“Saan ka pupunta? Gabing-gabi na!” sita sa akin ni Asher nang makitang bihis na bihis ako at bitbit din ang bag ko. Malungkot ko siyang tiningnan. “Kailangan kong umuwi sa amin, Asher. Kailangang malaman ng Mommy ko ang nangyari. Saka kung totoong patay na ang Daddy ko, nasaan siya? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa sinasabi mong pagkamatay niya? Saka paano ba siya namatay?” sunod-sunod kong tanong. Mula pa kanina ay para akong masisiraan ng bait. Kung ano-ano ang mga bagay na pumapasok sa isip ko. Napakaraming tanong na hindi ko alam kung saan kukunin ang mga kasagutan. “Totoo ang ibinalita sa akin ni Markie. My brother would never tell lies or create stories!” depensa naman niya agad. Ngunit lalo lang iyong nagpasidhi ng sakit sa dibdib ko. “Kung gano’n, nasaan ang Dadd

