Pagdating ng dalawa sa mansion ay tahimik parin si Sabrina at halos hindi rin kumikibo,hindi rin nag banggit ng kahit ano si Jerson sa lola at auntie nito ng tungkol kay Arcel tulad ng pinangako nito sa kaibigan. Bakas ang pag aalala sa mukha ng auntie Laura nito at maging sa lola niya,ngunit naki usap itong nais niya munang magpahinga at mapag isa at pumanhik ito sa kwarto niya at nag kulong na mag isa. Dumaan ang tanghalian at hapunan ay hindi parin ito lumalabas kayat nag alala na ng husto ang lola nito at nagpasyang sadyain na ito sa loob ng kwarto. Pinagbuksan naman siya nito at hinayaan makapasok,sumunod naman ang auntie Laura nito at nag dalaga ng pag kain para sakanya. Apo,sobrang nag aalala na kami sa iyo kumain kana wag mo sanang kalimutan na merong bata jan sa sinapupunan mo

