Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak habang nasa mga bisig ng asawa ko. Ngunit kahit naampat na ang pagluha ko at gumaan na ang pakiramdam ko ay ayaw ko pa ring bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya. Natatakot akong sa sandaling kumalas ako sa mahigpit na yakap na ito ay baka biglang magbago ang trato niya sa akin, na babalik na naman kami sa dati kung saan para siyang isang malamig na yelo. Mabuti na lamang at hinayaan niya lang ako sa puwesto naming ito. Kahit medyo nangangawit na ako ay tiniis ko talaga hanggang sa makarating na kami sa bahay. Inalalayan pa niya ako maging sa pagbaba namin ng sasakyan. “Magpahinga ka na muna sandali at magpapaluto ako ng tanghalian. May gusto ka bang ipaluto?” banayad na tanong niya sa akin. Napatitig tuloy ako sa kaniya kasi ngayon lang uli

