APSG 5

1542 Words
Third Person POV “ENOUGH!” Adam shouted at Zarah. He couldn’t hold back his anger anymore. “One more mistake, and I’ll kick you out of here. I don’t care if you sleep on the streets!” Zarah looked at him, confused and angry. “Are you kidding me?! Are you really going to believe that slut over me?!” “Watch your mouth, Zarah! Enough with this nonsense!” “Enough? Bakit sa akin ka galit ngayon? Hindi ba dapat sa babaeng walang modo na ‘yun ka galit, hindi sa akin! I'm your girlfriend, Adam!” “That was a long time ago, Zarah! Hindi na kita girlfriend ngayon. Remember that you are here because of my mother.” “Then why did you introduce me to them kung hindi mo na ako kinukonsider na girlfriend, huh? Ano ‘to, kalukuhan?” “Just behave yourself and don't you dare insult Greta again kung ayaw mong maranasan na matulog on the street.” Pulido ang boses na sabi ni Adam. Nakita niya ang galit nitong expression, pero hindi na niya ito pinansin at lumabas na sa kwarto nito. Bumuga siya ng hangin habang naglalakad pababa. Dumeretso siya sa kitchen; nakita niya ang kasama ni Greta, si Andeng. “Andeng,” tawag niya dito. “Where is Greta?” “Ay, sir, nasa laundry house po,” “What is she doing there?” Kunot-noo niyang tanong. “Uhmm…ano kasi…nakipagpalit po kasi muna si Greta ng trabaho kaya ayun, siya po muna ang nasa laundry house.” Tumango siya dito bago umalis. Tinahak niya ang daan papuntang laundry house. Nang makarating siya sa laundry house, nakita niya agad ang dalagang si Greta; nakita niya itong sumasayaw habang nakapikit ang mga mata. Napangiti siya; tumigil siya sa gilid ng pintuan ng laundry house at pinagmasdan itong sumasayaw habang sumasabay sa kanta. Bawat galaw nito ay napaka-smooth na akala mo’y sanay na sanay. Nakataas din ang kamay nito habang sumasabay ang katawan nito sa ritmo ng kanta, hanggang sa matapos ang kanta. Nakapikit pa rin ito nang bigla siyang magsalita. “That was a great dance; you were a great dancer,” saad niya na agad nitong ikinagulat. “Ay, pukeng gala!” hiyaw nito at nawalan ng balanse. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nilapitan at sinalo niya ang dalaga nang makita niya itong pabagsak na sa sahig. “Sir?” aniya habang nakapikit ang mga mata nito. Ramdam niya ang paghinga nitong mabilis. Subrang lapit ng kanyang mukha dito. Napatitig siya sa mukha nitong makinis at maganda; bumaba ang kanyang mga mata; agad siyang napalunok nang matitigan niya ang pinkish nitong lips na parang naka-lipstick. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha dito, at nang ilang dangkal na lang ang layo niya sa mukha nito ay saka naman ito nagmulat ng mga mata. Nanlalaki ang mga mata nito at agad siyang naitulak. “A-anong g-ginagawa ninyo?” natataranta nitong tanong, sabay layo sa kanya. “I saved you; hindi ka man lang ba magpapasalamat?” Seryoso ang boses niya at tinitigan ito. Napamura siya sa kanyang isipan nang basain nito ang sariling labi gamit ang dila nito. Inayos nito ang damit nito at pinagpagan bago sumagot sa kanya. “Bakit naman ako magpapasalamat? Eh di ba nga kayo ang dahilan kung bakit muntik na akong humalik sa sahig kanina?” sagot nito. “Isa pa, sir, kung hindi ninyo ako ginulat, hindi sana ako mawawalan ng balanse; kaya bakit ako magpapasalamat kung kayo naman ang may kasalanan?” ‘f**k!’ he cursed in his mind. He forgot that Greta was the kind of person na kahit kailan ay hindi magpapatalo, lalo na kung nasa tama ito. “So dapat pala hinayaan na lang kitang bumagsak sa sahig? Damn, I regret saving you from falling on the ground.” Iling-iling na saad niya; ngunit nakita niya lang ang pagtaas ng kilay nito. Gusto na lamang niyang matawa. Greta is Greta, at isa ito sa mga nagustuhan niya dito, ang pagiging palaban at pilya nito. “Ano po ang ginagawa ninyo dito?” she asked, looking at him, na parang walang nangyari. “Nothing.” “May pa ‘Nothing-nothing’ pang nalalaman,” bulong nito na umabot sa pandinig niya. “Umalis na po kayo kung wala rin naman po kayong kailangan,” saad nito. Iniwan siya nito at nilapitan ang laundry na tapos na. Habang nilalabas nito ang lahat ng laundry, nakita niya itong bumubulong-bulong; hindi na niya iyon narinig. Nang matapos ay bumaling ito sa kanya nang naka-kunot ang noo. “Bakit nandito pa rin po kayo?” “Uhmm…” napakamot si Adam sa kanyang batok; hindi niya alam ang isasagot kay Greta. Tumingin ulit siya kay Greta na hanggang ngayon ay naka-kunot ang noo at the same time naka-taas ang kilay. ‘Fvck!’ he wanted to go near her and hold her by the waist and kiss her; ngunit baka magulat at matakot ito sa kanya at bigla na lang umalis. “Uhmm…I came here to say sorry about what Zarah did to you earlier.” Saad niya; ngunit nakita niya ang mas lalong pagtaas ng kilay nito. “Bakit kayo ang nandito at nagso-sorry? Eh di ba dapat siya ang humingi ng ‘sorry’ at hindi kayo? Dahil siya naman itong lumapit na lang bigla at nang-akusa sa akin,” ‘She’s right,’ Adam thought. Tama naman ang sinabi nito; but knowing Zarah, alam niyang hindi rin ito magpapatalo. “Hindi ko tatanggapin ang sorry ninyo on behalf of the hari—…I mean, Zarah; basta wag na niya akong kakausapin or susubukan ang pasensya ko. Wag na niya din akong pagbabantaan or aakusahan ng kung ano-ano dahil baka di ako makapagtimpi at gawin kong totoong harina ang mukha niya,” malumanay ngunit seryoso nitong sabi. Hindi man lang ito natakot na siya ang kausap. “I’ll keep that in mind. I’ll also tell her na wag ka nang lalapitan.” Saad ni Adam. “Good. Kung ganoon, pwede na ba kayong umalis? Para naman po makapagtrabaho ako ng maayos?” Tumango na lang siya. Pinagmasdan niya muna ito saglit bago niya naisipang umalis. Dumeretso si Adam sa library sa itaas. Habang naka-upo siya at nagche-check ng mga papeles ay biglang umilaw ang cellphone niya. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nag-message; nakita niyang ang nakakababatang kapatid niya iyon. Tinawagan niya ang numero nito at ilang saglit lang ay sinagot nito ang tawag niya. “What do you want?” “Kuya, naman, ngayon lang tayo nagkausap ulit, galit ka na agad?” Saad nito sa kabilang linya. “What do you want?” Pag-uulit niyang tanong. “Ito na, sasabihin ko na. Mom asked me na sa ’yo na lang daw ako tumira this coming week. Uuwi kasi siya diyan sa Pilipinas at dahil ayaw ni Mom na gumastos ako ng malaki, ay diyan na lang niya gusto na tumira muna ako.” “No, you can’t. I’ll book you a hotel na lang; hindi ka pwedeng tumira dito sa bahay ko.” “Are you kidding me, Kuya?! Ang laki ng mansion mo pero ayaw mo akong patirahin diyan?” “Basta. Hindi ka pwede dito. Tell Mom na wala nang space pa dito sa bahay ko.” “Ku—” Agad niyang pinatay ang tawag bago pa man ito makapagsalita sa kabilang linya. Bumalik na ulit si Adam sa kanyang ginagawa nang biglang tumunog na naman ang cellphone niya. Napamura na lang siya bago sagutin ang tawag. “Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa’yo that you can’t stay in my house?!” “Watch your mouth, Adam!” Napatingin siya sa kanyang phone at agad na napa-mura ulit nang makita niyang ang Mom na niya pala ang kausap. “Adam, hayaan mo na kasi si Adrix na tumira diyan; one month lang naman, anak; hindi naman siya magtatagal diyan.” “No, Mom, wala nang spa—” Bago pa man matapos ni Adam ang sasabihin ay agad na siyang pinutol ng kanyang ina. “Anong wala nang space?! Adam, sa laki ng bahay mo, wala nang space? Are you kidding me? Or baka naman may tinatago ka diyan kaya ayaw mong patirahin ang kapatid mo diyan.” “Mom, pinagbigyan na kita na dito muna si Zarah habang inaayos ang condo niya; pati ba naman si Adrix?” “One month lang naman, anak.” Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang wala na naman siyang magagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. “Fine. Just make sure na hindi gagawa ng kalokohan ‘yang si Adrix pagdating dito.” Pagkatapos makipag-usap sa ina ay agad na rin itong nagpaalam. Siya naman ay bumalik na ulit sa kanyang ginagawa. ########## A/N: Hi mga ka-Greta! 😁 Baka mamaya magalit kayo at sabihing walang modo si Greta. 😅 Well, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na iyon ang personality niya. Sa mga ayaw sa ugali ni Greta dito sa story na ito, feel free to leave; wala naman pong pilitan ito. 😅 Sa mga gusto lang pong magbasa at kayang i-take ang ugali ni Greta, 😅😅😅 Thank you and God bless everyone! 🙌🙏 Happy Reading mga beshy 📚😊📖💖✨ Xoxo. 😘🥰😍💋🥳🤩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD