Chapter 3 - No WAY!!!

1674 Words
Marcus "Saan ka naman galing, Marcus?" tanong sa kanya ng kasama niya pagbalik niya sa table nila. "Diyan lang naman sa tabi-tabi. Nag-order na ba kayo guys?" nakangiting tanong niya at tumango ang mga ito. "Akala ko hindi ka na makakabalik dito sa table namin eh." biro ni Gilbert at natatawang napailing na lang siya. Pagka-upo niya ay hindi niya napigilan ang mapangiti nang maalala ang nangyari kanina lang. Mabuti na lang at mabilis ang naging response niya at nasalo niya ang dalaga kaya hindi ito natumba. Kagagaling lang niya sa banyo nang makasalubong niya ang dalaga na na-out of balance. Inaasahan siguro nito na tuluyan itong madadapa kaya mariing nakapikit ang mga mata nito nang masalo niya. Saglit niyang napagmasdan ang mukha nito habang nakapikit at nang magmulat ito ay nagtama ang mata nilang dalawa. Napailing siya dahil naalala niya ang naging reaksyon nito nang magtama ang mata nila. Hindi niya ma-explain pero may kakaiba siyang nakita sa mga mata nito na hindi pa niya nakita noon sa iba. Ayaw pa nga sana niya itong bitawan pero agad itong tumayo, nagpasalamat at nagmamadaling umalis. Hindi na niya nagawang kunin ang pangalan nito dahil nabigla rin siya sa reaksyon nito. "Sayang." bulong niya sabay tingin sa direksyon ng banyo. Galing siya sa isang conference at halos kadarating lang niya kahapon ng magkayayaan sila na lumabas ngayong gabi. Balak sana niya na hindi sumama pero dahil sa kakulitan ng mga ito ay napapayag rin siya. Ngayon lang ulit kasi sila nagkita-kita na magkakaibigan after ng ilang months. Pagdating nila kanina ng mga kaibigan niya ay napansin na agad niya ang isang dalaga na nagsasayaw sa dancefloor. Napailing na lang siya nang mapansin na may kasayaw ito at sa palagay niya ay boyfriend nito. Pero kahit pa nga na may kasayaw na ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang sulyapan ito habang sumasayaw. He found her movement so sexy and very graceful na hindi naman niya usually napapansin. Makailang beses itong napatingin sa puwesto nila at nagtama ang tingin nila. He was expecting na lalapit ito sa pwesto nila na nangyayari everytime. Medyo na disappoint siya dahil hindi ito lumapit katulad ng inaasahan niya, inisip na lang niya na baka hinihintay nito na siya ang lumapit dito. "Bro, are you still with us?" natatawang tanong ng kaibigan niyang si Gilbert at sinundan kung saan siya nakatingin. "Yes, I am." sagot niya at tumawa ito. "Kanina ka pa namin napapansin na panay ang tingin mo sa chicks na 'yon. Bakit hindi mo pa lapitan baka hinihintay ka lang." sabi ni Gilbert at sumang-ayon naman ang mga kasama niya sa table. Kaninang hawak niya ito ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito at ang maganda nitong mga mata. Wala ito masyadong make-up hindi katulad ng ibang nakikilala niya na halos hindi na niya makilala dahil sa sobrang kapal ng kolorete sa mukha. Bilugan ang mga mata nito na may mahahabang pilik-mata. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mapang-akit nitong labi na hindi niya napigilang pagmasdan kanina. "I just need to talk to someone." paalam niya sabay tapik sa likod nito nang makita niya na lumabas na ang dalaga mula sa banyo at tumuloy ito sa bar. "It's about time bro, kanina mo pa siya tinitingnan pero hindi mo naman nilalapitan. By the looks of this mukhang bukas ka na namin makikita." nakangiting sabi nito at nagkalad na siya papunta sa bar. "Can I buy you a drink, beautiful?" nakangiting tanong niya rito. Lumingon ito at nakita niya na nagulat ito nang makita siya. Sandali lang itong tumingin sa kanya saka binalik ang tingin sa bartender, naiiling na napangiti siya. Sa ginawa nito mas lalo lang siya na challenge na mas kilalanin ito. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong scenario, aware naman siya na hindi lahat ng babae ay pwede niyang makuha ng basta-basta dahil may iba na hard to get pa muna. His not complaining dahil mas nagiging exciting ang lahat and he love being challenge. As always they will starts with a couple of drinks, talk a little or flirt then after that they will end up in bed. It was like a routine for him but he do make sure that the girl don't get the idea of any future commitment and it's all just for fun. "Thank you, but Werns here is already making me one." sagot nito na hindi man lang tumingin sa kanya. "Oh i get it, the hard to get kind of girl huh." sabi niya sa sarili na mas lalong nagpalapad ng ngiti niya. Walang pasabi ay umupo siya sa tabi nito saka sinenyesan ang bartender para mag-order ng iinomin niya. Hindi naman masyadong maraming tao sa bar unlike sa dancefloor. "I'm Marcus Hernandez and you are?" friendly na tanong niya pagkatapos inumin ang alak na inabot sa kanya at inangat ang kamay para makipagkamay dito. Hindi ito sumagot at sumulyap lang sa kanya saka straight na inubos nito ang laman ng baso na hawak nito. Sinenyasan nito ang bartender na lumapit at napakunot-noo siya nang may binulong ang dalaga sa kausap nito. Pagkalipas nang ilang minuto ay umupo na ito ng maayos at nakangiting humarap sa kanya. "Thank you for saving me earlier kung hindi dahil sa ginawa mo ay for sure nagmukha akong katawa-tawa." nakangiting sabi nito at hinawakan ang braso niya. "This is it." nakangiting sabi niya sa sarili. "Sorry to say this but actually i'm not into MEN. What I mean is, we have the same type." nakangiting sabi nito sabay tapik sa braso niya at natameme siya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito dahil there's no way na tama ang sinabi nito. He was speechless for a minute habang tinitingnan ito. Maya-maya lang ay tumayo na ito at inayos ang suot na damit kaya hindi niya napigilan ang tingnan ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya mapaliwanag pero hindi siya convinced sa sinabi nito. Akmang aalis na ito nang pigilan niya ito sa braso dahil hindi talaga siya naniniwala. "WHAT? NO WAY. You been dancing with that guy and your dress is —" naiiling na sabi niya. "Well Mister Hernandez, let me tell you sometimes hindi po lahat nang nakikita mo ay 'yon ang dapat na paniwalaan mo dahil you can't judge a person just by the looks. Don't worry I usually get that kind of reaction and I understand." sabi nito at tinanggal ang kamay niya sa braso nito. "Something is not right." sabi niya sa sarili habang nakatingin sa dalaga. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ito but something telling him na hindi totoo ang sinasabi nito and this woman is just making a excuse. May part din ng sarili niya na ayaw magpatalo dahil base sa body language na nakikita niya mula sa dalaga ay malabong maging lesbian ito. Nakita niya kanina na nag-blush ito at may naramdaman siya na kakaiba ng magkalapit ang katawan nila. "Sorry, I didn't get your name?" tanong niya baka sakaling sabihin nito kahit ang pangalan lang nito pero pinag-cross lang nito ang braso at halatang hindi na gustong makipag-usap pa sa kanya. "Okay. I'm not judging you at all but my guts telling me your not telling the truth. I don't know why you have to do that or maybe this is part of your game. I'm attracted to you and I just want to know you that's all. The bottom line is I don't believe you." sabi niya at biglang lumambot ang expression ng mukha nito. "Told you it's just a matter of time." nakangiting sabi niya sa sarili. "I don't care if your attracted to me or whatever. Sorry but I really need to go, my girlfriend is waiting for me." halatang inis na sabi nito na buong diing binigkas ang salitang girlfriend bago tumalikod. Pinagmamasdan niya ito na maglakad papalayo at napangiti siya. He been with different people and he definitely sure that girl was not telling the truth. Gusto sana niya itong sundan para mas maka-usap pero pinigilan niya ang sarili. Natatawa siya sa sitwasyon niya dahil ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Napatingin siya sa bartender na kausap ng dalaga kanina at nakingiti ito na naiiling. "That was fun." nakangiting sabi niya at bumalik na siya sa table kung nasaan ang mga kasama niya. "What happened? We thought bukas na tayo magkikita?" nagtatakang tanong ni Kim at napatawa siya. "Ayaw ba ninyo ako na makasama?" nakangiting tanong niya at nagkatinginan ang mga ito na parang hindi makapaniwala. "Don't tell us you got rejected?" hindi makapaniwalang tanong ni Gilbert at naiiling na napangiti lang siya. Alam niya na pagkakaisahan siya ng mga ito dahil hindi pa ito nangyari sa kanya. Once na magpaalam siya para puntahan ang isang babae there's no turning back at sanay na ang mga ito. Mas hindi niya pwede na sabihin sa mga ito ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng dalaga. "This round is on me. We have to celebrate guys because finally Mr. Marcus Hernandez got to experienced being rejected." masayang sigaw ni Mark at nagsigawan ang lahat. "That's not what happen." natatawang depensa niya pero hindi na siya pinakinggan ng mga ito. "Forget it. Let's just drink." naiiling na sabi niya. Habang umiinom ay pasimpleng hinahanap ng mata niya ang dalaga na kausap niya kanina. Hindi siya nagpahalata sa mga kasama dahil siguradong lolokohin na naman siya ng mga ito. Ewan nga ba niya pero hindi maalis sa isip niya ang dalaga at ngayon lang ulit siya naging ganito. Ayaw pa rin tanggapin ng isip niya ang sinabi nito kanina na isa itong lesbian dahil nararamdaman niya na excuse lang 'yon ng dalaga. Naging pala-isipan tuloy sa kanya kung bakit sinabi 'yon ng dalaga. "Bakit nga kaya?" bulong niya habang pinagmamasdan ang baso na hawak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD