Chapter 37
Pag dating sa office namin ay na upo lang ako sa mesa ko at binasa schedule ko at buti nalang ay wala akong request na design dahil lutang ang isip ko at di ako makakapag pokus sa gagawin ko.
Wow ikaw ba yan Sabrina?
Himala iba ang awra mo ngaun? naka dress at walang salamin?
"Pabiro namang tanong ni Sir Peter sakin habang humihigop ng kape.,
Nawala po kasi yung salamin ko kahapon diko alam kung saan ko naiwan kaya ginamit ko muna yung contact lens ko.
Woow ikaw?
Ikaw ang nag avail na bagong labas na Limited Edition Design ng Carter Clothing Lines??
Huh?ito bang damit ko ang tinutukoy mo Sara?
H-Hindi ako ang bumili nito,b-bigay lang sakin ito ng k-kaibigan ko.
Palusot ko kay Sara hindi ko naman alam na mamahalin pala itong damit na suot ko.
*****
Mia,
Ano ng balita sa inutos ko sayo napa check muna ba ang background si Sabrina Castillo?
Okay napo Sir at dadalin napo dito mamaya ng inutusan ko
Sir 30 mins nalang po ay mag uumpisa na ang meeting niyo ni Mr.Gonzales sa VIP room sa 5thfloor(Food Arcade),Paalalang sabi ni Mia dito.
Okay ibakante ng hanggang 1pm ang schedule ko at pag katapos mag usap ng dalawa ay nag paalam nadin si Mia at bumalik na din ito sa opisina niya.
Pag labas ni Arcel sa elevator ng arcade ay natanaw niya ang grupo ng mga empleyado na masayang kumakain at nag kkwentuhan,mabilis niya namang nakilala ang mga ito.
Napansin niya ang ganda ng ngiti ng asawa habang masayang nakikipag kwentuhan katabi ang pinsan nitong si Calvin .
Sir dito po tayo,
Naka yukong pag akay sakanya ni Peter ng mapansing napa hinto ito sa pag lalakad.
Okay,Maikling tugon nito at naglakad ng muli.
Halos mahigit isang oras din ang tinagal ng meeting nito at tila lutang din ang isip nito,dahil paulit ulit sumasagi sa isip niya ang nangyari sakanila nung gabi at tila di niya maiwasang mapangiti,
Ngunit ng bigla niyang maalala kung pano makipag usap at ngumiti si Sabrina sa pinsan nito ay tila may kirot itong naramdaman .
Pag katapos ng meeting ay sinulyapang muli ni Arcel ang pwesto kung saan niya nakita ang asawa ngunit wala ito doon,kaya't dumeretso na ito sa kanyang opisina.
******
Ilang minuto lang ay dumating nasi Mia para sa background check result nito kay Sabrina.
Si Ms.Sabrina Cazandra Castillo ay Nagtapos sa U.P Diliman at kasalukuyang ng tatrabaho sa Majestic Group na hawak ng Golden Entertaiment ngayon,
Ayon din po dito ay galing siya sa broken family lumaki siya sa pangangala ng lola niya 9years Old ito ng umalis ang nanay niya at nag punta ng Thailand at ang tatay niya naman ay may ari ng isang High Class Furniture sa Cavite
si Ms. Cazandra ay nag iisang anak ni Mr.Romualdo Castillo at Mrs. Carmela Castillo na ngaun ay mas kilala bilang si Mrs.Carmela Raffa dahil isang taon mula ng mamatay si Mr.Castillo ay nag pakasal ito Kay Mr.Kareem Raffa.
I can't believe na galing siya sa isang mayamang pamilya,nag tiis siya sa ganong klaseng buhay?
Bakit hindi siya kinupkop ng daddy niya?
Napag alaman ko po na ilang beses binawi ni Mr.Castillo ang kanilang anak pero nag balak idinemanda ni Mrs. Castillo ang kanyang asawa kaya dina ito lumapit pa sakanila.
Pero after nitong nilayo ang kanilang anak ay iniwan lang nito si Ms.Castillo sa kaniyang lola at iniwan din nito para mag punta ng Thailand.
Now i know kung bakit nawalang bigla si Sabrina nung gabing pinakilala ni Mr.Raffa ang kaniyang buong pamilya sa Event,kaya pala hindi niya matanggap ang alok ng RAFFA Jewelries dahil ina niya ang may ari nito.
Tama po kayo Sir.
Pag sang ayon ni Mia at pag katapos noon ay nag paalam na ito at lumabas na ng opisina.