Chapter 68

1087 Words
Hindi nila binigay ang magical tree sa tatlong sugo. Masama ang tingin na ipinukol ng mga ito sa kanila. Alam ni Elenor na nagagalit na ang mga ito. Inaasahan na niya ang bagay na iyon, ganoon din naman talaga ang mangyayari kahit na hindi nila ibigay. “Tama ba itong ginagawa natin?" tanong sa kanya ni Randal. Tumango siya bilang tugon, saka sinundan iyon ng sagot. “Sigurado ako. Kailangan natin mag-ingat kung hindi sila isang huwad. Kailangan natin silang pasubukin, mahirap na at baka isa sila sa kalaban, makuha pa sa atin itong magical tree. Mahirap na ang maisahan." .“Tama si Elenor. Kailangan nating mag-ingat. Lako na at ilang beses na tayong napahamak. Mahirap na at mapunta iyan sa kamay ng mga kalaban," sang-ayon naman ni Damien. Tumango-tango naman ang iba at mas tinalasan ang pakiramdam at paningin sa paligid. Ayaw na nilang maloko at ang maisahan. Mahirap nang umulit muli sila sa una, na hanapin ang magical tree. Ilang beses na rin silang naging dehado. Hindi na nila iyon hahayaan na mangyari, ilalaban nila at poprotektahan ang magical tree hanggang sa makabalik sila sa mundo ng Verdona. “Ano na ang susunod na hakbang natin?" tanong ni Asora, nakipagtitigan sa tatlong sugo na nasa harap nila. “Hindi ko alam. Pero talasan nyo lang ang mga mata niyo. Mag-isip kayo nang pwedeng gawin para matakasan natin itong taylo," bulong na sagot ni Elenor. “Sige, mag-iisip kami," sagot naman ni Adoe. Samantala si Hilbert ay hindi mapalagay sa kinatatayuan. Alam niyang mga totoong sugo sa kanilang harapan. Ang hindi niya lang magawa at alam kung paano sasabihin iyon sa mga kasama. Pero hindi niya kayang itago kay Elenor. Baka mamaya makatutulong iyon sa kanila para sa paggawa nang desisyon. Huminga siya nang malalim bago lumapit sa babae. “Elenor, totoo silang mga sugo ng Empress. Hindi sila nagbabalat-kayo .” Lumingon sa kanya si Elenor, nakakunot ang noo nito. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. “Alam ko ang sinasabi mo, Hilbert. Pero kailangan nating masigurado kung tunay nga sila o isang huwad." Hinawakan siya ni Randal sa balikat. Tinanguan siya nang lalaki. Mukhang sinasabi nito sa kanya na huwag siyang mag-alala dahil magiging maayos din ang lahat. Tumango na lamang si Hilbert at nanatiling oberbador sa paligid. Sana nga ay makalabas sila nang buhay sa mundong iyon, at makabalik sila sa mundo ng Verdona. “Wala na kaming magagawa kundi ang kalabanin kayo,” anunsyo ng isa sa sugo na may dilaa na buhok. Biglang nabahala ang lahat dahil alam nilang malalakas ang nasa harapan nila. Hindi ito naging mga sugo ng Empress kung hindi ang mga ito nagtataglay nang malakas na kapangyarihan. Pero hindi man lang natinag si Elenor. Alam niyang mahina lang ang tatlong sugo sa paningin niya. Kung kinakailangan niyang ilabas ang powerful black magic ay gagawin niya, makalabas lang sila at makatakas. At isa pa nasa kanya naman na ang magical tree. “Hindi namin kayo lalabanan!" Sigaw bigla ni Randal na siyang ikinalingon niya dito. “Hindi pwede, kung hindi niyo ibibigay sa amin ang magical tree. Iyan lamang ang hinihintay namin, kung ibibigay niya, hahayaan namin kayo. Hindi na kami lalaban. Pero kung hindi, kinakailangan namin kayong labanan.” Ngumisi siya. Kung ganoon, wala na siyang magagawa pa kundi labanan ang mga ito. Nang lingunin niya ang mga kasama naghihintay ang mga ito sa kung ano ang desisyon niya. Huminga nang malalim si Elenor. Mukhang kumbinsado na ang mga kasama niya sa sinabing iyon ng sugo. Wala na siyang magagawa, pero kahit na ano ang mangyari hindi niya ibibigay ang magical tree. “Still, hindi pa rin namin ibibigay ang magical tree hangga't hindi makababalik sa mundo ng Verdona," matigas niyang sambit habang mahigpit ang hawak niya sa magical tree. “Kung ganoon wala na kaming magagawa. Lalabanan namin kayo." Humanda na ang mga ito para magpalabas ng kapangyarihan. Napangiti si Elenor. Umatras siy saka lumikha ng isang seal, ikinulong niya sa loob ang magical tree para hindi ito makuha ng mga sugo. “Bakit mo iyon ginawa?" Nanlalaki anh mgamata ng tatlong sugo, lalo na ang may dilaw na buhok ang tumanong niyon sa kanya. “Wala lang, naninigurado lang ako. Para kahit na matalo niyo kami, hindi niyo pa rin makukuha iyang magical tree. Hindi niyo masira-sira nang basta-basta ang seal na nilagay ko . kaya sa huli, patas pa rin na talo kami, talo rin kayo.” “Tumahimik ka! Isa ka talagang pasaway na witch sa witches academy!" sigaw at galit na sabi ng sugo na may kulot na buhok. Lumingon si Elenor sa mga kasama. “Hindi ko kayo ilalagay sa pahamak. Pasensya na sa gagawin kong ito sa inyo.” “Anong gagawin mo sa amin, Elenor?” tanong sa kanya ni Randal habang nakakunot ang noo nito. Sa halip na sagutin ang tanong ng lalaking iyon, mabilis siyang lumikha ng isang seal para protektahan ang mga kasama mula sa labanan na magaganap. “Pasensya na kayo, kailangan ko lang din itong gawin." Lumikha rin siya ng mahika na mapawawala ng malay ng mga kasama. “Kakaiba ka rin talaga, Elenor. Hindi namin aakalain ang ginawa mong ito," ani ng babaeng sugo na may dilaw na buhok. Ngumisi siya sa babae. “Alam ko iyon. Sinisigurado ko lang na kahit matalo ako, panalo pa rin dahil sa ginawa ko." “Paano naman ang mga kasama mo? Paano sila makawala sa seal na ginawa mo?" tanong sa kanya ng isa sa mga ito. “Depende sa klase ng seal na nilagay ko. Pero hindi niyo basta-basta rin iyan masisira.” “Kung ganoon, wala nang choice kundi ang kalabanin ka namin sa oras na ito. Humanda ka na, Elenor!” Pumikit siya nang mariin saka bumigkas siya ng iba't ibang lengwahe na siyang chant para sa kanyang kapangyarihan. Ramdam niya ang paglago nang paglago nang malakas na enerhiya sa kanyang katawan. Iyon ang kanyang hinihintay na pagkakataon. Sa pagbukas ng kanyang mga mata, sumalubong sa kanya ang nanginginig at puno ng takot ang mukha ng tatlong sugo. Ngumisi si Elenor nang manasa ang kaba sa mg mata ng bawat isa nito. Kitang-kita niya ang kanyang kamay na pinapalibutan ng itim na mahika. “H-hindi ka isang witch!" hintakutang sigaw ng isa sa mga sugo. Ngumisi siya, alam niya ang bagay na iyon. Pero hindi, isa talaga siyang witch. Sadyang pinagkalooban lang siya ng isang kapangyarihan na kakaiba. “Humanda na kayo,” ani niya sabay taas ng kanyang kanang kamay sa ere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD