapso nag kanilang kasal. Dahil sa mga raw na kailangan nilang puntahan lalo na ang nalalapit na fiesta sa dragon city, iyon ang dahilan kung bakit mas nalalapit at nagkaroon sila ng oras ni Elenor na magkasama. Sa mga oras na iyon ay nagagalit siya sa sarili dahil nasugatan at namaga ang paa ng kanyang asawa. Hindi niya matanggaop na siya ang dahilan, kung bakit ba naman kasi na pinasuot niya ang babae ng heels. Mas sanay ito sa sapatos bilang witch sa isla nito. Napahinga siya nang malalim. Gusto niyang halikan at yakapin si Elenor,n pero pinipigilan niya ang sarili. Baka mamaya, sa kagustuhan niyang mapalapit sa babae, ay baka mas lumayo at maging ilag pa ito sa kanya dahul sa kanyang balak gawin. Mas mabuti na lamang na pigilan niya ang sarili na gawin ang isang bgay na magiging lamat ng pagiging malapit nila ni Elenor sa isa’t isa. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong niyang muli kay Elenor. “Oo, ayos na. kaya ko na sigurong maglakad nang maayos,” sagot naman nito sa kanya. Sinuot niya nang maraan ang boots sa paa ng babae, napangiti niya na kumasya naman sa cute nitong paa ang binili niyang sapatos. Mabuti na lamang talaga at may repair mans shoe sa loob ng shop. Hindi siya nahirapan na humanap ng kakasyang sapatos sa paa ng kanyang asawa. “Tara na, bubuhatin na lamang kita sa likod, o, kaya ay mag-anyong dragon na lamang ako para liparin na lang natin ang papuntang resto. Mas mabilis,” anyaya niya kay Elenor. “Sure ka?” tanong nito na may pag-aalinlangan. Ngumiti siya sa babae. “Oo, kaya tara na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD