“Makuntento ka sa kung ano’ng ibinibigay ko. Dahil kapag tuluyan akong napikon sa iyo, hindi mo gugustuhing matikman ang galit ko!” lumapit pa si Asher nang husto sa kaniya nang idagdag ang mga pananalitang iyon. Hindi ko alam kung bakit maging ako ay kinabahan at kinilabutan sa uri ng pagkakasabi niya niyon. “Pagsisisihan mo rin ang mag ginagawa mo sa akin, Asher!” halos mangiyak-ngiyak sa sama ng loob na pahayag ni Analyn at nagmamartsang umalis palabas ng bahay. Dumiretso naman ng tayo si Asher saka kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Mayroon siyang idinayal na numero roon na agad din yatang sumagot. “Bantayan ninyong mabuti ang lahat ng kilos ni Analyn! Kapag nakalusot siya sa inyo, malilintikan kayo sa akin.” Napanganga ako nang marinig ang ipinag-utos ni Asher sa kausap niya. Mayr

