“Asher, naiihi na ako. Saan ba ang CR dito?” pabulong na tanong ko sa kaniya. “Diretsuhin mo lang iyong nilabasang pintuan noong mga maids na naghatid nitong miryenda. Tapos kumanan ka, nandoon,” tugon naman niya. Ngumiti ako at magalang munang nagpaalam sa kanila. Sinunod ko ang direksyon na sinabi ni Asher at hindi naman ako nahirapang hanapin ang CR. Ngumiti at bumati pa sa akin iyong mga katulong na nadaanan ko kanina. Paglabas ko ng banyo ay nanlamig ako. Nakasandal si Joaquin sa dingding na nasa labas lang ng pinto, naglalaro sa mga labi niya ang nakakalokong ngiti. Ang kaniyang mga mata ay mariing nakatutok sa akin. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko at parang may kung anong bumalisa sa tiyan ko. “Hello there,” bati ni Joaquin, kakaiba ang ngiti sa mga labi niya kaya lalo

