APSG 3

1535 Words
Third Person POV KINABUKASAN, maagang nagising si Greta. Hindi lang basta maaga, halos sabay pa silang nagising ng alarm clock niya. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago siya bumangon mula sa kama. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa banyo para maligo at makapag-ayos. Pagkatapos ng kanyang morning routine, nagtungo siya sa kusina at sinimulan ang paghahanda ng umagahan para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Hotdog at itlog lamang ang kanyang hinanda, kasama ang fried rice. Habang nagluluto, napansin niya ang isang maliit na plorera na may tuyong bulaklak. Naalala niya ang kanyang ama at ang hilig nitong mag-alaga ng mga halaman. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago niya ipagpatuloy ang pagluluto. Nang matapos, inayos niya ang mesa, bago niya tawagin ang kanyang ina. “Anak, Greta, maayos ba ang pagtrato sayo ng amo mo sa pinagtatrabahuhan mo?” tanong ng kanyang ina, habang kumakain sila. “Oo naman po nay, mabait po ang amo ko. Kaso lang po ngayon ay nasa bahay po niya ang kasintahan nito.” sagot niya. Wala namang problema kay greta kung nasa bahay ng boss niya ang kasintahan nito, ngunit naiirita siya kapag nakikita ang babae. “Oh, wala naman sigurong problema iyon, anak. Isa pa kasintahan naman pala ng iyong amo ang pintira niya ngayon sa bahay niya.” sagot ng kanyang ina. Napasimangot naman si greta. “Wala naman po talagang problema, nay.” “Ayon naman pala. Pero bakit nakabusangot ang mukha mo?” Bumuntong-hininga siya. “Masyado po kasing mapangmata ang babaeng ‘yun eh. Nagaastang amo namin kahit hindi pa umaabot ng ilang araw.” Katahimikan ang namutawi sa mag-ina. Puro kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Maya-maya lang ay nagsalita ang ina ni Greta. “Pagpasensyahan mo nalang anak, wala naman din tayong magagawa pag dating d'yan lalo na at kasintahan ng amo mo ang babae. Minsan kasi anak, hindi natin maiiwasan ang mga ganoong bagay lalo na sa katayuan natin sa buhay. Minsan kailangan nating pakitunguhan ng maayos ang mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Isipin mo na lang na pansamantala lang ang lahat ng ito.” Napatango si Greta sa mga sinabi ng kanyang ina. Tama ito, kailangan niyang makitungo muna sa babaeng girlfriend ng kanyang amo, total pansamantala lang naman ‘yon. Nagpatuloy sila sa kanilang pagkain. Ngunit hindi na gaya kanina, mas magaan na ang pakiramdam ni Greta, at masaya ang agahan nila. Nang matapos nilang kumain, nagligpit na si Greta ng pinagkainan nila. Naghugas ng mga plato at siniguradong malinis ang loob ng bahay, bago siya magpaalam sa kanyang ina. “Mag-iingat ka, anak. Tandaan mo palagi ang lahat ng payo ko sayo, dahil lahat ng iyon ay makakabuti para rin sa sarili mo.” Nginitian niya ang kanyang ina, "Salamat po, Nay. Aalis na po ako.” “Sige anak, mag-iingat ka.” Pagkatapos ay umalis na siya, upang makarating ng maaga sa kanyang trabaho. Nang makarating siya sa mansyon ng kanyang amo, nakita niya ang isang hardinero na si Alvin. Masaya itong nagdidilig ng mga halaman habang kumakanta-kanta. Kaidararan niya lang din ito, masipag rin ito at may angking kagwapuhan. “Uy, mukhang fresh tayo ngayon ah,” biro ni Alivin ng makita nito si Greta. Nakita niya pa itong namula na ng bahagya ang pisngi na parang nahihiya. “Baliw! Nakatulog lang ako ng mahimbing kagabi kaya ganito ang itsura ko,” tugon naman ni Greta, at tumigil saglit upang makipag-kwentuhan muna. Maaga pa naman, at sigurado siyang tulog pa ang kanyang amo ngayon lalo na at nandito ang kasintahan nito. “Alam mo, ang ganda mo. Mas maganda ka pa nga don sa kasintahan ng amo natin eh,” natawa naman siya at biglang namula ang kanyang mga pisngi. “Baliw ka talaga! Alam kong maganda ako kaya hindi mo na kailangan pang ipangalandakan pa,” biro niya kay Alvin, ngunit may kaunting kilig sa kanyang tinig. Napansin niya ang pag-iwas ni Alvin ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon. Natawa naman ang binata, isang tawa na medyo nauutal at halatang pinipigilan ang kaba. Ang hindi alam ni Greta, ay merong tinatagong pagtingin sa kanya si Alvin ngunit natatakot itong mag-tapat ng nararamdaman dahil takot itong ma-reject at masira ang kanilang pagkakaibigan. Ang pagtawa niya ay paraan din upang itago ang kanyang kaba. “Siya nga pala, greta.” aniya ni alvin. “Ma-may m-manliligaw ka ba?” napapalunok na tanong ni Alvin kay Greta, habang ang atensyon nito ay nasa hose parin. Takot siyang tingnan ang dalaga dahil nahihiya siya. “Sa totoo lang… wala pa,” sagot ni niya. “Hindi ko alam kung bakit. Maganda naman ako, mabait, at masipag… pero ni isa wala akong manliligaw. Siguro may mali sa akin?” hindi naman siya naghahangad na magkaroon ng manliligaw, nagtataka lang talaga siya. “Baka kaya ka walang manliligaw dahil puro trabaho nalang ang inaatupag mo?” saad naman ni alvin. Natawa naman si Greta, tama nga naman. Bakit pa nga ba siya magtataka na wala siyang manliligaw eh bahay at trabaho lang naman ang inaatupag niya. Natawa siya ng bahagya, isang pagtawa na may halong pagkairita sa sarili. “Tama ka. Siguro kailangan ko ng lumabas paminsan-minsan para naman makahanap ako ng pwede kong maging jowa!” natatawang saad niya, ang mga pisngi niya ay namumula na dahil sa pagtawa. “23 na rin ako, malapit na akong mawala sa kalendaryo! Kaya siguro kailangan ko nang maghanap ng jowa. Or di naman kaya sa online nalang ako maghahanap ng… afam!” dagdag niya pa, ang huling salita ay binigkas niya ng may pagbibiro at pagkapilyo. Biglang natawa ng malakas si alvin. Napakamasayahin talaga ni greta. Nakakawala din ito minsan ng stress, pero may pagka pilyo rin ito. Kaya naman natutuwa siya dito at ayun nga hindi niya namalayan na nahulog na pala ang loob niya sa dalaga. “Greta,” Napatigil si Greta, sa kanyang pagtawa. Tiningnan niya si Alvin, at may nakita siyang pag-aalinlangan sa mga nito. “Pwede ba kitang yayaing makipag—” Ngunit hindi natapos ni Alvin ang sasabihin ng may isang baritonong boses ang nagsalita sa bandang likuran nila. Pareho silang napalingon ni Greta. “You should be inside now doing your job, what are you still doing here outside?” sabi ng kanilang amo, ang boses ay matigas at puno ng awtoridad. “Pasensya na sir.” saad ni Alvin, at bahagyan yumuko sa kanilang amo. Habang si greta naman ay nakatitig lang sa amo niyang hindi maipinta ang mukha na ipinagtaka niya. “Mamaya nalang ulit ha?” Nakangiwing saad ni Greta, kay alvin na siya namang tinanguan ng binata. “Why are you talking to that guy?” tanong ng amo niya habang papasok sila sa loob ng kabahayan. Ang tono nito ay matigas at may bahid ng…pagka disgusto? Nagtataka siyang lumingon. ‘Bakit parang may hindi maganda sa paraan ng pagtatanong ng kanyang amo?’ Parang may something na hindi niya maintindihan. “Sir, teka lang po.” Tumigil si Greta, dahilan upang mapahinto rin sa paglalakad ang kanyang amo. Bahagyang nanginginig ang boses niya, pero determinado siyang ipaliwanag ang sarili. “Bakit niyo po ba tinatanong ‘yan? Isa pa po, wala naman pong masama kung makipag-usap ako kay Alvin. Kaibigan ko rin naman po siya, at siguro naman po ’y labas na sa trabaho ko ang pakikipag-usap sa mga kaibigan ko sa labas ng oras ng trabaho. Isa pa po, wala naman po kaming ginagawang masama.” Inis na saad ni greta, sa kanyang amo. Nakatitig lamang ito sa kanya. Ang expression nito ay hindi nagbago. “From now on hindi ka na makikipag-usap sa lalaking ‘yun.” Maawtoridad na sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tumingin sa amo niya. “Seryoso? Bakit? Ano po bang ginawa ko? Ano pong ginawa ni Alvin? Wala naman po ah, wala naman po kaming ginagawang masama kaya bakit po hindi na kami pwedeng mag-usap? Bakit hindi ko na siya pwedeng makausap?” sunod-sunod na tanong niya. “He likes you, that's why you can't talk to him anymore!” “Ano naman ngayon kung may gusto sa akin si Alvin? Wala namang masama dun, single siya single din ako, kaya walang masama dun,” sagot niya. ‘Ano bang problema nito, at parang nagaalburo ito dahil sa lang sa may gusto daw sa kanya si alvin?’ Isa pa, ano naman ngayon kung gusto nga siya ni alvin? Single naman si Alvin, single rin naman siya kaya walang dapat ikabahala dahil pareho silang single. “Just do what I say. Kapag sinabi kong hindi ka makikipag-usap dun sa lalaki, hindi ka makikipag-usap. Do you understand?” Ang boses ng kanyang amo ay matigas, puno ng awtoridad, at may bahid ng pagbabanta. Ngunit dahil siya si Greta, ay hindi siya natakot. “Bahala kayo, basta ako gagawin ko kung ano ang gusto ko. Katulog niyo ako dito, pero hindi ibig sabihin nun na pwede niyo nang diktahan ang mga bagay na gusto ko lalo na ang buhay ko.” saad niya sa matatag na boses, at iniwan ang kanyang amo. ########## My GRETA hahahahaha 😆 Happy Reading mga beshy 📚😊📖💖✨ Xoxo. 😘🥰😍💋🥳🤩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD