Chapter 7 - Not a good sign

1523 Words
Gabriel Nakaalis na kanina sina Anne at Bobby para sa honeymoon ng mga ito. Sobrang excited si Anne dahil pangarap talaga nito ang makapunta sa Europe at ngayon ay matutupad na. Tinulungan pa nila si Anne na magbukas ng mga regalo kahapon at pagkatapos ay nag-dinner silang lahat sa bagong bahay ng mga ito. Ilang buwan pa lang natapos ang bahay na pinagagawa ng mga ito pero matagal ng nabili ng mga ito ang lupa. Tatlong linggo na mawawala ang dalawa kaya naman siya muna ang in-charge sa pagpapatakbo ng Coffee Shop. Kahit pa naman noon ay tinuturing na siya ni Anne bilang Business partner nito kahit pa nga wala naman siya naiambag na kahit isang singko. Kasama siya ni Anne mula sa pagplano, pagpapagawa, pagbili ng mga gamit at hanggang sa ngayon. Malaki ang naitulong ni Anne sa kanya dahil nang matikman nito ang ginawa niyang cupcakes at brownies ay pinasok siya nito sa isang baking course. Hindi naman kasi niya afford ang mag-enroll sa ganoong kurso pero hinatian siya nito sa lahat ng gastos niya. Ayaw niyang tanggapin pero ito na mismo ang nagpa-enroll sa kanya kaya tinuloy na niya. Marami siyang natutunan na nagagamit na niya ngayon. Mostly iyong mga naka-display na pastries nila ay siya ang gumagawa. "Deb pakitawagan naman si Mrs. Julie paki-tanong kung natanggap na ba niya 'yong list ng mga order natin. Pa-check mo na rin muna ulit kay Randy at Jane 'yong list ng stocks baka may nakalimutan pa sila bago mo siya tawagan." Utos niya rito at tumango lang ito. Kasalukuyan silang nagsasagawa ng inventory sa stock room kasama si Kim nang bigla siyang tawagin ni Jayson dahil may kailangan siyang resiban. Nagtaka siya dahil wala naman siyang matandaan na expected package or delivery ngayong araw na ito. Binilinan muna niya si Kim, pinatong niya ang binder na hawak niya saka lumabas para alamin kung sino ang naghahanap sa kanya. "Para kanino naman po 'yan?" nagtataka na tanong niya nang makita ang bouquet ng red and white roses na hawak ng messenger. "Ma'am, para po kay Ms. Gabriel Gamboa," sagot nito at napakunot ang noo niya. "Pa-receive na lang po dito ma'm," sabi nito bago pa siya makapagtanong. Kahit wala siyang ideya kung kanino galing ang mga bulaklak ay tinanggap pa rin niya. Pinatong muna niya sa lamesa ang mga bulaklak saka pumirma. Pinag-cross niya ang braso sa harap niya, tinitigan niya ang mga bulaklak at nag-isip kung sino ang posibleng magbigay sa kanya noon. The last time na nakatanggap siya ng bulaklak ay more than five years ago. Imposible naman na manggaling kay Mark or Raffy dahil alam ng mga ito na ayaw niyang makatanggap ng bulaklak. Bigla rin sumagi sa isip niya na baka naman nagkamali lang ang messenger ng pinagdalhan. Pwede na ka pangalan lang niya pero naisip naman niya na pati ba address pwedeng nagkamali rin. Para matapos na ang pag-iisip niya at makabalik na rin sa ginagawa niya kanina ay kinuha niya ang card na kasama ng bulaklak para malaman kung kanino galing. 'Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen And, baby, your smile's forever in my mind and memory I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe it's all part of a plan Well, I'll just keep on making the same mistakes Hoping that you'll understand This song reminds me of you and I hope you like the flowers. - Marcus "Marcus? Sinong Marcus?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa table. Pilit niya na inaalala ang pangalan na nakasulat sa card dahil parang narinig na niya 'yon before. Ilang beses na nilipat lipat niya ang tingin sa bulaklak at card nang bigla niyang maalala ang pangalan na 'yon. Biglang lumitaw sa ala-ala niya ang imahe nito na nakangiti at napapikit siya ng mariin. Bumalik sa ala-ala niya ang eksena kung saan tinataas nito ang garter sa binti niya. Hindi niya maipaliwanag pero parang nararamdaman pa rin niya ang paglapat ng balat nito sa kanya. Nainis siya sa sarili niya dahil alam niyang may kakaiba siyang naramdaman sa oras na 'yon na hindi dapat. "Grabe ang kapal naman ng mukha niya. Walang originality!" inis na sabi niya saka pinunit ang card na hawak niya. Pagkatapos niya itong maka-sayaw ay pumunta agad siya sa labas para magpahangin dahil feeling niya ay na-suffocate na siya sa loob. Sinundan siya ni Yvette at Mark para alamin kung okay lang ba siya dahil bigla siyang nag-walk out. Nainis siya sa mga ito dahil hindi man lang siya tinulungan na makaiwas sa ganoong situation pero panay lang ang pang-aasar ng dalawa sa kanya. Doon lang din niya nalaman ang pangalan ng lalaking nakasayaw niya. Wala naman kasi siyang intention na alamin kung hindi lang nabanggit ni Yvette sa kanya. Hindi na siya bumalik sa loob at nagpaalam na sa dalawa dahil kailangan na rin niyang umuwi. Nagpasabi na lang siya sa dalawa na sabihin kina Anne at Bobby na hindi na siya makakabalik although alam na naman ni Anne 'yon. "Anong feeling niya dahil lang sa isang sayaw ay pwede na siyang magga-ganyan. Bulaklak? Ano bang inaasahan niya?" inis na sabi niya. "Kung ang inaakala niya katulad ako ng mga babaeng pinadalhan lang ng bulaklak ay mabaliw-baliw na nagkakamali siya. Napakapresko niya akala mo kung sino at manyakis pa. Gwapong-gwapo lang sa sarili ang peg? Kahit pa nga sabihin na gwapo siya at parang adonis ang katawan sorry na lang kasi walang epek sa akin," sabi niya habang nakatingin sa bulaklak. Buti na lang at hindi pa sila nagbubukas kaya wala pang customers. Tiningan muna niya ng maigi ang mga bulaklak at halata na mamahalin ang mga 'yon pero wala na siyang pakialam doon. Imbes na matuwa siya sa ginawang gesture nito ay mas lalo lang siyang nairita at hindi niya ma-explain kung bakit. Mas nanaig ang sinisigaw ng isip niya na walang magandang dala ang binatang 'yon sa buhay niya. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ang binata pero halata naman na playboy ito. May maraming bagay ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin at wala siyang panahon para sa mga ganitong bagay. "Sorry na lang kasi your not worth of my time," sabi niya habang nakatingin sa mga bulaklak. Sakto naman na lumabas si Jayson mula sa loob. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa mga 'yan," sabi niya pagka-abot dito ang mga bulaklak. "Ma'am Gabriel sayang naman po ang mga ito ang gaganda pa naman po at halata na mahahalin," sabi nito at napailing siya. "Kahit gaano pa kaganda o kamahal ng isang bagay kung hindi mo naman nararamdaman ang sincerity ng nagbigay useless lang din," sagot niya at tumango lang ito. "Makikisuyo na rin na paki-check ng mga order ni Ms. Betty for pick-up na kasi ang mga 'yon mamayang three," pakisuyo niya rito at bumalik na siya sa stock room. "Ano 'yon?" usisa ni Kim pagkabalik niya sa stock room. "Bulaklak pero wrong send," maikling sagot niya at pinagpatuloy na nila ang ginagawa. "Akala ko pa naman may manliligaw ka na Gab?" natatawang tanong nito at umiling siya. "Hay naku, wala akong panahon para sa ganyan dahil sa sobrang dami kong ginagawa," sagot niya at ito naman ang umiling. "Hay naku ka rin, napaka-boring naman ng buhay mo dahil puro ka work walang play. Subukan mo rin naman minsan ang magka-love life para naman magkaroon ng iba pang kulay ang buhay mo," sabi nito at nakangiting napataas ang isang kilay niya. "Huwag ka ng mag-alala dahil punong puno ng kulay ang buhay ko kaya hindi ko kailangan ng love life," natatawang tugon niya. "Huwag kang magsalita ng tapos Gab, baka kainin mo 'yang mga sinabi mo. Baka magising ka na lang isang araw inlababo ka na pala at kapag nangyari ' yon wala ka ng magagawa kung hindi sundin ang puso mo," kontra nito at natawa siya dahil kumanta na ito. "Kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kung hindi sundin ito. Kapag tumibok ang puso lagot ka na. Siguradong huli ka." Kanta nito gamit ang bote ng ketchup as mic at may kasama pang pag-sayaw. "Pwede ba Kim tumigil ka na dahil para kang baliw diyan. Sige na tapusin na natin ito at maya-maya lang ay magbubukas na tayo." Saway niya rito at sumimangot ito. "Opo Ms. Minchin magbabalat na po ako ng mga patatas," sagot nito at napailing na lang siya sa kalokohan nito. Ewan ba niya pero habang tinitingnan niya ang mga bulaklak ibang tao ang naisip niya. Hindi niya napigilan ang makaramdam ng sakit dahil ang taong 'yon ang una nagparamdam sa kanya ng pagmamahal pero una rin nanakit sa kanya. Bulaklak din ang lagi nitong binibigay sa kanya sa tuwing magkikita sila na hindi niya alam na ginagawa rin pala nito sa iba. Ayaw na niyang maalala ang nakaraan kaya dapat iwasan niya ang Marcus na 'yon dahil siguradong masasaktan lang ulit siya. "It's not gonna happen again," sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD