Dahil hindi mawala sa isip ni Kylie ang tungkol sa sing sing ay nagpasya na itong tawagan si Bryle para itanong kung kasama ba nito ang kuya Prince niya at hindi nga sya nag kamali dahil nanduon iyon sa bar na pag mamay-ari ng kaibigan nitong si Jazz. Pag pasok ay mabilis syang sinalubong ni Jazz,mabilis naman nitong sinuyod ng tingin ang bawat sulok ng bar para hanapin kung nasaan ang kuya nito,nakita nitong kumakaway si Bryle sa dika layuan at mabilis niya naman iyong pinuntahan. Halos malaglag ang panga ng dalaga ng makita nito ang itsura ng kapatid niya na halos lupaypay na sa sobrang kalasingan. Oh my god,bakit naman ganito to kalasing si kuya Prince,pagtatakang tanong ng dalaga at nagpalipat lipat pa ito ng tingin sa dalawang binata, We also don't know kung ano bang problema ng k

