Chapter 69
Malakas na enerhiya ang pinalabas ni Elenor papunta sa direksyon ng kanyang kalaban. Hindi siya nagdadalawang-isip nang ipalabas niya ang kanyang itim na kapangyarihan papunta sa mga kalaban. Nangigigil siya habang nakatingin sa mga ito. Kung walang balak ang empress na ibalik sila sa mundo ng Verdona, pwes siya mismo ang gagawa ng paraan para makabalik doon. Pero hindi niya ibibigay ang magical tree rito. Alam niyang malaki ang pagagamitan niya sa bagay na iyon.
“hindi ka talaga sumusunod sa utos ng emnpress, Elenor! Kailangan mong turuan ng leksyon, nang sa ganoon ay malaman mo ang kahihinatnan mo. Nang malaman mo rin kung saan ka dapat lumugar. Hindi mo alam na isang malakaing kasalanan ang hindi pagsunod sa utos ng empress!”
“Wala akong paki-alam sa utos ng empress. Hindi ko ilalagay sa peligro ang buhay ng mga kasama ko at ang buhay ko para lamang sa utos niya. Alam ko na may masama kayong binabalak labajn sa amin. Wala naman talaga kayong balak na ilabas kami sa mundong ito at ibalik sa mundo ng Verdona. Ipinaon niyo lang kamin para makuha namin ang magical tree!” galit niyang sigaw pabalik sa mga ito.
Hindi niya mapigilan ang sarili na magalit sa mga ito. Naninibuugho siya, ang pinakaayaw niya talaga sa lahat ay ang lukuhin siya at gamitin sa ganoong paraan. Hindi niya matanggap na ganoon na lamang ang papel niya sa mundo. Hindi siya tanga para hindi mapansin ang bagay na iyon. Matagal na rin niyang napapansin iyon sa empress, alam niyang may balak itong gawin laban sa kanya. Kung kaya naman pinapasok siya nito sa Witches Academy.
Lumaban pabalik ang tatlong sugo. Nagpalabas ang mga ito ng iba’t ibang seal na hindi niya alam kung ano ang tawag. Nagpalabas ng sikat ng araw ang may dilaw na kulay ng buhok papunta sa kanya. Nasunog ang mga halaman na matamaan ng sikat ng araw na nagmumula sa kamay nito. Habang ang itim na kulot na buhok ay ang ipo-ipo naman papunta sa kanyang kinaroroonan. Ang isa naman na may mahabang buhok na straight ay ginawang espada ang buhok nito para atakehin siya.
Agad siyang umiwas sa mga ipinapalabas na kapangyarihan ng mga ito. Mukhang magiging dehado siya sa pangyayaring iyon. Kailangan niyang maging mabilis at alerto sa mga oras na iyon. Kung hindi ay mamatay siya sa tatlong kapangyarfihang taglay ng tatlo. Hindi na alam ni Elenor kung paano ang lumaban. Napamura siya nang malutong nang ilang beses siyang atekihin ng mga ito.
“Humanda ka, Elenor! Ito na ang magiging katapusan mo! Mas mabuti na lamang na mamatay ka kaysa hindi namin makuha sa iyo ang magical tree. Ipapakita namin sa empress ang lahat na nangyari!” sigaw ng isa sa mga ito.
Akala niya hindi siya makakalipad nang mga oras na iyon pero nagawa n iyang gamitin ang kanyang magical broom. Siguro sa malakas na enerhiyang lumalabas sa kanyang katawan; ang kanyang powerful black magic ay nagawa niyang lumipad. Hinabol naman siya ng tatlo. Paglalaruan niya rin ang mga ito hanggang sa humina nang humina ang ipinapalabas ng mga ito na kapangyarihan. Iyon lamang ang tangi niyang naiisip na paraan para matalo ang mga ito.
Nagpagulong-gulong siya sa himpapawid habang sumusunod sa kanyang hulihan ang mga kalaban. hindi alam ni Elenor na mabilis pala ang mga ito na magpaliopad ng magical broom. Sa hulihan na niya ang tatlo nang mga oras na iyo. Habang walang tigil naman sa paglabas ang mga ito ng kapangyarihan.
“Huwag kang tumakbo, Elenor! Kahit anong gawin mo ay matatalo ka pa rin namin. Hindi mo kami madadaig gamit ang iyong powerful black magic!” sigaw ng mga ito sa kanyang likuran.
She knew that! Matatalo talaga siya kapag hindi siya lalaban, pero lalaban siya sa abot ng kanyang makakaya. She never let them to hurt her. Prinotektahan nga siya ng kanyang mga magulang para hindi matalo ng mga kalaban, para hindi siya mapatay. Tapos itong tatlong sugo lamang na ito ang papatay sa kanya? Hindi siya makapapayag.
Mas binilisan niya ang paglipad palayo sa mga ito. Kung hanggang maaari ay gagawin niya ang lahat makalayo lamang. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari, kailangan na nga niyang tuklasin ang buong katotohanan kung ano ang dahilan ng empress at bakit siya nito gustong patayin. At kung ano ang intensyon nito para kunin ang magical tree.
Hindi naman sa kanya iba na hangad nito ang kapangyarihan. Peeo hindi pa ba sapat ang pagiging empress nito sa kanilang mga Witches? Ano pa ba ang gusto ng matanda at ganito pa ang ginagawa sa kanya?
Huminto siya saka pilitang hinarap ang tatlong sugo. Hindi siya makapapayag na tatakbo lamang siya at lalayo sa mga ito. Kung maaaei ay gagawin niya ang lahat para lamang matalo ang mga ito.
Hinigop niya ang buong enerhiya sa dalawang kamay para makalikha siya ng isang malakas na hangin oara ihampas sa mga ito. Kulay itim na usokang lumabas sa kanyang dalawang kamay, at ikinumpas ito nang malakas papunta sa mga kalaban.
Huli na para makailag ang mga ito sa kanyang ginawa. Masyadong mabilis ang paglipad ng hangin sa kanilang direksyon, dahilan para hindi nakailag ang mga ito.
Bumuluaok sa ilalim ngmga alapaap ang tatlong sugo, nawalan ang mga ito ng malay. Mavilis na sinundan naman ito ni Elenor. Sinisiguraso na nawalan nga ng malay ang mga ito sa kanyang ginawa.
Nang masigurado niyang wala na ngang malay ang mga ito, mabilis siyang lumikha ng seal para ikulong ang tatlo sa loob. Iyon lamang ang tangi niyang paraan para makuha ag makumbinsi ang mga ito na sabihin sa kanya, kung paano sila makababalik sa mundo ng Verdona. Ang problems nga lang ay ang kanyang paghihintay na magising ang mga ito mula sa mahimbing na pagkawala ng malay
“Pasensya na kayo, peeo kinakailangan ko itong gawin para sa kaligtasan namin at sa akin na rin,” bulong niya sa kawalan.
Pinagmamasdan niya ang tatlong seal na lumulutang sa ere. Ang isa ay maliit kung saan naroroon ang magical tree. Sa isa naman na kasunod nito ay ang kanyang mga kasama na nasa loob habang walang malaya.
Hihintayin na lamang niya hanggang ang mgq ito ay magising.