Chapter 67

1050 Words
Chapter 67 Hindi pa rin sila makapaniwala habang pinagmamasdan nila ang magical tree na hawak-hawak ni Randal iyon. Napangitio si Elenor, sa wakas at natapios na rin ang kanilang misyon sa mundong iyon. Makababalik na sila sa mundo ng Verdona. Ang tanong na sumagi sa isipan ni Elenor ay kung paano sila makababalik sa mundo nilang pinanggalingan kung hindi nila alam kung paano. “Guys, paano na tayo makababalik sa mundong Verdona?’ tanong sa kanila ni Asora. Napatigil silang lahat mula sa kasiyahan at pagsigaw nang malakas. Ganoon nga ang iniisip ni Elenor, at kanina pa niya hinahanapan ng solusyon kung paano at ano ang gagawin. Pero wala naman siyang maalala na gawin nang mga oras na iyon. Ano nga ba ang tama? Bumaling sa kanya si Randal. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Maging ang iba pa niyang mga kasama. Paano nga ba niya sasagutin ang katanungang iyon ni Asora? Ayaw naman niyang mabigo at mabahala ang mga kasama na hindi sila makababalik agad sa mundo ng Verdona dahil hindi naman niya alam kung paano. Wala siyang ideya kung paano ang makagagawa ng portal o ng mahika para makabalik sila agad sa mundong kinagisnan. Mukhang nakuha naman ni Randal ang nais niyang sabihin, nabahala din ang mga mata nito habang bumabaling sa mga kasama nila. Hindi nga nila malaman kung ano ang balak sa kanila ng Empress. Kung bakit pa ba sila ipinadala sa misyon na iyon ng Empress, kung hindi naman sila nito tinuruan kung paano makababalik. “Ang problema hindi natin alam kung paano ang makababalik sa mundo ng Verdona, hindi natin alam kung ano ang gagamitin na mahika para makagawa ng isang portal o ng seal<” kalmadong sagot ni Elenor ay Asora. Kitang-kita niya ang pagkabahala ng mga kasama. Nalungkot siya bigla, dahil wala na siyang magagawa pa pagdating sa puntong iyon. Wala pa siyang masyadong alam sa ganoong kapangyarihan. Siguro nabasa na niya ang tungkol sa pagagawa ng portal kung nagkaroon lang siya ng oras na bumasa ng itimn na librong walang pamagat. “huwag na kayong mag-alala kung paano kayo makababalik sa mundo ng Verdona.” Narinig nilang laha mula sa tatlong sugo ng Empress nang mga oras na iyon. Hinid nila napansin ang pagdating ng tatlo sa kanilang kinalalagyan na iyon. Hindi man lang nila naramdaman ang presensya ng mga ito na dumatong. Paano ng mga ito nagawa iyon? Dapat naramdaman nila, kahit maliit na enerhiya ng mga ito pero hindi. Kumunot ang noo ng lahat. “Paano kayo nakapunta rito? Susunduin niyo na ba kami. Nakuha na namin ang magical tree,” tanong ni Adoe. Hindi mawala ang kunot sa noo ng babae habang nakatitig sa tatlong sugo ng Emprerss. “iyon nga, kaya kami naririto dahil guato namin kayong sundion, nang sa ganoon ay hindi na kayo0 mag-alala kung paano kayo makababalik sa mundo ng Verdona,’ ani ng isang babaeng may dilaw na buhok. Hindi alam ni Elenor kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga orasd na iyon. Masama ang kutiob niya na may masa,an balak ang mga ito sa kanila. Lalo na sa magical tree na hawak ni Randal. Lumapit siya sa lalaki saka kinuha mula rito ang magical tree, hindi niya iyon ibibigay sa tatlong sugo na ito hangga’t hindi sila nakauuwi sa mundio ng Verdona. “Hindi kami naniniwala. Ibalik niyo muna kami sa mundo ng Verdona, bago ko sa inyo ito ibibigay.” Tinaasan nitya ng kilay ang tatlong sugo, iba ang nakikita niyang enosyon sa mga mata ng mga ito. Hindi naman tanga si Elenor na hindi iyon mapansin. Alam niya sa sarili na tama ang nakikita niya na emosyon sa tatl;o. hindi siya kailanman nagkamali sa pagbasa, alam niya ang lahat. Maliban na lamang sa kung ano ang tunay na rason kung bakit ng tatlong sugo na ito binabalak na kunin sa kanila ang magical tree. Kaya naman hindi niya iyon ibibgay hangga’t hindi siya nakasisigurado na sa mundo na sila ng Verdona. “kailangan muna namin iyan tingnan kung iyan nga ang tunay na magocapl tree. Baka majmaya, makabalik na tayo sa mundo ng Verdona at isa pa lang huwad ang naidala natin,” ani naman ng isang sugo na may itim na klulot na buhok. Hindi naniniwala sa palusot ng mga ito si Elenor, maliban na lamang kung papatunayan ng mga ito ang tunay na intensyon. Puno ng kasinungalingan ang pagkakabigkas ng mga salita ng sugo. Hindi satisfied si Elenor sa narinig. “Hindi ako naniniwala sa inyo. Wala naman talaga kayong balak na pabalikin kami sa mundo ng Verdona. Kung may balak talaga kayo, edi sana tinuro niyo sa amin agad doon bago kami umalis kung paano ang makagawa ng portal o kung paano ang makababalik sa mundo ng Verdona. At saka, nakapagtataka naman na naririto kayo sa kalagitbnaan ng aming misyon, nagpakita pa kayo nang nakuha na namin ang magical tree. Pwede nama pala kayo ang kumuha, bakit kami pa ang inyong binigyan ng misyon?” akusa niya sa mga ito dahilan upang matigilan ang tatlong sugo. Napangisi nang kakaasar si elenor, hindi siya makapaniwala na natumbok niya ang ego ng tatlo. Lumapit sa kanya ang mga kasama, mukhang panig naman ang mga ito sa kanyang si9nabi9. Kung sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magtataka no’n? “kaya nga binibigyan kayo ng misyon para masukat ang inyong kakayahan. Kung jkarapartdapat ba kayo na maging isang Witches,” rason naman ng babaeng mahaba ang buhok. Nang oras na iyonm, hindi na si Elenor ang sumagot kundi si Randal. Inis na inis itong nagsalita. “E, napakagago naman pala ng rason niyo. Kailangan pa ba naming patunayan ang sarili namin; ang kakayahan namin para maging isang karapatdapat na Witches? Hindi ba at tungkulin niyo naman talaga na turuan kami at hindi pagawain ng isang delikadong misyon na ikamamatay namin na hindi pa namin kaya lahat?” “Ginagawa namin iyon para mas lalo pa kayong lumakas. Hindi namin gusto na ganyan ang mangyari. Sana ay maunawaan ninyo ang lahat. Para rin sa inyo ito. Kaya huwag na kayong magtaka kung anoman,” sagot naman ng babaeng may dilaw na buhok. Kung anoman ang balaka ng mga ito sa kanila. Hindi dapat sila basta-bastang magtiwala. Mahirap na ang mawalan sila ng pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD