Marcus "I forgot to ask you about that girl you were eyeing in the bar last month. Did you get her name?" tanong sa kanya ni Gilbert. Katatapos lang ng meeting nila with the foreign investors at inaya siya nito na mag-lunch sila. Sa isang Japanese Restaurant sila pumunta na malapit lang sa office nila. Pagkatapos nilang mag-order ng pagkain ay nakatingin sa kanya si Gilbert na naghihintay ng sagot niya. Nakailang balik kasi sila noon sa bar kung saan una niyang nakita si Gabriel. Nagbakasali rin naman siya na tanungin ang bartender na kausap ng dalaga pero ayaw nitong ibigay kahit ang pangalan lang. Hindi niya napigilan ang mapa-ngiti nang maalala ang mga nangyari noong wedding ni Bobby. Buti na lang pala at nag-attend sila sa wedding ni Bobby dahil doon pala niya ulit makikita ang dalag

