Ngayon ay nasa Ronda kami at talagang hindi ko mapigilan ang sobrang humanga sa burol na kinaroroonan namin. Mula rito ay kitang-kita ang buong bayan. Naupo kami sa isa sa mga bench na naroroon at napapangiti talaga ako dahil napaka-peaceful at ganda ng lugar. “Grabe, ano? Ang suwerte talaga ng mga gaya ninyong mayayaman kasi kahit kailan ni’yo gustuhin ay makakapunta kayo sa mga ganitong lugar,” sambit ko at isinandal pa ang ulo ko sa balikat ni Asher. “It really is,” sang-ayon niya, saka iniyakap ang braso sa akin. “I’m so glad that I am in this place with you.” Saglit naman akong natigilan sa isinagot niya. Nandito na naman ang parang mga nagliliparang kulisap sa sikmura ko. Sino ba naman ang mag-aakalang puwedeng maging ganito kalambing ang asawa ko? Sabagay, base sa kuwento niya, a

