Chapter 16 Stood Up

2218 Words

Pagkatapos naming kumain ay isang bisita ang hindi ko inaasahang dumating. Hindi pa man naglulubag ang pakiramdam ko sa sama ng loob kay Asher dahil sa mga pinagsasasabi niya kanina ay mukhang madadagdagan na naman. “Ano’ng ginagawa mo rito? Saka sino ang nagpapasok sa iyo?” paasik kong tanong agad kay Lovella. “Why? Dati na akong pumupunta rito, ah. At wala kang pakialam kung ba’t ako narito! Hindi ikaw ang ipinunta ko rito kung hindi ang boyfriend ko. You see, may date kami ngayon,” buong pagmamayabang na saad niya. Umawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya. “Ano’ng pinagsasasabi mo?” tanong ko. Pakiramdam ko, parang may lason ang sarili kong dila sa pait na nalalasahan ko mula roon. “Ah, hindi mo nga pala alam, pero monthsary namin ngayon kaya may date kami,” pagpapamukha niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD