Third Person POV
HIDIN GALIT si Greta, hindi lang niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang amo niya ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang pagbawalan sa mga bagay na hindi naman parte ng trabaho niya. Nakakairita! Parang gusto na lang niyang i-mash ang kanyang amo hanggang sa maging pino ito.
“Uy, Greta, may galit ka ba d’yan sa ginagawa mo? Tingnan mo nga, mukha ng tae ‘yang mini-mixed mong pancakes kaka-halo mo.”
Agad siyang napatingin sa ginagawa niya. Gusto na lang niyang murahin ang sarili nang makita niyang hindi na pwedeng lutuin ang pancake dahil na-overmixed na ito.
“Kasalanan niya ‘to eh! Bakit ba kasi napaka-pakialamira niya? Isa pa, bakit ba big deal sa kanya ang pakikipag-usap ko kay Alvin?” Inis na sabi niya.
“Sinong kausap mo?”
“Sinong kausap ko?” pag-uulit niya. “Ito, itong gagawin ko sanang pancake ang kausap ko pero ayaw namang sumagot kaya itatapon ko na lang total wala na rin namang silbi ‘to!” galit niyang sabi, at nanggigil na itinapon ang pancake. Pagkatapos ay humarap siya kay Andeng. “Ikaw na lang ang magluto ng breakfast, palit muna tayo ngayon. Ikaw ang gumawa ng trabaho ko at ako naman ang gagawa ng sa’yo.” saad niya rito. Baka kasi mamaya maubos niya lahat ng mga pagkain kapag siya ang kumilos sa kusina. Iba pa naman siya mainis, matagal bago mawala. Tupakin din siyang tao kaya mas mabuting ang kaibigan muna niya ang gumawa sa trabaho niya.
“Oh, siya, ano nga ulit ang gagawin mo dapat ngayon?” tanong niya kay Andeng.
“Maglalaba.”
Agad naman siyang napatango at nagpaalam. Nasa malapit na siya palabas ng pintuan papuntang laundry-house nang makasalubong niya ang mukhang harina na girlfriend ng kanyang amo. Masama itong nakatingin sa kanya at para na siya nitong lalamunin kahit na anong oras.
“Hey you b***h, halika dito!” may gigil na saad nito.
Napaikot na lamang ang kanyang mga mata. ‘Ano naman kaya ang kailangan ng mukhang harina na ‘to?’ tanong niya sa isip.
“Hindi ka susunod?” may pagbabanta sa boses na sabi nito nang hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Napataas ang kanyang kilay. Siguro kung magalang lang ito, baka itrato rin niya ito ng maganda. Pero dahil sa pinapakita nitong kayabangan at kawalang-galang, parang gusto na niya itong sipain palabas ng mansion ng kanyang amo.
“At bakit naman ako susunod sa ’yo? Sino ka ba?” Mataray niyang tanong dito. Nakita niya ang nanlilisik nitong mga mata.
“You b***h! Isa kang haliparot! You think na hindi kita nakita na nilalandi mo ang fiancé ko?!”
‘Aba! At sana naman kaya niya nakita o nasagap ang maling impormasyon na iyon? Nababaliw na ba siya?!’
“You know what,” saad niya. “Mukhang mapapa-English ako nito sa galit,” bulong niya sa sarili bago harapin ang girlfriend ng amo niya. Huminga si Greta nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili. Hindi sulit ang ma-fired dahil dito, pero nakakainis ang kayabangan ng babaeng mala-harinaangmukha!
“Alam mo ikaw, hindi porket jowa ka ng amo ko, pwede ka nang umasta na parang isang hari. Hindi ikaw ang amo ko, at pwede ba, tigilan mo na ako sa makitid mong utak na kasing-kitid ng… ng daliri mo!”
‘Daliri? Tama ba ‘yun?’ tanong niya sa isip.
“How dare you! Anong karapatan mo para pagsalitaan ako ng ganyan?!” galit at nanlilisik na sabi nito. Akmang lalapit ito sa kanya nang biglang may isang baritonong boses ang nagsalita.
“What’s happening here?” napa-angat ang tingin niya sa likod ng babaeng mala-harina ang mukha, doon nakita niya ang amo niyang papalapit sa kanila.
“Hon, this b***h is trying to hurt me.” Agad na lumapit ang babaeng kaharap niya sa kanyang amo sabay yakap dito. “Sasampalin na sana niya ako kung hindi ka lang dumating,” nagpapa-awa ang boses at ang mukha na sabi nito. Gusto na lang niyang mapa-mura, napakasinungaling! Kaya siguro ito nag mukhang harina dahil sa kasinungalingan nito!
“Is that true, Greta?”
Taas-kilay siyang napatingin sa amo niya. “Kapag sinabi ko bang nagsisinungaling ‘yang malaha—I mean..‘yang girlfriend mo, maniniwala ka ba sa akin?” hamon na tanong niya sakanyang Amo. Napaikot na lang ang mga mata ni Greta nang makita niya ang mukha ng kanyang amo na seryoso. “Fine. Hindi ko siya sinaktan o tinangkang saktan. Masyado lang talagang sinungaling ‘yang girlfriend.” saad niya. “Pwede na ba akong magtrabaho ngayon, your highness?” nakapamewang niyang sabi sa kanyang amo na siyang nakatitig lamang sa kanya.
“Ano? May kailangan pa ba kayo? Do I need to explain more para lang—”
“I heard enough, you can go now.” pagpuputol nito sa iba pa niyang sasabihin. Mataray na umalis siya sa harapan ng mga ito.
“I can’t believe you! You are really gonna believe her over me?!” rinig niya ang galit na boses ng babae. Hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, at nagpatuloy na lang siya hanggang sa makarating siya sa laundry-house.
“Ang sama! Ang sinungaling!” inis na saad niya, habang nilalagay sa loob ng laundry ang mga damit ng kanyang amo, nang may panggigigil. “Akala mo maganda! Eh puro naman foundation ang mukha!”
Pagkatapos ilagay ang mga damit sa loob ng laundry ay agad niya itong pinaandar. Pagkatapos ay umupo siya sa stall chair at kinuha ang cellphone niyang luma mula sa bulsa. “Mas magandang magpa-music na lang ako para mawala ang inis at init ng ulo ko,” saad niya sa sarili.
In-open niya ang cellphone at hinanap ang YouTube; doon siya maghahanap ng kanta. “Poorita ako kaya dito lang ako pwedeng humanap ng kanta,” saad niya ulit sa sarili habang nag-scroll down. “Ano kayang magandang kanta?” nag-scroll down pa siya. Agad siyang napaikot ng kanyang mga mata nang makita ang kantang ‘PALAGI’. “Wala naman akong kapalagi, kaya wag na lang ‘to,” parang tanggang kausap niya sa sarili. Nag-scroll down ulit siya; agad siyang napangiti nang makita ang trending na kantang ‘I LOVE YOU’ “Ganda nito,” saad niya. ‘Yun ang napili niyang ipatugtog. At habang naka-play ang kanta, ay sumasabay siya.
…I must be crazy now. Maybe I dream too much. But when I think of you I long to feel your touch…
…To whisper in your ear words that are old as time. Words only you would hear if only you were mine…..
Nag-umpisa na siyang kumanta. At dahil ginaganahan siya sa kanta ay tumayo at isinayaw ang sarili. "Sheyt, dapat pala may partner ako dito," bulong niya sa hangin, sabay hagalpak ng tawa. Napailing siya. "Ang ganda ng kanta, sayang wala akong kasayaw." nag-umpisa na naman ulit siyang sumabay sa kanta habang sinasayaw ang sarili, ang mga paa niya ’y sumasabay sa ritmo. Para siyang nasa sarili niyang mundo.
…I wish I could go back to the very first day I saw you.
Should’ve made my move when you looked in my eyes.
‘Cause by now I know that you’d feel the way that I do.
And I’d whisper these words as you’d lie here by my side…
At habang sumasayaw si Greta, napapikit pa siya. Sa sobrang pagka-enjoy, ay hindi man lang nito namamalayan na may nakamasid na pala sa kanya, na palihim na pinapanood ang bawat galaw niya.
Pabalik-balik na ang chorus, natapos na lang ang laundry ni Greta, ngunit dahil sa nag-eenjoy siya ay patuloy pa rin siya sa pagsayaw habang sumasabay pa rin sa kanta. Nakapikit ang kanyang mga mata, ang mga kamay ay nakataas, sumasabay sa ritmo. Biglang nawala ang init ng ulo niya kanina; napalitan ng kakaibang gaan ng pakiramdam. Ngunit agad siyang napatigil sa pagsayaw at pagkanta nang biglang may magsalita.
“That was a great dance, you were a great dancer,” saad ng boses dahilan upang mawalan siya ng balanse. Napatili si Greta! "Ay, pukeng gala!" napapikit na lamang siya, inaasahan niyang babagsak siya sa sahig; ngunit hindi iyon nangyari, nang biglang may mga matitigas na braso ang sumalo sa kanya. "Sir?” 'sino ‘yun?' Bulong niya sa sarili, ang puso ’y mabilis ang t***k. Naramdaman niya ang init ng mga braso na nakahawak sa kanya, at ang mabilis na t***k ng kanyang puso ay tila sumasabay sa kanyang pagkabigla.
Xoxo.🥰😍😘
A/N: Hi 👋😊 Sorry for the delayed update! I'm a working student po, and I can't promise na makakapag-update ako ng sunod-sunod or araw-araw, especially now that classes are starting. Nasa enrollment po ako for ilang days and nag-asikaso po ako ng mga papers ko kaya di po ako nakapag-update. 😊 Thank you for understanding! 😊💖🥰😍 I hope you like this chapter! 💖🎉🥳 Thank you everyone and God bless you! 🙏😇✨🌟💖💜