Third Person Pov
“ANONG NANGYARI sa ‘yo?” Tanong ni Andeng, kay greta ng makita niya itong nakatanga lamang sa may lababo habang naka bukas ang tubig.
Dahan-dahang binaling ni greta ang tingin kay Andeng, “Inlove yata ako kay sir,”
Agad namang binatukan ni Andeng si greta “Gaga! Anong in-love, in-love pinagsasabi mo dyan? Gusto mo bang masisante kapag narinig ka ni sir?”
“Ito naman, hindi mabiro!” Saad niya sabay patay ng tubig. Naglakad siya patungong lamesa at umupo doon. Tapos na siyang magluto ng panghapunan kaya malaya na niyang gawin ang gusto niya. “Malamang hinding-hindi ako maiinlove sa sir natin, noh.”
“Dapat lang ‘no, kasi langit siya at lupa ka.”Saad nito kay greta at umupo sa harapan. “Isa pa, may kasintahan na si sir, kaya wag ka nang mangarap dyan.”
“Alam ko yun, ang pangit nga ng taste niya kasi mukhang puro harina ang mukha nung babae.”
“Shhh! Tumahimik ka nga! Hinaan mo ang boses mo, at baka bigla nalang sumulpot ang babaeng yun,” Saway ni Andeng sa kanya. Tumawa lang naman siya.
“Tumigil ka nga! Kapag tayo na sisante malalagot ka talaga sa akin,” Saway ulit ni Andeng.
"Eh kasi naman, Andeng, eh!" Depensa niya, patuloy pa rin sa pagtawa. "Ang pangit kaya nung babae! Para siyang…ano…mannequin na nasirnan ng pintura!”
Agad na tumayo at tinakpan ni Andeng ang bibig ni Greta, ng makita nito sa may entrance ang amo kasama ang kasintahan nito. Tumingin si Andeng sa mga mata ni greta at sininyasan ito na tumigil sa kakatawa ngunit patuloy pa rin ito sa pagtawa ng mahina. Napailing na lamang si Andeng at mas hinigpitan pa ang pagkakatakip sa bibig ni Greta. Saka lang niya ito binitawan ng makalapit na sa kanila ang amo at ang kasintahan nito.
“What are you two doing? Hindi ito ang oras para mag tawanan at magkwentuhan,” Saad ng babae kina Andeng at greta.
Napatayo nama ng tuwid si Greta, nakita niya ang kanyang amo na nakatingin sa kanya ng mataman. Pagkatapos ay bumaling si greta sa babae. “Pasensya na po, Madame, ang akala kasi namin ay hindi pa kayo bababa,” Saad ni Greta. “Ihahanda na po namin ang pagkain niyo,” Saad ulit nito at hinawakan si Andeng sa braso at hinila paalis sa harapan ng mga ito.
“Himala yata at naging mabait ka ngayon,” Bulong ni Andeng, bahagya pang natatawa. “Kanina lang tawa ka ng tawa tapos nilait mo pa yung babae—tapos ngayon… ang bait-bait mo.”
“Ano ka ba! Charr charr lang ‘yun kanina. Isa pa, plastik naman ang babaeng ‘yun, kaya dapat maging plastik din tayo sa kanya.”
“Gaga ka talaga!” Natatawang sabi ni Andeng, at umiling-iling.
“Matagal na,” Sagot ni Greta, sabay ngisi..
Kumuha ng dalawang plato si Greta, habang si Andeng naman ay kumuha ng mga kubyertos. Inihanda rin nila sa lamesa ang mga pagkain niluto niya kanina. Nang matapos ay sabay na tumayo si Andeng at greta sa gilid ng lamesa tahimik na naghihintay sa kung ano man ang iuutos ng amo nila.
“Greta, Andeng, sumabay na kayo sa ‘min,” Saad ng amo nilang si Adam.
“No,” Ang kasintahan ni Adam ang sumagot. “They can’t join us; maids don’t join their employers,” Dag-dag pa ng babae.
Napataas naman ang kilay ni Greta. Kung alam lang ng babaeng ‘to na sabay na kumakain si greta at si adam noon ay baka naglupasay na ito sa selos.
“Hindi na po sir, kumain na po kami ni Andeng, kaya busog pa po kami.” Magalang ngunit nakataas ang kilay na sagot ni greta.
“You mean….mas nauuna pa kayong kumain sa amo niyo?” Hindi makapaniwalang sabat na naman ng babae. Tumingin ito kay Sir Adam, ang mukha ay puno ng disgusto. “Bakit mo pinapayagan mo ang ganito? They should always remember na dapat amo ang mauunang kumain kisa sa mga MAID!” Mariin nitong diniinan ang huling salita, ang mga mata ay nanlilisik.
“Zarah, that's enough.” Matigas ang boses nang amo nilang si Adam. Tumingin ito sa direksyon nina Greta at Andeng, ang ekspresyon ng mukha ay humihingi ng paumanhin.
Umalis sina Greta at Andeng sa harapan ng dalawa ng senyasan sila ng amo nila na umalis muna.
Nang makalayo na sila ng bahagya, huminga ng malalim si Greta. “Arte nang babaeng ‘yun huh! Pag ako tuluyang nainis, iingungud ko talaga ang mala-harina niyang mukha sa harina!” Inis na sabi ni Greta na ikinatawa ni Andeng.
“Oo nga, masyadong mapangmata,” Sagot naman ni Andeng, pinupunasan ang noo gamit ang likod ng kamay. “Pero teka lang, bakit naman sa harina mo naisipan na iingungud ‘yun kapag nagkataon?”
“Para madagdagan ang mala-harina niyang mukha!” Sagot ni Greta. Nagtawanan ang dalawa na parang tuwang-tuwa sa naisip, ang inis kanina ay napalitan na ng magaan na usapan.
Nagtungo ang dalawa sa pool area, ang malamig na simoy ng hangin ay nakakawala ng init sa kanilang mga katawan. Umupo sila sa mga silyang nakapalibot sa pool, ang mga ilaw sa paligid ay nagbibigay ng malambot na liwanag. Marami silang mga bagay na napag-usapan—mula sa mga nakakatawang pangyayari sa araw na iyon hanggang sa mga pangarap nila sa hinaharap. Wala na rin naman silang trabaho dahil gabi na, ang katahimikan ng gabi ay nagbibigay ng isang kakaibang katahimikan. Mamaya naman ay uuwi si Greta sa bahay nila dahil stay–out lang naman siya. Wala kasing magbabantay sa kanyang ina na hindi na nakakalakad kaya kailangan niyang umuwi para maalagaan, lalo na sa madaling araw kapag gigising ito.
“Uuwi ka na ba?” Tanong ni adam kay Greta, ng nasa may pintuan na ito.
“Yes, sir. Bakit po? May kailangan pa po ba kayong ipagawa sa akin?”
Agad naman na umiling si Adam, bilang sagot. “Mag-ingat ka sa pag-uwi, Greta,” Aniya.
“Salamat sir.” Ngiting sabi ni Greta, sabay paalam ulit.
Naglalakad na si Greta, palabas ng gate ng bigla niyang marinig ang boses ng kanyang amo na tinawag ang kanyang pangalan.
“Greta!”
Agad na napalingon si Greta. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang papalapit sa direksiyon niya ang kanyang amo na si Adam. Ang bilis ng mga hakbang nito ay tila may mahalagang sasabihin.
“May nakalimutan po ba kayong iutos sa akin, Sir Adam?” Tanong niya, ang boses ay kalmado at naghihintay.
“No. Ahmmm…..I–I just want to say….ahmmm…fuck!” Napakunot lalo ang noo ni Greta. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagmumura sa harapan niya.
“My problema po ba sir?”
“Nothing.”
“O-okay,” Sagot na lamang ni Greta.
“Pwede na po ba akong umalis?” Paalam niya.
“No.” Agad na sagot ni Adam. “I mean…ihahatid na kita, baka kung mapano ka pa sa daan.” Saad nito, sabay marahang hinawakan ang kanyang braso at hinila siya papunta sa sasakyan nito. Wala nang nagawa si Greta, lalo na ng ipasok siya nito sa loob ng sasakyan.
Napatingin si Greta sa labas ng bintana ng sasakyan ng papalabas na ito. Doon ay nakita niya si Zarah, ang babaeng mala-harina ang mukha na galit na nakatingin sa dereksyon nila ni Adam. Hindi niya mawari kung bakit ito galit e ihahatid lang naman siya ng amo niya.
Habang nasa sasakyan ay tahimik silang pareho, ang tanging maririnig lang ay ang mahinang pag-usal ng makina at ang paminsan-minsang pag-click ng signal lights. Ang tensyon sa pagitan nila ay makapal na tila isang nakaharang na pader. Nang makarating sila sa bahay ni Greta, hindi agad nakapagsalita si Greta. Para bang nabingi siya sa biglang katahimikan matapos ang nakaka-presyong byahe. Tumingin siya sa kanyang amo na si Adam, nakatitig ito sa kanya, ang mga titig nito ay puno ng isang emosyong hindi niya mawari.
“Sir?” Pukaw niya sa kanyang amo, na tila walang balak na palabasin.
“Y–yeah?” Sagot nito at narinig ko ang mahinang pagmumura nito.
“Ahm…hindi po ako makalabas, naka locked,” Ngiwing sabi ni Greta.
“Oh, I’m so sorry,” Saad nito, ang boses ay may bahid ng pagkailang, at may pinindot siyang isang bagay sa may gilid nito upang mabuksan ang pintuan ng sasakyan.
“Salamat po, sir.” Saad niya at lumabas na ng sasakyan. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, lalo na kanina habang magkaharap pa sila ng kanyang amo
Pagpasok niya ay agad niyang isinandal ang kanyang likod sa pintuan, pagkatapos ay ipinatong niya ang kanyang kamay sa tapat ng kanyang dibdib na mabilis ang pagtibok. Para bang may maliit na ibon ang nagwawala sa loob ng kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili, ngunit ang kanyang puso ay patuloy pa ring tumitibok ng mabilis.
“Kalma ka lang, heart. Hindi ito ang unang beses na hinatid ka ng amo mo kaya hindi ka dapat tumibok ng ganito.” Saad niya sa kanyang sarili habang hinahaplos ang dibdib, sinusubukang pakalmahin ang mabilis na t***k ng kanyang puso.
Huminga siya ng malalim bago, umalis sa pintuan at tinungo ang silid ng kanyang ina.
##########
Happy Reading mga beshy 📚😊📖💖✨
Xoxo. 😘🥰😍💋🥳🤩