Chapter 70

1053 Words
Chapter 70 Present. . . Hindi makapaniwala si Elenor sa kanyang nasaksihan na iyon sa city ng Dragon Island. Nakasunod lamang sa kanya si Barguso habang abala siya sa pagmamasi9d sa paligid. Hindi niya napagmasdan nanag mabuti ang mga tanawin dahil nauwi na naman siya sa pag-alala ng nakaraan. Alam niyang mahirap iyon para sa kanya, at nanatiling lihim ang kanyang ginawa noong makuha niya ang magical tree. Nagulat na lamang siya noon na bigla na lamang nagbago ang lahat. Saka na lamang niya iyon iisipin, ang mahalaga ngayon ay nasa ganito na siyang sitwasyon. Hindi niya inaasahan na may mangyayari ribn pa lang maganda sa kanyang buhay. Pero kailangan niyang tuparin at gawin ang plano para sa ikabubutio ng lahat. Ayaw niyang mag-hari ang kasamaan sa mundo. Ayaw niyang sakupin ng kasamaan ang mundo ng Verdona at ng Arasor, pero kung mas nakabubuti na ipalabas sa lahat na masama siya at gusto niyang sakupin ang dalawang mundo sa pamamagitan ng magical tree para iligtas ang lahat ay gagawin niya. Hindi niya hahayaan na mapunta lamang sa wala ang lahat na pinaghirapan niya. At iyon ay maturtupad sa tulong ni Barguso. Malaki ang tulong sa kanya ng lalaki, at hindi niya iyon palalampasin. “ano sa tingin mo ang bayan namin?” biglang untag sam kanya ng lalaki habang nakasabay na ito sa kanyang pagklalakad. “Ayos naman siya. Maganda ang bayan ninyo nakakahalina sa mata, hindi nakasasawang tingnan, lalo na ang mga palamuting bulaklak. Mukhang araw-arawin ko na ang pagpunta rito,” ani niya habang nakangiti nang malapad. Totoo naman ang sinabi niya, baka nga iyon ang gagawin niya oras na makapaglibot na siya sa buong Dragon City. Ganoon naman taklaga siguro kapag naninibago sa isang lugar, hindi nakasasawa tingnan at bago sa kanyang paningin. “alam mo, Barguso, hanga ako sa iyong pamamalakad sa iyong kaharian. Hindi ko aakalain na gan ito pala kaganda ang Dragon Island. Kapag kasi may Dragon festive kayong pinagdiriwang, hindi ako pumupunta. kaya naman masasabi ko na ito ang una kong pagparito sa iyong isla.” Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay para alalayan siya nito na umakyat ng hagdan. Patungo sila ngayon sa isang malaking library hub ng islang iyon. Akala niya ay sa witches island lamang niya matatagpuan ang bagay na iyon, iyon pala ay hindi. May naririto rin pala sa dragon city. “Hindi ko inaasahan ang iyong mga papuri, Elenor. Pero nagagalak ako na marinig iyan mula sa iyo, lalo na at isa ka na ngayon na aking kabiyak o asawa. Masayang naghihintay nag mga angkan ko na iyong pamunuan, masaya sila at pagkatapos ng ilang daang taon ay natagpuan ko na rin ang aking pinaka-iibig,” madamdaming sambit ni barguso habang papasok na sila ng malaking library hub. Napatawa siya sa narinig mula sa asawa. Hindi niya inaasahan na madamdamin ang mga salita nito na bibitawan. “Hindi ko inaasahan ang iyong mabulaklak na salitang iyan, Barguso. Nagtataka tuloy ako kung may naging asawa ka noon?” Ito naman ang tumawa saka lumingon sa kanya. Iginiya siya nito papunta sa isang information desk. Binati sila ng nagbabantay roon. Nginitian niya at binati rin ito pabalik, maging si Barguso rin ay ganoon ang ginawa. Pagkatapos ay tumungo na sila sa mga nagtataasang book shelves na punung-puno ng mga malalaki at makakapal na libro. Makakaya niya kaya iyong basahin lahat kung sakali? “kailanman ay wala akong naging asawa, simula nang pamunuan ko ang buong dragon island at iwan ito sa akin ng mga magulang. Imbes na maghanap ng pag-ibig at ng babaeng magpapatibok ng aking puso ay inilaan ko na lamang iyon sa pagtatanggol sa aking mga mamayan at sa pagpapalago ng aming pwersa at angkan. Kaya siguro ako nagkasakit, para naman mapahinga ko ang aking sarili mula sa labis na trabaho. At nang magkaroon na rin ako ng asawal. Hindi ko inaasahan na ikaw ang babaeng tinutukoy sa propesiya,” mahabang kwento sa kanya ni Barguso. Parang may kung anong pumisil na emosyon sa kanyang puso pagkarinig sa mga sinabi nito. Kung ganoon ay siya lamang pala ang naging unang asawa nito. Napakaswerte naman pala niya kung ganoon. Hindi niya napigilan ang mapangiti. “Ito nga pala ang mga naglalakihan naming libro dito. Minsan dinarayo ito ng aking mamamyan kapag matapos na ang dragon festive para muling makakuha ng ideya sa kung paano pa nila mapapalakas ang kanilang kapangyarihan at nang may alam din sila sa mga bagay-bagay.” Tumango-tango si Eolenor mula sa mga sinasabi ng lalaki. Na-eengganyo na tuloy siyang kumuha at humirqap man lang kahit ni isang libro doon. Ang hindi niya lang alam kung saan doon ang pinakamagandang libro na basahin. “Saan ang libro na mai-rerekomenda mo sa akin? Iyong maganda tapos interesting,” tanong niya habang nag-iisip at nagsisipat sa mga libro sa kanyang harapan. Lumapit sa kanya si Barguso at yumuko sa kanyang tagiliran. Ang lapit ng mukha nito sa kanyang kaliwang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang malalim na hininga nito at ang mainit na buga ng hangin. Biglang nag-alburuto ang kanyang puso sa loob ng dibdib. Sunud na sunod ang pagtibok no’n na hindi niya maintindihan kung bakit, sa kaba ay agade siyang umatras para makalayo sa lalaki. Parang wala namang napansin na kakaiba si Barguso sa kanya, at nagtitingin ito ng mga libro. “mayroon akong nabasa noon, e. isa lang iyong abasa kong libro, hindi naman kasi ako mahilig sa mga ito, at saka kulang ang oras ko sa pagbabasa. Noon namang nagkasakit ako ay hindi ko naman kaya na hawakan ito dahil sa sobrang bigat.” Tumngo siya bilang tugion sa lalaki. Kung ganoon ay hindi pala ito bookworm. Mabuti pa siya at marami a siyang nabasang libro. Pero interesado si Elenor na mabasa ang unang librong binasa ni Barguso. “Natapos mo naman bang basahin iyong unang libro mong binasa?” “Oo naman! Iyon talaga siguro ang the best na librong nabasa ko. Tungkol iyon sa pag-iibigan ng isang mortal at ng pangit na lalaki. Hindi ko lang alam kung nasaan ko iyon nakuha, e.” Napailing na lamang si Elenor habang aliw na aliw siya sa pagtingin kay Barguso na nakakunot ang noo, habang hinahanap nito ang nasabibng libro. Iyon ay kung mahahanap nito sa sobrang laki at lapad ng library hub na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD