APSG 1

1573 Words
Disclaimer: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Author/Note: Please be mindful with your opinions/comments. If you find this toxic, ugly, disturbing or unworthy, you are free to remove this from your library. My characters aren't perfect nor my stories. I'm writing this story to share my passion for storytelling, and all I am asking is respect. And again, this is just a FICTION. Thank you! 🥰🥰🥰 ×××××××××× "NAY, AALIS na po ako!" Sigaw ni Greta sa kanyang ina nang nasa labas na siya ng pintuan ng kanilang bahay. Babalik na siya sa trabaho niya dahil tapos na ang kanyang day-off sa araw na ito. Masungit pa naman ang kanyang boss na ubod ng gwapo ngunit mukhang pinaglihi sa ampalaya. "Mag-iingat ka anak, huwag tatawid sa daan kung may sasakyan!" sigaw pabalik ng ina ni Greta. Natawa na lang si Greta dahil sa nanay niya. Nang makaalis si Greta ay agad siyang sumakay sa tricycle. Nagpahatid siya sa driver hanggang sa sakayan ng mga jeep. Mahirap lang ang buhay ni Greta, wala na ang ama niya at ang nanay na lang niya ang kasama niya sa buhay. Hindi rin siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan, lalo na at ang kanyang ina ay isang baldado at hindi na ito nakakapaglakad. Kaya naman si Greta ang bumubuhay sa kanyang ina. Nag-iisang anak lang siya kaya ang responsibilidad ay sa kanya napunta. Wala naman siyang problema doon, lalo na at nanay naman niya ang inaalagaan at hindi ibang tao. "Greta, alam mo na ba?" Salubong na tanong ni Andeng nang makapasok si Greta, sa loob ng bahay na kanyang pinagtratrabahuan. "Ang alin?" "Darating daw ang girlfriend ng amo natin, at dito raw mananatili," Aniya ni Andeng. "Anong problema doon?" sagot ni Greta. "Gaga!" turan ni Andeng. "Masungit daw at mapanglait ang babaetang iyon kaya dapat mag–ingat daw tayo." Napataas ang kilay ni Greta sa narinig. ‘Ano naman ngayon kung maldita at mapanglait ang babaeng iyon?’ "Kailan daw darating?" Tanong ni Greta. "Mamayang hapon. Kaya nga maagang umalis si sir para sunduin ang babaetang iyon eh," Sagot naman ni Andeng. Gustong batukan ni Greta ang kasamahan, ngayon pala darating hindi agad nito sinabi. Napailing na lang siya at naglakad papunta sa kusina upang magtimpla ng kape. “Greta, paano kung pagdating ng girlfriend ni sir ay laitin tayo?” Nag–aalala na tanong ni Andeng. “Bakit naman niya gagawin iyon?” “Kasi nga diba, mapanglait at masungit daw ang babaeng iyon ayon sa kwento ng ibang kasamahan natin dito, kaya paano nga kung gawin iyon ng girlfriend ni sir?” “Eh ano naman kung laitin niya tayo? Hindi naman tayo magpapaimpress sa kanya. Trabaho lang ang ginagawa natin dito,” Sagot ni Greta habang naglalagay ng kape sa kanyang baso. “At saka, kung masungit siya, problema niya ‘yon. Hindi naman natin kailangang magpakumbaba para lang sa babaeng iyon.” Hindi na lang sumagot si Andeng, alam niya kasing palaban at pilyo itong si Greta. Umalis na lamang siya sa kusina upang makapag-handa. Maglilinis na lamang siya para malinis ang buong kabahayan kapag dumating na ang kanilang amo. Magtratrabaho na lamang siya ng maayos, kailangan niya ng pera para sa kanyang anak kaya hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Napabuntong-hininga siya at nagsimulang maglinis ng sala. ‘Sana lang ay maging mabait ang girlfriend ng amo nila. Sana lang ay hindi ito mapanglait at masungit katulad ng sinasabi ng ibang kasamahan nila.’ Nabitawan ni Greta ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw mula sa pinto ng kusina. Nagluluto kasi siya ng adobong manok para pagdating ng amo nila ay handa na ang pagkain. Ito kasi ang paborito ng amo nila kaya ito lagi ang niluluto ni Greta. "Greta!" “Nabuang ka naman siguro, uy!” Aniya ni Greta kay Andeng. Muntik na kasi siyang mabingi dahil sa sigaw nito. “Bakit ka ba sumisigaw?” “Uy, Greta! Nasa labas na si Sir! At kasama niya ang girlfriend niya!” Napatalon si Greta sa gulat. “Ha? Eh, diba mamayang lunch pa ang dating nila?” “Hindi ko rin alam. Basta nandyan na sila sa garahe.” “Nakita mo ba ang mukha ng girlfriend ni sir?” Tanong ni Greta. “Hindi pa. Nakatalikod kasi iyon kanina nang makita ko sila.” Napatango naman si Greta. Tinapos niya ang kanyang ginagawa at inayos ang kanyang sarili bago siya lumabas sa kusina para salubungin ang kanilang amo. Nang makarating sila sa sala, nakita nila ang amo nila na nakaupo sa sofa, at katabi nito ang isang babaeng naka-sunglasses na akala mo ’y maarawan. Napakunot ang kilay ni Greta nang tanggalin ng babae ang shades nito. Mukhang ayos naman ang mukha, pero bakit parang puno ng foundation ang mukha nito. "Greta, Andeng, meet my girlfriend, Zarah," pakilala ng amo nila. “Dito muna siya mananatili hangga’t hindi pa maayos ang condo niya.” “Greta po,” Saad ni Greta sa babaeng girlfriend ng kanyang amo. Tinanggal ng babae ang sunglasses at tumingin kay Greta ng masama. Nagtaka naman si Greta nang mapansin iyon. “Can I go to your room now, hon?” Saad ng babae sabay baling sa amo nila. Hindi man lang ito nagpakilala ng maayos, napaka-arte pa. “You can go to your room now,” Saad naman ng amo nila, na nagpakunot ng noo ng babaeng puno ng harina ang mukha. “Greta,” Nabaling ang atensyon ni Greta sa amo nila. “Sir?” “Handa na ba ang kwarto ni Zarah?” Napataas ang kilay ni Greta. “Bakit po ako ang tinatanong ninyo? Diba po dapat ang taga-linis ng mga kwarto ang tinatanong ninyo?” Malditang sagot ni Greta. Hindi naman siya ang naka-assign sa paglilinis ng mga kwarto dahil sa kusina siya naka–assign at siya ang taga-luto. Napatingin si Greta kay Andeng, nang sikuhin siya nito sa tagiliran. “Bakit?” Tanong ni Greta. “Huwag kang sumagot ng ganyan, baka mamaya mawalan ka ng trabaho bigla.” Napataas ang kilay ni Greta. “Bakit naman ako mawawalan ng trabaho? Wala naman akong ginawang masama, isa pa hindi ko naman talaga trabaho ang maglinis ng kwarto kaya—” Hindi natapos ni Greta ang iba pa niyang sasabihin nang sumabat sa usapan ang babaeng puno ng harina ang mukha. “Even if you’re not the one assigned to that job, you should still know because you’re a maid too!” Agad na tumaas ang kilay ni Greta, sa narinig. English ang lengguwahe na ginamit ng babaeng mala–harina ang mukha, ngunit naintindihan iyon ni Greta. “Alam mo ikaw, huwag kang umasta na parang ikaw ang amo namin,” Saad ni Greta sa babae. “Dahil hindi naman ikaw ang amo namin. Isa pa hindi ikaw ang nagpapa sweldo sa amin para ganyanin mo kami.” Napanganga naman ang babae sa inasta ni Greta. Hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. “And one more thing, I’m not talking to you, so you have no right to interrupt.” Dagdag pa ni Greta na mas lalong nagpa-awang sa bibig ng babaeng si Zarah. “Ayan, English na iyon, sana naman naintindihan mo!” Saad ni Greta sabay alis sa harapan ng kanyang amo at ng girlfriend nito. “Walanghiya! Kala mo naman maganda e puro naman harina ang mukha!” Bubulong-bulong na sabi ni Greta habang papasok siya sa loob ng kusina. “Napaka-pangit naman pala ng taste ng amo ko,” Umiiling na dagdag niya pa. Ang hindi alam ni Greta ay nasa likod na pala niya ang kanyang amo, nakikinig sa lahat ng binubulong nito. “What did you say?” Agad napatalon sa gulat si Greta nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. “Ay kabayong nakatuwad!” “Ikaw pala, Sir,” Ngiwing sabi ni Greta. Nakita nga niya ang madilim nitong mga mata na kasing–dilim ng ulap. “Did you just say my taste in women is bad?” tanong nito. Ngumiwi si Greta. Gusto niyang i–deny ang sinabi niya pero huli na dahil narinig na iyon ng amo niya. “T–totoo naman po ang sinabi ko, Sir, pangit ng taste ninyo, hindi na nga maganda, puno pa ng harina ang mukha,” Matapang na sagot niya sa kanyang amo. Mas lalong dumilim ang mukha nito. Nakita niyang humakbang ito palapit, kaya napaatras siya. “S-Sir…a-anong ginagawa ninyo?” Tanong niya nang ilang dangkal na lang ang layo nito sa kanya. Kulang na lang mahulog ang kanyang puso dahil sa lapit ng mga katawan nila. Humakbang ulit ito, ngunit bago pa man ito makalapit ay may biglang nagsalita sa likuran nito. “Hon, what are you doing?” May bahid ng galit ang boses ng babae. Agad namang napatigil ang kanyang amo sa paghakbang palapit sa kanya, at tiningnan siya nito ng may pagbabanta na tingin. “We’re not yet done, Greta,” Saad nito, bago umalis sa harapan niya. “Putek! Muntik na ako dun, ah.” Saad niya habang hawak-hawak ang kanyang dibdib na mabilis na tumitibok sa kaba. ########## Happy Reading mga beshy 📚😊📖💖✨ Xoxo. 😘🥰😍💋🥳🤩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD