“Mommy, please don’t cry… I am very sorry. I am so sorry if I caused you and Lorebel pain. I’m sorry, I really am…” dire-diretsong pagsusumamo ni Asher. Malakas akong napasinghap nang lumuhod siya sa harapan namin. Namilog ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na magagawa ni Asher ang ganito. He is fearless, smart and very powerful. Pero sa harap ng Mommy niya, para lang siyang isang batang nagkasala at handang tumanggap ng parusa. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman. Pero sa puso ko, dahil sa ipinakikita niyang pagmamahal sa Mommy niya, lalo ko pa siyang inibig. I really admire men who love and respect their parents, especially their mothers, without turning into a mama’s boy or something. My admiration

