APSG 6

1389 Words
Third Person POV “GRETA!” tawag ni Andeng kay Greta. Nasa kusina si Greta habang si Andeng ay papasok sa kusina. “Ano ba ‘yun?” Tumunghay muna si Andeng sa niluluto ni Greta bago ito sumagot. “Wala ka bang napapansin?” tanong nito na ikina-kunot ng noo ni Greta. “Napapansin na alin?” “Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Alvin,” Napatango si Greta. ‘Yun din ang ipinagtataka niya. Tatlong araw na rin niya itong hindi nakikita simula nang huling mag-usap at napagalitan sila ng kanilang amo.’ “Hindi ko alam. Napansin ko din naman pero baka nag-leave lang?” sagot niya. “Baka nga, pero noong isang araw nang pumunta ako sa maids’ quarters ay wala akong nakita ni isang gamit ni Alvin doon.” “At bakit ka naman napunta doon, aber?” “Hinanap ko siya, may itatanong kasi sana ako kaso di ko na siya nakita at ni isang gamit niya.” “Gusto mong malaman kung bakit wala na si Alvin?” “Paano?” sagot ni Andeng. “Magtanong tayo kay Sir, ganoon lang kasimple.” sagot ni Greta. “Ayoko nga, baka mamaya mapagalitan pa ako. Ikaw na lang kung gusto mo,” “Baliw ka talaga! Tatanong-tanong ka pa, pag sinagot ka at nakahanap ng solusyon di naman gagawin.” “E baka nga kasi magalit,” “Paano mo malalaman kung di mo susubukan?” “Ay basta ayaw ko. Baka mamaya mapalayas ako nang wala sa oras.” “Wag kang baliw, Andeng. Magtatanong ka lang naman.” “Ay basta, ayaw ko pa rin. Kung gusto mo, ikaw na lang ang magtanong mamaya.” Napaikot ang mga mata ni Greta kay Andeng. Napakagulo talaga nitong kausap. Lumapit si Andeng sa lababo at sinimulang hugasan ang natirang mga gamit na ginamit niya kanina. Nagkukuwentuhan pa rin sila nang biglang may magsalita sa likuran nila na ikinairita ni Greta. “Is this how Adam trains his maids? Ang makipag-kuwentuhan sa oras ng trabaho?” may panunuya ang boses na sabi nito. Tinapos muna ni Greta ang ginagawa bago humarap sa babaeng mala-harina ang mukha. “Nakikita mo naman siguro na busy kami sa mga trabaho namin, ano? Isa pa, wala namang masama kung nag-kukuwentuhan man kami. In the first place kasi hindi naman pinagbawal sa amin iyon ng amo namin.” saad ni Greta habang naka-krus ang kanyang mga kamay sa dibdib. Nakita niya ang pagsama ng mukha nito. “Wala ka talagang modo! How dare you para sagot-sagutin ako? Dapat igalang mo ako because I’m soon to be Adam's wife!” galit na sabi nito. Napataas naman ang kilay ni Greta. “Soon pa. Soon to be his wife. At kung gusto mong igalang ka, dapat igalang mo din kami. Hindi porket girlfriend o magiging asawa ka na ng amo namin ay ganyan na ang iaasta mo. Oo, mga kasambahay lang kami dito pero marunong din kaming rumespeto sa taong irerespito din kami.” Mas lalong sumama ang tingin nito sa kanya. Parang gusto na siya nitong lamunin kailanman. Hindi ito nakapagsalita at nagdadabog na umalis. “Iba ka talaga, Greta. Akalain mo iyon? Sino ang mag aakala na kaya mong sagot-sagutin ang girlfriend ng amo natin? Grabe, iba ka talaga!” “Malamang, hinding-hindi ako papayag na apihin tayo ng kahit na sino man. Oo, mga katulong tayo dito pero nagtatrabaho tayo dito nang maayos at walang sinuman ang may karapatan na insultuhin at apakan tayo.” seryoso niyang sagot kay Andeng. ‘Never in her life na papayagan niya ang kahit na sino na umapak dahil lang sa status at trabaho na katulad ng sa kanila.’ Matapos ihain ang mga pagkain ay nakisuyo muna siya kay Andeng na ito muna ang magasikaso sa kanilang amo. Kinailangan niya kasing lumabas at makalanghap ng sariwang hangin upang mawala ang inis at ang nasira niyang araw dahil kay Zarah. Habang naglalakad siya sa may hardin, ay naisipan niyang magdilig ng mga halaman. Wala na kasing dilig-dilig simula nang mawala si Alvin. Gusto niyang tanungin ang amo niya ngunit hindi niya ito ma-tyempuhan. Napalingon si Greta at muntik na niyang mabitawan ang hose na hawak niya nang biglang may magsalita sa bandang likuran niya. “What are you doing?” tanong ng kanyang amo. Napaikot na lamang ang mata ni Greta. ‘Nagtatanong pa e nakikita na naman nito kung anong ginagawa niya.’ “Ano po ba sa tingin ninyo, sir?” balik niyang tanong dito. Nakita niya ang pagbuga ng hangin nito. “What I mean is…bakit mo ginagawa ang trabaho na hindi naman para sa’yo?” “Wala kasing ibang gumagawa, kawawa naman itong mga halaman, wala nang dilig-dilig baka mamaya malanta ang mga ‘to.” Tumingin siya dito. Hindi niya maiwasang mapatingin sa labi nito nang bigla nitong iyon basain ng dila nito. Napaiwas siya ng tingin at ibinalik na lang ulit ang atensyon sa ginagawa. “Pwede po bang magtanong?” saad ni Greta, nang malingonan niya ang kanyang amo na naka-tayo pa rin sa may gawi niya. “Bakit po pala wala na si Alvin dito? Bakit hindi ko na siya nakikita?” Lumingon siya nang hindi man lang ito sumagot. Nakita niya ang magkasalubong nitong kilay habang titig na titig sa kanya. ‘May mali ba akong nasabi?’ tanong ni Greta sa isip. “Wag niyo na lang po sagutin kung—” “Pinadala ko siya sa probinsya, sa hacienda.” Pagpuputol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Ha? Bakit naman po? May nagawa po bang di maganda si Alvin?” “Yes. He tried to steal the person I like from me kaya ko siya inilipat sa hacienda.” Nanlaki ang mga mata ni Greta sa narinig. “You mean….oh my! What in the world?” ‘Gago iyon! May gusto din pala sa mala-harina na iyon si Alvin?’ “Kawawa naman si Alvin.” biglang saad ni Greta. “He’s not kawawa, nararapat lang siyang ipadala dahil inaagaw niya ang babaeng gusto ko.” Natawa si Greta bigla. “Paano ninyo naman nasabi, Sir, na inaagaw niya ang babaeng gusto ninyo? E di ba nga girlfriend niyo na iyong mala—” napatigil siya at napalunok. Gusto niyang batukan ang sarili dahil muntik na naman niyang masabi ang salitang ‘mala-harina’. “What I mean, Sir, is si Ma’am Zarah, paano niyo nasabing inaagaw siya ni Alvin sa inyo? E di ba nga girlfriend niyo na iyon?” Napakunot ang lalo ang noo nito. Maya-maya lang ay narinig niya itong nagmumura na ipinagtaka niya. “Okay lang kayo, Sir?” “Nothing. Iwan mo na ‘yan diyan, pumasok ka na sa loob.” “Pero di pa po ako tapos, Sir.” “I need to eat, I’m hungry.” “Luto na po ang mga pagkain at nakahanda na. Si Andeng na po ang bahala doon.” “I want you there,” “Seryoso? Bakit, Sir? Magpapasubo po ba kayo?” biro pa ni Greta. Masama siyang tiningnan ng kanyang amo kaya naman napatahimik siya bigla. “Let’s go, gutom na ako.” saad nito at hinawakan nito ang kanyang palapulsuhan at hinila. Nakatingin lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. May kung ano siyang nararamdaman sa loob ng kanyang dibdib na hindi niya maintindihan. Napaangat ang tingin niya sa likod nitong malapad, gusto na lang niyang mapamura nang mag-flex ang braso nito at ang likod nitong paniguradong matigas kung mahahawakan niya. Ngunit bigla na lang siyang nabalik sa realidad. Naipilig niya ang kanyang ulo sabay hablot sa pulso niyang hawak-hawak nito. Lumingon ito sa kanya at nakakunot ang noo na tiningnan siya. “Is there something wrong?” “Wala. Hindi niyo naman po kailangang hilain ako, kaya ko naman pong maglakad mag-isa.” mataray niyang sagot. Tiningnan niya muna ang kunot nitong noo bago siya nagpatiunang pumasok sa loob ng mansyon. ########## A/N: Reminder lang po. Since student po ako, hindi ko po maipapangako sa inyo ang daily update. Nagsimula na kasi ang klase, and I’m sure na sa mga susunod na araw marami na naman kaming mga projects o school works na gagawin. Thank you, and I hope na maintindihan niyo po ako. 😊😍 Labyah! Muahhh!! 💞💞💞 Happy Reading mga beshie! 📚😊📖💖✨ Xoxo. 😘🥰😍💋🥳🤩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD