Chapter 4 - My Best friend Wedding

2058 Words
Gabriel "Ano ba! Bakit ba kasi umiiyak kayo? Ikakasal lang ako hindi naman ako makukulong o ano pa man. Kung makaiyak naman kayo wagas," inis na saway ni Anne sa kanila habang pinipigilan nito ang maiyak na rin. After year of preparation para sa kasal nito ay heto silang apat na hindi mapigilan ang mga luha. Normal lang naman na ganoon ang maging reaksyon nila pero it was all tears of joy dahil sa sobrang saya nila para kay Anne at Bobby. Saksi silang apat sa lahat nang pinagdaanan ng dalawa at nakita rin nila kung paano pinahalagahan ng dalawa ang isa't isa. Hindi naging madali ang panliligaw ni Bobby kay Anne dahil noong una ay tutol talaga sila lalo na siya. Dumaan na kasi si Anne sa sobrang daming heartbreak kaya hangga't maari ay gusto niyang kilalanin muna ng mabuti ang mga lalaki na nanliligaw dito. By that time hindi maganda ang reputasyon ni Bobby pagdating sa mga babae. Pinahirapan niya talaga ito pero sa pagtagal ng panahon ay napatunayan naman nito sa kanila na totoo ang intensyon nito sa kaibigan nila. Sa kanilang lima siya ang may pinakamalaking issues pagdating sa usaping relationship dahil na rin siguro sa nawalan na siya ng tiwala sa ibang tao. After her most painful break up na halos ikamatay na niya ay hindi na muli siya sumubok na magmahal. Sa ngayon, kontento na siya sa pagmamahal mula sa pamilya at mga kaibigan niya. Masaya na siya kung ano man ang mayroon siya ngayon at sobrang nagpapasalamat siya. "Masaya lang kami friend para sa 'yo kasi alam naman namin kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa at matagal na ninyo hinihintay ang araw na ito," tugon ni Mark habang sumisinghot. Hindi na siya nakatiis at nilapitan niya si Anne para yakapin ito ng mahigpit. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Masaya siya para kay Anne dahil sa wakas ay magaganap na ang dream wedding na matagal na nitong pinapangarap. Hindi naman niya mapigilan ang malungkot din dahil alam niya na marami ang magbabago sa kanila. Hindi na niya ito pwedeng basta istorbohin dahil may asawa na ito. Sa lahat kasi si Anne ang pinaka-close niya at una niyang nalalapitan kapag may problema siya. Si Anne ang higit na nakakakilala at nakakaunawa sa kanya. "Finally your dream wedding is happening now. You look gorgeous right now and I'm so happy for you." Nakangiting sabi niya pagkatapos yakapin ito at tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Maraming salamat sa inyong apat dahil kung hindi dahil sa inyo I don't think my life will be this great. I'm so blessed to have you guys as my friend that love me no matter what. I may not always say this but I love you guys so much," emotional na sabi nito at nag-yakap silang lima. Sa nakalipas na ilang taon ay marami na silang pinag-samahan mula sa lungkot, problema, kasiyahan at achievement ng isa't isa. Hindi nila kahit kailan man iniwan o pinabayaan ang isa't isa lalo na sa mga panahon na kailangan nila nang kadamay. "Love you guys," halos sabay-sabay na usal nila habang magkakayakap pa rin. Sabay-sabay sila na napatingin sa pinto nang marinig nila ang pagkatok ng staff ni Yvette para sabihin sa kanila na malapit ng mag-start ang ceremony. Nagkatinginan muna silang lima saka nagkatawanan. Kinuha ni Mark ang tissue box na malapit dito at pinasa sa lahat para punasan ang mga luha nila. "Tama na nga ang dramang ito at baka masira pa ang mga make-up natin lalo na ang kay Anne." Saway ni Yvette habang inaayos ang damit nito. Sinenyasan naman ni Mark ang kilala nitong make-up artist para I-retouch ang make-up ni Anne. Lumapit din ang assistant nito para ayusin naman ang gown ni Anne pati na rin ang buhok nito. Pagkatapos masiyahan si Anne sa ayos nito ay nag-umpisa naman silang mag-picture taking kasi siguradong magiging abala na ito mamaya at hindi na nila magagawa ng kumpleto sila. "By the way I heard darating daw 'yong bagong boss ni Bobby. Ano kaya ang itsura niya?" curious na tanong ni Yvette habang tinitingnan niya ang mga picture nila sa phone ni Mark. "Buti nga mga bakla makakarating 'yon bagong Boss niya kahit short notice. Sabi kasi ni Bobby kadarating lang daw noon galing sa mother company nila from U.S. Hindi ko pa talaga siya nakikita kaya wala pa akong idea kung anong itsura niya pero naka-usap ko na siya sa phone and in-fairness naman lakas maka-gwapo ng voice niya," sagot ni Anne at halatang kinilig naman si Yvette sa huling sinabi nito. "I think today I'll meet my prince charming." Nakangiting sabi ni Yvette at natawa lang silang lahat. "I'm so excited to see the both of you dance later. Thank you talaga at napagbigyan ninyo ako ni Mark kahit last minute request," masayang sabi ni Anne habang nakatingin sa kanila ni Mark at nailing lang siya. "As if naman na may magagawa pa ako ay bawal kayang tanggihan ang requests ng bride at saka dapat mas excited ka sa kasal mo kaysa sa magiging dance number namin," sabi niya habang inaayos ang buhok niya. Sa Tagaytay ginaganap ang kasal nito dahil doon nagkakilala ang dalawa, garden wedding ang set-up kaya naman kitang-kita ang magandang view ng Bulkang Taal. Pagdating nila sa garden kung saan idadaos ang ceremony ng kasal ay agad na pumuwesto na sila, kasama si Yvette sa mga bridesmaids samantalang siya naman ay ang maid of honor. Para sa kanya the wedding was so perfect, napakaganda ng venue, simple lang pero elegante na tingnan at napaka-intimate. Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na sila na maglakad papunta sa altar. Napangiti siya sa nakikitang kakaibang kislap sa mga mata ni Bobby habang hinihintay ang bride nito. Lahat ng attention ay napunta kay Anne nang magsimula na itong maglakad papunta sa altar. "Nakakainggit naman sila Gab, sana tayo rin mahanap na natin 'yong forever natin," sabi ni Yvette habang pinapahid nito ang luha sa mga mata. Halos lahat ng tao na saksi sa seremonya ay nagpapahid ng luha dahil sa napaka-emotional na vows ng dalawa. Hindi rin napigilan nang dalawa ang maiyak habang sinasabi ang pangako para sa isa't isa at damang-dama ng lahat ang sincerity sa bawat salitang binibigkas ng mga ito. Napatingin siya kay Yvette at gusto sana niya ito na barahin pero hindi na lang siya nagsalita. Ayaw niya na sirain ang love mood nito pero para sa kanya ay hindi na siya umaasa na mahahanap pa niya ang "Forever" niya. Nagsigawan na ang lahat nang marinig ang sinabi ng pari na ''You may now kiss the bride" at mas lalo pang lumakas ang sigawan nang makitang naglapat ang labi ng newlywed. Pagkatapos ng ceremony at ng picture-taking ay pumunta na ang mga guest sa function hall na hindi naman kalayuan sa pinagdausan ng ceremony. Naiwan sandali ang pamilya ng Bride at Groom para sa family pictures. Ang company ni Yvette ang in-charge sa kasal ni Anne and as per request na rin nito. Si Yvette na ang nag-volunteer na maging hostess ng program kasama si Raffy. "May problema ba, Gab?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Mark at napabuntonghininga siya. "Wala naman kaso hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako mag-perform sa maraming tao. Kung tutuusin matagal na natin itong ginagawa pero hindi pa rin ako nasasanay." Naiiling na sabi niya kay Mark habang kumakain sila. Nagdalawang isip siya nang mag-request si Anne na sumayaw sila ni Mark sa araw ng kasal nito. Gusto sana niya itong tanggihan pero ayaw naman niyang sumama ang loob nito at saka ngayon lang ito humingi sa kanya ng pabor. Napaka-specific nang requests nito, ang gusto nitong ay sayawin nila ang piece na pinanlaban nila sa isang competition dahil ang ginamit nilang pyesa ay ang favorite song nito na "Thinking out loud" ni Ed Sheeran. Hindi na mahirap para sa kanila 'yon dahil memoryado pa naman nila ang routines kaya hindi sila nahirapan. "Akala ko naman ay kung ano na. Normal lang naman ang nararamdaman mo Gab kaya okay lang' yan. Kinakabahan pa rin naman ako kahit paano katulad ng nararamdaman mo. Remembered what I always tell you, your a good dancer and we can do this," pag-assure sa kanya ni Mark at napangiti siya. "Malapit na matapos ang mga sponsors, ready na ba kayo?" tanong ni Raffy nang lumapit ito sa kanila ni Mark. Hinawakan ni Raffy at Mark ang kamay niya at natatawa siya sa ginawa ng dalawa. Nagpunta na sila ni Mark sa backstage para magpalit ng damit. Isang plain na white short dress ang sinuot niya, tinanggal na niya ang suot na high-heels at hinayaan na lang niya na nakalugay ang mahaba niyang buhok. Nagkita sila ni Mark sa gilid ng stage pagkatapos niyang mag-ayos at hinintay nila ang introduction ni Yvette. "For the past years we had the privilege to witness the journey of two people whose love was bold and pure. We're like watching a movie in a making, from the day the both of you meets until the day Bobby proposed to you Anne and it was all written perfectly. On behalf of the four of us we are truly thankful because you let us experience this memorable and special day of your life. Anne and Bobby we wish you more blessing and happiness from the bottom of our heart," panimulang intro ni Yvette. "So as requested by our lovely bride for her wedding to be memorable and special Mark and Gabriel have something for us," sabi ni Raffy at kitang-kita nila ang excitement sa mata ni Anne. Nauna ng pumuwesto si Mark sa gitna ng dancefloor at sinenyasan ni Raffy para sa adjustment ng ilaw. Tumingin sa kanya si Yvette, hinihintay ang pag-thumbs up niya para sa pag-start naman ng music. Huminga muna siya ng ilang beses para pakalmahin ang sarili saka sumenyas kay Yvette. (Playing ??? - Thinking out loud by Ed Sheeran) Nag-sign of the cross muna siya bago dahan-dahan na naglakad papunta sa stage. Narinig niya ang malakas na palakpakan nang mag-umpisa na silang gumalaw sa dancefloor at halos katulad nang nasa original music video ay naging graceful ang mga galaw nila. Gumawa sila ni Mark ng sarili nilang steps at choreography para sa interpretation nila sa kanta. Passion na talaga nila ni Mark ang pagsayaw ever since kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil at kung may pagkakataon ay sumasali pa rin silang dalawa sa mga competition. Everytime na sumasali sila sa mga competition lagi silang napagkakamalan na mag-jowa. Iba raw kasi ang body languages at eye-contact nilang dalawa. Masyado raw kasi makatotohanan ang mga galaw nila na para naman sa kanila ay normal lang at walang malisya. Mula pa noon hanggang ngayon ay komportable na siya kay Mark kaya kampante siya na ito ang partner niya. Pagkalipas ng halos isang oras ay natapos na ang kanilang sayaw at napangiti siya nang marinig ang malakas na palakpakan ng mga guest. Pinisil ni Mark ang kamay niya bago sila mag-bow saka bumalik sa backstage para magpalit na ulit ng damit. Habol nila ang hininga pagdating sa backstage, agad naman silang inabutan nang bottled water ng isang staff ni Yvette at napahawak sila sa dibdib pagkatapos uminom. "Maraming salamat sa inyong dalawa dahil napagbigyan ninyo ako sa aking request." Nakangiting sabi sa kanila ni Anne na hindi nila napansin na sumunod na pala sa kanila sa backstage. "Maliit na bagay." Nakataas ang isang kilay na tugon ni Mark at nagtawanan silang tatlo. "You know very well that I'll do anything for you," sabi niya rito at niyakap siya nito ng mahigpit. Tinugon niya ang yakap nito at ilang sandali lang ay si Mark naman ang kasunod na yinakap nito. "Wala kayong idea kung gaano ninyo ako pinasaya ngayong araw na ito." Nakangiting sabi nito at nagkatinginan sila ni Mark saka ngumiti. Masaya siya na kahit sa simpleng paraan ay napasaya niya si Anne. Maliit na bagay lang ito kumpara sa mga nagawa nito para sa kanya. Wala siyang hindi gagawin para sa ikaliligaya ng mga taong mahal niya sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD