Chapter 71
Nalibot na siguro ni Elenor ang buong library hub, pero hindi pa rin makita-kita ni Barguso ang tinutukoy n itong libro na unang binasa. Napatingin siya sa lalaki habang seryoso ang mukha nitong naghahanap sa mga book shelves. Hindi alam ni Elenor kung anu ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Parang dinadaga ang kanyang puso na hindi niya maintindihan. Kung saan ba naman na lupalop ang klibro nitong tinutukoy, mukhang mamumuti ang mata nitya sa gutom. Kanina pa siya nagugutom at mukhang hindi iyon pansin ni Barguso.
Nang hindi na siya makatiis, lumapit siya sa lalaki, pero napatigil din siya nang ilang dan gkal na lamang ang namamagitan sa kanya at sa likod ni Barguso. Ano ba itong pakiramdam niya? Bakit siya kinakabahan nang mga oras na iyon? Ano ba ang ginawa sa kanya ni Bar4guso? May mangayayri bang masama sa mga susunod na oras o araw? Bkit hindi niya maintindihan ang sarili? Ganoon na lamang ang bundol pa ng kaba sa kanyang dibdib nang biglamng lumingon sa kanya si Barguso habang nakangiti ito nang malapad.
“Nakita ko na!” ani nito habang pinapakita sa kanya ang makapal at malaking libro.
Pero hindi siya roon nakatingi9n kundi sa mukhang gwapo ni Barguso. Naramdamn na lamang ni Elenor na parang inaapoy ang kanyang mukha, sa sobrang init na nararamdaman.
“Pasensya ka na at natagalan ako sa paghahanap. Pero sure ako na worth it naman ang kwentong nakapaloob dito. Iba-iba pala na kwento ang nakasulat dito, kaya siya malaki art makapal. mqay mga facts din na nakasulat diyan sa loob kaya mas maiintindihan mo ang mga pinagsasabi diyan na hindi pamilyar sa iyo,” patuloy pa ng lalaki habang tinatawid niton ang distansya na namamagitan sa kanila.
Agad niyang pinilig ang ulo saka winaglita nag gwapo nitong mukha sa kanyang isipan. Kung bakit ba kasi ang gwapo ni Barguso kung ngumiti sa kanya? Pakkiramdam niya tuloy ay nalaulunod siya sa isang malawak na karagatan, at nasa gitna sya na wala nang takas pa. kundi ang magpakalunod na lamang sa nararamdamn niyang iyon. Pero kailangan niya makaahon kung hindi ay baka mamatay siya sa damdamin na iyon. Ilang araw pa lamang niya nakikilala si Barguso, pero puro kabutihan ang ipinapakita nito sa kanya. Hindi niya pa ito nakitaan ng galit o pagkamuhi sa mga angkan nito. Gusto niya iyong matuklasan, hindi na siya makapaghintay na dumating ang oras na iyon.
“okay lang iyon, amina at abbasahin ko na ito ammaya sa aking silid. Mukhang matatgagalan ang pagbabasa bago ko ito matapos, e. sa kapal at laki pa naman nito,” biro niya sa asawa na ikinatawa rin nito.
Sa mga oras na iyon, hindi na naiinis si Elenor kay Barguso klung tumatawa ito, kundi parang isang musika lamang iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maintidihan kung ano na ang nangyayari sa kanyang sarili.
“Kaya mo iyan, marami ka naman nabasa na mga aklat, sabi mo sa akin,” sabi nito habang ginugulo na naman ang buhok niya sa ulo. Nakalimutan niya palang suotin ang itim niyang pointed hat. Baka kasi matakot ang mga angan ni Barguso kapag makita siyang nasa ayos na witch. Kaya siguro pinabihisan siya nang saya na maganda ng kanyang hari.
“Saka na lamang natin pag-usapan ang bagay na iya, nagugutiom na ako. Kanina pa,” reklamo niya sa lalaki.
Tuamawa na naman ito bago siya hinila palabas ng library hub. “Dadalhin naman kita ngayon sa kilalang resto sa amin. Maraming masasarap na pagkaing ibinebenta roon. Isa na roon ang ala dragonie soup na sinasabi at popul;ar na pagkain sa amin.”
Kumunot ang kanyang noo pagkarinig sa pagkaing binanggit ni Barguso. “Ano naman iyon? Karne ba iyon ng dragon? Naku, hindi ako0 kumakain niyan.”
Napahalakhak ang hari sa kanyang sinabi. Hindi naman nakatatawa ang sinabi niya, inamin niya lang ang totoo na hindi siya kumakain ng karne ng isang dragon. Mahirap na at baka kung may anong lason at malason pa siya, dahil isa siyang witch. Iyon pa naman ang kinatatakutan ng mga witches.
“Hindi naman iyon karne ng dragon, e. ang pangit kaya kapag kakainin namin ang sarili naming lahi. Tawag lang iyon sa pagkain, pero hindi naman iyon lirteral na dragon,” paliwanag ng lalaki sa kanya habang iiling-iling.
“Malay ko ba. Iyon kasi ang uanang sumagi sa isip ko pagkarinig sa sinabi mo.”
“Hay naku, halika na nga. Pupunta na tayo roon nanag makita at malaman mo. Sigurado akong malilimutan mo pangalan mo pagkatikim no’n.”
Agad na nagunot ang noo niya. “Ano? May spell ba iyon at malilimutan ko ag aking pangalan?”
“hindi, ano ka ba. Halika na nga at nang malaman mo na rin. Ang dami mong tanong diyan. Masasagot iyan mamaya kapag nandoon na tayo.”
Wala na siyang nagawa nang hilahin na siya ni Barguso patungo sa parteng kanan ng city. Siguro doon ang daan papunta sa sinasabi nitiong resto kung saan matatagpuan ang pinagyayabang nitong pgkain sa kanya. Hindi na rin siya makapaghintay na tikman ang specialty ng mga dragon. Sa lahat na mga pagkain niyang natikman na, makatitikim ulit siya ng panibagong putahe na bago sa kanyang panlasa.
“malayo pa ba iyon?” tanong niya kay Barguso nang mapansin ni9yang malayo na ang kanilang nalakad. Mukhang mapapadami siya nito mamaya ng kanin kapag makarating na sila sa resti. Sa pagod ba naman niya at kanina oa siya nagugutom ay mukhang mangyayari nga ang bagay na iyon. Hindi na niya palalampasin ang pagkakataon kapag may inihain na pagkain sa ikanyang harapan. Pero dapat niya pa ring siguraduhin kung secure ba ang pagkain na inihain sa kanya.
“Malapit na tayo. Maghintay ka lang, makikita na rin natin maya-maya ang isang berdeng kulay ng gusali. Kapag makita mo na iyon, siyang-siya na nga ang resto na pupuntahan natin,” sagot naman ng lalaki habang inaalalayan siya nito sa paglalakad.
“Pagod na ako. Ang taas pa naman ng heels na ipinasuot sa akin ng mga katiwala at nagbihis sa akin kanina. Kaya mas gusto ko na lamang na iyong sapatos ko ang aking sinuot. Siguro hindi ako mapapagod nang ganito. Ang sakit na--- hoy!” nabigla na lamang siya nang binuhat siya ng bridal style ni Barguso. Hindi niya iyon inaasahan.