Gabriel Pagkatapos nila na mag-inventory at ma-confirm ang mga order nila sa mga suppliers ay tumulong na siya sa paglalagay ng mga items sa showcase chiller nila. Napatingin siya sa orasan at nakita niya na past two na nang hapon kaya siguradong mag-dadami na ulit ng customers. Kadalasan kasi ay mas marami silang customers sa hapon kaysa sa umaga. Maganda ang location ng Coffee shop dahil malapit sila sa mga commercial at residential establishment. Nang una pa lang sila nag-operate ay hindi ganoon kalakasan ang store nila pero habang tumatagal ay gumaganda na ang takbo nito kaya naman naisipan ni Anne ang magpa-renovate. Napaangat siya ng tingin nang magbukas ang pinto at tinigil niya sandali ang ginagawa nang makitang si Yvette ang pumasok. Base sa nakikita niyang expression ng mukha ni

