Habang nasa byahe ay tahimik lang ang dalawa,hindi pa rin maalis ang puwang sa puso ni Sabrina ang katotohanang umaasa siya sa pag mamahal na sinabi ni Arcel sakanya,dahil aminin niya man o hindi ay nahulog nadin ang loob at puso niya lalakeng tinuring niya ng tunay na asawa. Nakisimpatya naman ang mga luha nito sa damdamin nya dahil kusang nag landas ang mga ito sa gilid ng kanyang mata dinig ni Jerson ang bawat hikbi ng matalik na kaibigan,paminsan minsan ay sinusulyapan niya ito ngunit naka tanaw lamang ito sa labas ng bintana ng kotse. Nasasaktan sya sa tuwing nakikita niyang nahihirapan at umiiyak ang dalaga,isa pa sobrang nag alala ito dito ng makita nito ang duguang damit ni Calvin,dahil sa tuwing nakaka kita sya ng dugo ay bumabalik sa alala niya ang nangyari limang taon na ang n

